Chapter 4

1 0 0
                                    

Chapter 4

Louie's Point of View

"Potangina congrats ilang buwan ka ng hindi kumukurap kaye!" pambibiro ni lucas dito kay kaye

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa bench dito sa park dahil wala kaming klase. Tatlong buwan nadin pala kami dati sa university na 'to at mas tumibay pa ang pagsasamahan naming tatlo.

"Tangina kung pwede lang ako kumurap natutulog na ako ngayon!" natawa naman kami sa sinabi niya.

Proud ako sa kanya. Almost 3 months na kami dito pero malakas talaga ang loob niya. She's fighting! Great.

"Sino ba 'yung lalaking 'yun oh?!" napatingin kami sa tinuro ni Joela.

Siya yung lalaking laging tumatambay sa labas ng dorm ko. Lagi niya ako hinintay makauwi para matulungan sa dadalhin ko. Sino kaya siya?

"Lagi 'yang nasa dorm ni Louie kaano ano mo 'yan?" nabaling ang tingin nila sa akin.

"H-Hindi ko nga kilala 'yan eh!" hinaing ko sa kanila dahil kung ano ano nanaman ang alam kong nasa isip nila.

"Remember the thing that you really need to avoid. Louie" seryoso lamang ang tingin ni Joela sa akin. "Ayokong mawala ang isa sa inyo. Kaya please hanggang kaya niyo. Control please." dugtong niya pa.

Mahigpit ko siyang niyakap ng mapansin na umiiyak na talaga siya. Maging ako ay ayoko ring mawala ang isa sa aming apat. Ayokong makita ang katawan nila na bangkay nalang at wala na ang ulo. Ayokong makalimutan ang mukha nila. Ayokong mawala sila.

"Delikado kayong dalawa ni Kaye. Louie kaya please tatagan niyo lang ang loob niyo." nagsalita naman si Lucas.

Nag aalala rin ako kay kaye. Hindi ko alam kung kakayanin niya 'to pero sana magtagumpay siya!

"Hi dear students. Magkakaroon tayo ng isang araw na malaya kayo. Idedeactivate namin ang mga inilagay namin sa ulo niyo. One day only" nagulat kami ng may nagsalita nalang sa kalangitan.

Alam kong hindi langit 'to dahil ang lupa nga nangangain ng bangkay eh. So alam kong ang langit na 'to ay gawa rin ng makina nila.

"Patuloy parin kaming nabibilib sa tatlong taong mayroon ng unique na capsule. Ipagpatuloy niyo lang 'yan. Alam kong nahihirapan kayo pero kasalanan niyo rin 'yan!" inismiran ko nalang ang nagsalita.

"Bwesit na mga taong 'to. Ano 'tayo hayop? Wala ba silang mga awa?" hindi na kami nagsalita ng magsalita pa si lucas.

Yeah. They're right. This is our fault. But hindi naman namin alam na ganito pala ang mangyayari sa amin. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako pumasok dito!

Sana maganda ang kalagayan ni Geo ngayon. Sana maayos siyang nakalabas sa lugar na 'to.

"Hindi ba talaga aalis 'yang lalaking 'yan kakatingin sa atin?" nabaling ulit ang pansin namin sa lalaking may takip sa mukha.

"Sa tingin mo anong bawal sa kanya?" binatukan ni Joela si Lucas sa sinabi nito.

"Its obvious bro! Bawal makita ang mukha niya!" napatawa naman ako habang kapit ni lucas ang ulo niya. Napalakas ata ang pagpalo ni Joela.

"Kilala ko na 'yung tatlong sinasabi nila. You!" tinuro niya ako.

"Ikaw din kaye!" ngumiti si kaye.

"And 'yung lalaking 'yun" tinuro niya ang lalaking may takip sa ulo.

"Ano kayang purpose niyong tatlo sa kanila? bakit sa inyo napunta ang unique na capsule na 'yan?" maging ako ay napatanong sa sarili ko sa itinanong ni Lucas.

Fuck This University Where stories live. Discover now