Chapter 9

1 0 0
                                    

Chapter 9



"Kumusta ka naman kagabi?" napatingin ako kay Joela na nagtitimpla ng kape para sa aming apat.

"May kung kaninong boses akong narinig eh. Familiar voice niya tapos parang close talaga kami. May nag away pa dahil sa 'kin pero sabi noong unknown person pumikit daw ako edi 'yun ginawa  ko tapos nang nawala ang mga ingay dumating din 'tong si kaye"

"Sure kaba diyan? Baka si madam bruhang Valentina lang?" sabat naman ni Lucas.

"Ikaw kaye?" halata sa mata ni kaye ang gulat nang tanungin siya ni Joela.

"Huh? Hindi ako 'yun kakarating ko lang doon. Tsaka kung ako 'yun edi sana nakilala na ni Louie ang boses ko nang lumapit ako sa kanya" natawa naman si Joela sa naging sagot ni kaye.

"Gaga, hindi ko sinasabing ikaw 'yun. Sabi ko kung anong nadatnan mo noong time na nakita mo si Louie kaya nga lumapit ka diba? May mga tao kabang nakita? May narinig kaba sa mga usapan nila?" tumatawa parin si Joela habang si Kaye ay kumakamot pa sa ulo niya.

"Wala eh. Ang alam ko lang noong dumating ako sa place kung nasaan nakaupo sa lupa si Louie ay siya lang ang nandoon at tulala pa siya" natawa naman itong dalawa sa akin.

"Baka hallucinations mo lang naman pala Louie? Sa sobrang inggit mo sa mga nagmamahalan dito ay naghahallucinate ka ng may magtatanggol sayo kapag nasa kapahamakan ka" tumatawa pa ang dalawa sa salita ni Lucas.

Bwesit na tatlong 'to! Akala ko ba kaibigan ko mga 'to? Pero-- What if hallucinations ko lang talaga 'yun? Pero hindi! alam kong totoong nangyari 'yun!

"Oh kape ka muna. Huwag ka kasi masyadong mag overthink. Nandito naman kami love ka namin kahit hindi mo kami love you know.. naiintindihan naman namin kung hindi mo kami pwede mahalin. 'Yun yung bawal sa 'yo wala tayong magagawa. Pero lagi mong tatandaan na may kaibigan ka dito sa impyernong 'to. Tsaka mo nalang kami mahalin kapag nasa labas na tayo" inabot ni Joela ang kape sa akin at agad akong sumimsim dito.

"Ako Joela kailan mo mamahalin?" binatukan naman ni Joela si Lucas na ikinatawa naming tatlo.

So lucky to have this kind of friends. Same vibes at naiintindihan ang isa't isa.

"Una muna ako. May klase pa kasi ako, magkaiba naman ang subjects natin diba?" kinuha ko ang bag ko at tumayo na para pumasok sa next subject ko.

"Ingat" sabay sabay nilang sambit kaya nginitian ko nalang sila, kumaway para magpaalam at lumabas na sa dorm ni Joela.

Magkakasama ang tatlo sa last subjects namin at ako lang ang naiiba dahil ito naman ang inassigned sa 'king subjects anong magagawa ko?

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay nakita ko nanaman si Boy Mask na palapit sa akin. Ano nanamang problema nito?

Nagkasulubong kami pero nakatingin lang siya sa mga mata ko sa matamlay na mata. Hanggang doon lang 'yun. Hindi ko alam pero ngumiti pa ako nang mangyari 'to.

Nang makarating ako sa klase ay nagsimula rin ito agad. Nakatingin lang ako sa labas habang matapos ang klase. Ano ba kasing silbi ng pag aaral ko rito? Wala naman diba.

"Louie?" nagulat ako nang may kumapit sa balikat ko.

"Austin? Bakit?" nagtatakang tanong ko.

Senenyasan niya akong maupo ulit kaya 'yun naman ang ginawa ko. Kinakabahan man sa kinikilos niya ay sumunod parin ako.

"Bakit?" muli kong tanong.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa unahan. Ano bang meron? Ba't kinakabahan naman akong masyado?

Fuck This University Where stories live. Discover now