Chapter 8

3 0 0
                                    

Chapter 8

Louie


"Huh? diba sabi mo patay na 'yun?" nabaling ang pansin ko sa kay kaye na narinig pala ang sinabi ko. Maging sila Joela ay alam kong narinig din nila.

"Wala. Akala ko si Geo" binaling ko nalang ang tingin ko sa kanila.

Si Geo kaya talaga 'yun? Or baka kamukha lang?Sinabi na rin sa akin ni Boy mask na leader siguro ng ipinatupad na group nitong si Bruhang valentina na nakalabas na daw dito si Geo kaya impossibleng siya 'yung nakita ko.

"Guni guni mo lang 'yan. Nandito naman kami kaibigan mo rin kami. Magpapakatatag kami hindi gaya niya sumuko agad" pilit nalang akong ngumiti sa sinabi ni Joela.

Oo baka nga. Guni guni ko lang ang mga nakita ko. Malamang alangan naman makita ko siya kahit ma nakalabas na siya dito?

"Kayong apat!" napatingin kaming apat sa mga lalaking pumalibot sa amin.

"Diba pinagbawal na ni Mam Valentina na magkasama sama kayo?" sambit pa ng lalaki na naka maskara. Oh? Shit so sumuko na siya sa mga nakakataas? Unique capsule ang meron siya pero bakit siya sumuko? Para maging leader sa walang kwentang university na 'to?

What a beautiful mindset you have mr mask. Idiot.

"Magkakasama lang talaga kami lagi!" sigaw naman ni kaye.

"Pero bawal nga 'yan!" tugon naman ng lalaki.

"Okay hiwalay nalang kaming apat." sinamaan namin sila ng tingin bago maglipat isa isa. So kanya kanya kami ng bench.

Nang makaalis ang mga lalaki ay nagtabi tabi rin kami. Akala ko ba pito sila? pero bakit wala 'yun isang kamukha ni Geo?

"Yaan mo nalang mga 'yan mga papogi dito ginagamit lang din naman sila ni bruhang Sheila" sabay sabay kaming natawa sa sinabi Lucas.

"Ikaw nga rin eh papogi lang dito kay Joela" lalong lumakas ang tawa ko nang sabayan ni Kaye si Lucas.

Jusme.. Huwag lang sana love triangle at wala akong magagawa diyan mga bobo kayo.

______

"Why are you here?" sinamaan ako ng tingin nitong lalaking alam kong nasa team ni boy mask.

Gusto ko kasi makita si kalokalike ni Geo para naman makita ko ulit ang mukha ni Geo sa kanya. Kaya naisipan kong sumulyap tingin sana kaso ang bwesit na lalaking 'to ay nahuli pa ako.

"Pake mo?" gumanti ako sa sama ng tingin niya.

"Gusto mo bang mawalan ng ulo ha? Anong karapatan mo para sagutin ako ng ganyan ha? Hindi mo ba alam na nasa grupo ako ng mga boss dito?" napabulwak naman ako ng tawa sa sinabi niya pero agad itong natigil ng kwelyuhan niya ako.

Pogi si kuya kaso alam mo na may pagkaano ang ugali. Kunti na ngalang ang layo ng agwat namin isa't isa magkakahalikan na ang mga labi namin eh. Shocks.

"Aling ulo ba?" sarkastiko kong sambit kaya inalis niya ang kamay niya sa kwelyo ko at mabilis ko namang inayos ito kasabay ng werdong ngisi sa mga labi ko. Nahawaan na ata ako ni Lucas. Nahahawaan na ata ako ng mga werdong tao dito. Mga baliw na tao na walang ibang iniisip kundi ang sarili nila at kasiyahan nila.

"Tell me anong bawal sa 'yo!" napabulwak akong muli ng tawa ng sumigaw pa siya. Pathetic.

"Magsalita" sarkastiko kong sambit at ngumisi kaya alam kong mas lalo siyang nainis sa mga ngisi ko.

Kinuha niya ang bato sa nasa gilid niya. Kasing laki ito ng kamao niya at alam kong ano mang oras ay isasapak niya sa ulo ko ang bato na 'to.

"Scared huh?" siya naman ang natawa.

Fuck This University Where stories live. Discover now