Chapter 16
Lucas
"Please, balikan natin si louie baka ano nang nangyari sa kanya!!" patuloy na tumutulo ang mga luha ko habang mahigpit na nakayakap kay joela. Hindi ko man gusto ko ay kailangan kong gawin ang gusto niya.
"He's dead" nanlulumo man sa sinabi ko ay kailangan naming tanggapin na wala na talaga siya. Wala na si Louie. Wala na ang kaibigan namin.
"We're not sure!! Just please let go of me, at ako ang pupunta sa kanya kung natatakot ka!" mas hinigpitan ko pa ang yakap kay Joela habang patuloy itong kumakawala.
"Im sure. Narinig ko ang pagbagsak niya sa sahig. Alam kong narinig mo rin 'yon kahit nakasarado ang silid na inalisan natin na naroroon siya."
"Let go!!" hindi ko man gusto ay unti unti ko rin binitawan si Joela. Her voice making me weak. Halata sa boses niya ang sakit at hirap na nararamdaman. Maging ako ay nararamdaman din 'yon pero wala akong karapatang umiyak. Ayokong umiyak sa harap ng babaeng minamahal ko. Ayokong makita niya na nanghihina ako dahil pareho kaming hindi makakaligtas. Wala na nga si Kaye nawala pa si Louie. They're counting on me.
Hindi ko pababayaan si Joela pangako.
Nang makawala si Joela sa yakap ko ay hindi niya nagawa ang gusto niyang gawin sa halip ay umiyak lamang siya nang umiyak. Wala akong magawa kundi yakapin siya. Hindi ko masasabing okay lang 'yon kasi alam kong hindi. Ayokong makita siyang ganito pero ayokong iinvalidate ang feelings niya.
"Please take care of him" napatingin kaming sabay ni Joela habang may lalaking pumasok at bitbit niya ang isa pang lalaki... Si louie.
"Louie!!" tinakpan ng lalaki ang bibig ni Joela at nilagay ang isa niyang daliri sa labi niya. Senyas na tumahimik.
Unti unting nawala ang parang pakong nakatusok sa dibdib ko ng makita si Louie na humihinga pero wala itong malay.
"Umalis na kayo rito. Alam kong narinig na kayo ng mga impostor sa lugar na'to. May twenty minutes nalang para sa game na ito. Hindi totoo ang rule na binigay nila sa game na ito. Ang dapat niyo lang gawin ay mabuhay at pumunta sa safezone ng lugar na 'to. Hanapin niyo ang safezone sa lalong madaling panahon. Dalian ninyo!" hindi na ako nagsayang ng oras at dali dali kong sinampa sa likod ko si Louie at hila hila ko naman si Joela.
Hindi na ako nakapag isip kanina at hindi narin ako nagpasalamat sa lalaking tumulong sa amin na nakamaskara. Siya ata 'yung may maskara na bawal daw makita ang mukha dahil mamamatay siya.
Mabilis akong tumakbo hanggang sa makarating kami sa malayo na sa pinanggalingan namin. Sino kaya ang lalaking tumulong sa amin. Ano kayang dahilan niya bakit tinulungan niya kami.
Binaba ko si Louie at pinahiga ito sa hita ko. Nakangiti narin naman si Joela dahil walang nangyaring masama kay Louie. Sinandal ko nalang ang likod ko sa pader at pumikit. Saan kaya mahahanap ang safezone na 'yon, at anong dahilan bakit merong impostor at crewmate kung 'yon naman pala ang rule? Para ba malito kami at hindi makaligtas lahat? Ughh this game is a mess. Buhay namin ang pinaglalaruan nila. We're human and not fucking doll!
"Ano 'yan?" napamulat ako ng mapansing may nililikutan si Joela sa pader na nasa katabi ko. Malapit lang sa akin kaya narinig ko ito agad.
Tumingin ako rito at nakita ang isang parang maliit na sulat.
"Saf" hinawi ko ang tumatakip sa kadugsong ng nakasulat.
"Safezone, say 'please save us' if you want to enter" nanlaki ang mata ko sa nabasa ko at agad na napasigaw.
"Please save us!" biglang may malakas na tunog na parang bumukas sa likod kaya napaatras kami. Sinakay ko naman sa likod ko si Louie. May automatic na pintong bumukas sa harapan namin.
Napatingin ako kay Joela, maging siya ay nakangiti rin at hindi makapaniwalang nandito ang safezone na sinasabi noong nakamaskarang lalaki. Maliwanag dito dahil sa parang kandilang nakadikit sa mga pader.
Pumasok ako sa loob at dali dali kong binaba si Louie. Maganda ang loob, maaliwalas, para kang nasa langit dahil sa ganda ng loob. Bumalik naman ako para si Joela naman ang papasukin. Ewan ko ba rito. Baka masyadong naging masaya dahil alam niyang ligtas na kami kaya hindi na nakagalaw sa kinatatayuan niya.
Habang lumalapit ako sa kanya, ay nakikita ko ang ulo niya na nakatingin sa may pinanggalingan namin. Huh? Anong tinitingnan niya doon?
Tatakbo na sana ako dahil natatakot ako na baka makita pa kami ng iba nang bigla nalamang may kung anong anino ang sumugod kay Joela kaya nanlaki ang mata ko. Kasabay ng pagsara ng pinto ang pagbagsak nilang dalawa.
"Joela!!!" ginagamit ko na ang buong lakas ko para buksan ang pinto pero hindi gumagana.
"Sorry but you're safe here. We will never let you get out again and sacrifice your life to othe-"
"Wala akong pake potangina! Bukas ninyo ang pinto!!" hindi ko alam ang magiging reaction ko. Gusto kong umiyak pero mas lalong umaapaw ang galit ko sa potanginang mastermind ng game na 'to!
Pinilit kong buksan sinipa, sinuntok, ginamit ang buong lakas pero ayaw talaga mabuksan ng pinto.
Sinuntok ko nang sinuntok ang pinto hanggang sa dumugo nalang ang kamao ko sa kakasuntok.
Wala akong sakit na nararamdaman. Wala akong maramdamang kahit ano. Manhid na ang buong katawan ko sa potanginang sakit na nararamdaman ko sa loob ko.
Hindi ko kakayaning mawala ang mahal ko pero gawin ko man ang lahat ay hindi ko talaga kayang buksan ang pinto. Potangina!!!
"Potangina ninyo!, Fuckyou all!" wala akong pake kung magpuntahan ang mga impostor o crewmate rito, Wala na si Joela at wala naring silbi ang buhay ko!
Napaluhod nalang ako sa labis na sakit. Patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko ka kayang maging matatag kung 'yung babaeng nagpapatatag sa akin ay kinuha na nila. Hindi ko na kayang magpanggap na okay ako dahil wala na akong kinatatakutang makakita sa akin na umiiyak ako. Wala na ang babaeng dahilan kung bakit nagpapalakas ako. Wala na siya. Wala na si Joela.
Napatigil ako ng biglang bumukas ang pinto. Dali dali akong tumingin at nakita ang isang babaeng puro dugo ang mukha at buong katawan. Kapit niya ang isang maliit na kutsilyo.
__________End of this chapter.
YOU ARE READING
Fuck This University
FantasyIsang sikat na university ang state college university dito sa camarines norte. Isang bagong tayong universidad na dinagsa ng napakaraming kabataang nais mag enroll. Pero? ano kayang kahihinatnan ng mga batang mageenroll sa universidad na ito?. "Lea...