Chapter 12
Louie
"Totoo ba ang sinabi ni Austin?" pinutol ko ang katahimikan na namamahagi sa aming dalawa. Kasalukuyan kaming nasa dorm ko ngayon at dito siya pumunta.
"Oo, mas better kung mag iingat ka. Hindi ko rin alam kung anong rules and ways para manalo doon pero ang alam ko lang ay may mamamatay" nakatingin lang ako sa mga mata niya samantalang siya ay nakatingin sa nakasarado kong pinto.
"Kailan ito mangyayari?" sunod na tanong ko. Narinig ko ang paglunok niya at tumingin sa akin.
"Bukas"
"Potanginamo beh anong pinagsasasabi mong 'wag kaming pagala gala at mag ingat? Ano nanamang pinagbawal ng bruhang 'yun sa atin? May mga ipinagbawal nanaman ba siyang mga gawin? Loko talaga 'yang bruhang 'yan kapag nakalapit talaga ako diyan tatanggalin ko anit niyan!" halata sa boses ni Joela ang gigil na nararamdaman.
Gabi na at alam kong kinabukasan ay magaganap na ang isang duguang araw. Ayoko rin naman na isipin nilang nababaliw na ako pero natatakot talaga akong sabihin sa kanila.
"Weird kinikilos mo this past few days louie may bumabagabag ba sa 'yo?" lumakas ang kabog ng dibdib ko sa narinig kay Lucas.
Shit nahahalata niya pala!!
"Bukas na 'yung araw na pagpupuksain ni madam valentina ang mga estudyante rito. Bukas na mangyayari ang madugong araw pero rito ay magsisimula palang ang lahat." napatingin kaming tatlo kay kaye at halata sa mata ni Joela at Lucas ang labis na pagtataka. Labis din ang pagtataka ko pero hindi dahil sa sinabi niya kundi paano niya nalaman? Saan niya nalaman?
"Huh? What do you mean?" sabay na tanong ng dalawa kay Kaye.
"Limang tao sa isang grupo. Kinakailangang mamatay ang isang kagrupo niyo sa pamamagitan ng kayo mismo ang papatay sa kanya." ako na ang sumagot sa tanong nilang dalawa kaya sa akin nabuntong ang paningin nilang dalawa dahil nakayuko lamang si kaye at parang hindi na nagtaka na alam ko ang mangyayari bukas.
Anong alam ni Kaye? Saan niya nalaman 'to?
"Alam mo rin?" sabay na tanong nila sa akin.
"Oo" maikli kong tugon.
Masakit sa akin na makitang natatakot sila pero kailangan kong maging matatag. Kailangan naming maging matatag para makasurvive sa bwesit na lugar na 'to.
"Paano?" napayuko nalang ako sa tanong ni Joela"
Hindi ko kaya sagutin ang tanong niya kahit na napakabilis nitong sagutin. Ewan ko ba. Hindi ko kaya.
"Apat tayo! Diba nangako tayo sa isa't isa na handa tayong maging makasalanan maprotektahan lang ang isa't isa?" tumingin kaming tatlo kay Lucas. May gusto siyang ipaintindi sa amin pero hindi ko ito maintindihan. Maging sila Kaye ay alam kong hindi rin naiintintindihan ang sinasabi ni Lucas.
"What do you mean?" Si Joela lang ang nag abalang magtanong kahit na ako ay binabalot din ng curiosity sa sinasabi ni Lucas.
"Kailangan natin maging matatag. Ipagpaliban ang konsensya dahil kailangan nating mabuhay! Need nating pumatay ng isang estudyante rito! Need natin in order for us to survive!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Tama!" napatingin ako kay Joela na ngayon ay malawak na ang ngiti na nasa mukha.
"Kailangan nating makasurvive! Kailangan nating maging matatag para mabuhay! Naiitindihan tayo ng Diyos. Kailangan natin 'to!" nakatingin lamang silang dalawa sa akin.
Hindi ko enexpect na magiging totoo pala ang pangako namin sa isa't isa. Hindi ko 'to inaasahang mangyayari pero masaya ako. Handang lumaban ang mga kaibigan ko. Sila ang nagpapalakas ng loob ko. Kung sino kamang random student ka. Im sorry but we really need to do this. We are all victim here.
YOU ARE READING
Fuck This University
FantasyIsang sikat na university ang state college university dito sa camarines norte. Isang bagong tayong universidad na dinagsa ng napakaraming kabataang nais mag enroll. Pero? ano kayang kahihinatnan ng mga batang mageenroll sa universidad na ito?. "Lea...