Chapter 10
"Okay kalang ba?" kanina pa nagsasalita itong si boy mask pero kahit mahinang boses o maikling salita ay walang lumabas sa bibig ko.
Andaming sinabi ni Austin kanina pero kahit na kaunti ay wala talaga nag sink in sa utak ko. Wala ba talaga o hindi ko lang kayang tanggapin? Hindi ko lang talaga ata kayang tanggapin ang mga sinabi niyang mangyayari.
-Flashback-
"Habang pauwi ako sa dorm ko nang isang gabi ay nakita at narinig ko ang isang pamilyar na babae. Classmate natin siya at nakita rin kita sa lugar na 'yun. Nang umalis sila sa'yo ay may babaeng biglang lumapit sa 'yo si kaye ata ang pangalan noon. Sinundan ko ang maraming lalaki at pumunta sila sa may isang madilim na lugar." seryoso lamang akong nakatingin sa kanya.
"Nandoon ka?" naguguluhang tanong ko.
"Oo, narinig ko ang sinabi nila. Katulad mo daw ay napakarami ng mga estudyanteng napakalakas ng loob at ayaw nila sa ganon. Bilang tanda ay may parusang silang iaatang sa lahat. Narinig ko 'yun at alam ko na ang mangyayari" huminga siya ng malalim.
"Babawasan nila ang estudyante sa pamamagitan ng isang nakakabaliw na laro. Sana kahit anong mangyari sa larong ito. Isama mo ako sa magiging grupo mo. Mainit na laban 'to at alam ko na alam mo na madugo ang larong 'yun. Please be ready. I need your help. Don't worry I can sacrifice my own life kapag may kahit ano mang masamang mangyari. Basta pabayaan mo akong sumali sa grupo mo at hayaan mo akong magantihan si Madam Valentina o kahit 'yung professor lang natin" mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya.
"Please hayaan mo akong ipaghihiganti si Natasia" lumuluha na siya.
"Anong sinasabi mo?" naguguluhan parin ako.
"Mauna na ako. Maintindihan mo rin ako. Sana maipangako mo sa akin na isasama mo ako sa grupo mo" ngumiti ito sa akin at tumayo pero hindi pa siya umalis at tila may hinihintay pa sa sasabihin ko.
"Promise" tanging nasambit niya nalamang at tuluyan ng umalis.
-End of Flashback-
"Hoy okay kalang ba?!" napabalik ako sa sarili ko nang sumigaw siya at agad siyang sinamaan ng tingin pero gumuhit lang ang nakakalokong ngiti sa labi niya.
Baliw.
Hindi nalang ako sumagot sa tanong niya at humiga nalang sa sofa.
"Hoy! Ako diyan sa sofa dito kanalang sa kama mo!" hindi ko parin siya pinapansin.
"Uuwi nalang ako!" may padabog effect pa siya kaya napatingin na ako sa kanya.
"Humiga kanalang diyan bukas kanalang umuwi may sakit kapa tanga!" seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Kaya nga palit nalang tayo" kumukulit pa ang gaga.
Pinatay ko nalang ang ilaw at pumikit. Wala narin naman akong narinig na kahit anong ingay mula sa kanya kaya mainam naman akong nakatulog. Naalimpungatan ako dahil umaga na. Nagulat naman ako ng may nakayakap na sa akin kaya agad ko siyang tinulak na ikinahulog niya.
"Aray!!" sumigaw siya.
"Tanga ka kasi boy mask! Ba't ka kasi dito natulog sabing diyan kana sa kama eh!" hinaing ko naman at tiningnan siya sa sahig.
Tumayo naman siya habang kapit ang likod niya na napuruhan ata sa pagkabagsak niya. Tanga kasi.
"Masakit ba? Yan kasi gaga ka" kinapitan ko ang likod niya at hinimas pa ito dahil ito ang sinabi ng mommy ko dati. Nakakagaan daw ito ng sakit.
Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya napatingin na ako sa mata niya. Nakatitig sa mga mata ko ampota.
"Factyou" tinaas ko ang ring finger ko kaya napatawa naman siya.
YOU ARE READING
Fuck This University
FantasyIsang sikat na university ang state college university dito sa camarines norte. Isang bagong tayong universidad na dinagsa ng napakaraming kabataang nais mag enroll. Pero? ano kayang kahihinatnan ng mga batang mageenroll sa universidad na ito?. "Lea...