Chapter 11
Joela's Point of View
"Anong gusto mo sa isang lalaki?" napatingin naman ako sa kanya na seryoso palang nakatingin sa akin.
"Simple lang. Marunong rumespeto sa babae at maganda ang tipo sa pagkain tulad ng mga gulay ganon" simpleng sagot ko kaya napaubo siya.
"Baliw kanaba talaga?" malakas na tawa lang ang narinig ko kay Lucas kaya agad ko siyang nahampas sa balikat.
"Aray!" hinaing naman nito dahil napalakas ata ang paghampas ko.
"Ano kayang problema ni Kaye? tapos 'yang si Louie pagsabihan natin 'yan puro nanaman kalandian kapag nawalan nalang ulo 'yan!" pagbabago ko ng usapan at nakatingin lamang sa malayo.
Bwesit kasing Louie 'to alam niya naman na bawal sa kanya mainlove puro landi ang inaatupag. Ilang beses na naming pinagsasasabihan 'yan ayaw parin makinig sa amin dahil kaya niya naman ang sarili niya tapos magtatampo pa dahil wala daw kaming tiwala sa kanya.
Argh!! kaasar siya.
"Kung ako sa'yo hayaan mo nalang silang maging masawang dalawa sa sariling time nila kaya magdate nalang muna tayo! Libre ko!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Libre ka diyan. Libre naman talaga lahat dito tsaka saan ka naman kukuha ng pera kung sakaling hindi libre dito? Tanga" natawa naman siya.
"Edi ako nalang poprotekta sa 'yo kung sakaling may lumandi man sa'yong mga lalaki. Ako na mismo tatanggal ng ulo nila. Diba 'yun naman gusto ni madam valentina? mabawasan ang estudyante dito hanggang maging 20 nalang. Kasama tayong apat nila Louie sa 20 na 'yon" natawa naman ako sa sinabi niya.
"Okay!" nakangisi na ako.
"Eh? bibigay karin naman pala sa date tapos aayaw kapa? inamo joela ah!" sinamaan ko naman siya agad ng tingin.
"Ayaw mo ba?" agad niya namang ginapusan ng mahabang tela ang kamay ko at hinila ako palayo sa bench na kinauupuan namin.
"Sinong aayaw? Ako na nag aya tapos ako pa may ganang umayaw?" nagpapahila lang ako sa kanya gamit ang tela. Bawal kasi siya kumapit ng matigas kaya need talaga itong tela kapag mampupwersang hila siya.
Nakarating naman kami agad sa nag iisang cafeteria dito. Malaki ang cafeteria na 'to kasi hanggang third floor din. Umupo kaming dalawa sa bakanteng upuan na nasa dulo.
Inalis niya rin ang tela sa kamay naming dalawa.
"Ano po sa inyo maam at sir?" napatingin kaming dalawa sa lalaking lumapit sa table namin. Sila ata ang naka assigned sa lugar na 'to.
"Ibigay niyo sa akin ang mga gulay niyong niluluto dito mapahilaw at luto o maski hinog na 'yan o kahit panis basta gulay 'yun ang order ko" nahampas ko naman si Lucas sa kanyang order at nag alala rin ako kay kuya dahil nilista niya talaga ito lahat
"Sayo mam? nabaling naman ang attention ng waiter sa akin.
"Spaghetti at orange juice nalang" tumango naman siya at tuluyan ng umalis sa pwesto namin.
Kaya pala nagtatanong siya kanina kung ano daw tipo ko sa isang lalaki. Eto pala meaning niya noong time na 'yun.
Ilang saglit lang ay nandito narin ang waiter at dala dala ang order ni lucas na parang kabayo o kalabaw na dahil sa mga gulay na nakahain sa harapan niya.
"Wala na po kaming panis at bulok na gulay sir. Pasensya na po kayo" yumuko pa ang waiter kaya napatawa ako ng malakas pero agad akong napatigil nang mapansing nakatingin na pala sa akin ang lahat.
YOU ARE READING
Fuck This University
FantasyIsang sikat na university ang state college university dito sa camarines norte. Isang bagong tayong universidad na dinagsa ng napakaraming kabataang nais mag enroll. Pero? ano kayang kahihinatnan ng mga batang mageenroll sa universidad na ito?. "Lea...