Chapter 14

1 0 0
                                    

Chapter 14

Louie

"Tubig ka muna" habol habol ko parin ang hininga ko dahil sa sobrang kaba.

I thought mamamatay na ako!

"Ano bang problema mo!" hindi patanong pero pabulyaw ang pakikipag usap ko sa kanya.

"Gusto ko lang i-make sure na safe ka kaya, dito ka muna matulog sa dorm ko, i already locked the door, don't try to escape because you can't" iniabot niya sa akin ang baso na may lamang tubig at mabilis ko itong ininom.

"Baliw kaba? pwede mo naman ako kausapin hindi 'yung gagawin mo 'yung nakakatakot na way para makuha ako!" napahalakhak naman siya sa sigaw ko.

Tanginang lalaking 'to, parang may plano talagang masama sa akin eh!

"Nakita ko si Austin kagabi, parang problemado 'yung mukha niya. May kinalaman kaba rito?" napaubo naman ako sa sinabi niya kaya nabaling sa akin ang atensyon niya.

"Baliw kaba? May atraso sa amin 'yun tapos malulungkot? Papatayin ko talaga 'yun kapag nakita ko" napalunok naman siya sa narinig.

"Papatayin mo?" paguulit na tanong niya.

"Oo!" mahinang sigaw ko.

"You're not scared? What if ikaw ang mapahamak diyan sa pinaplano mo? What if ikaw 'yung mamatay?" nag aalala ang boses na nanggagaling sa kanyang salita.

"Wala ka ng pake doon. Kung mamamatay man ako at least ligtas ang mga kaibigan ko" seryoso parin ang mukha niya.

"Are you sure?" tanong niya ulit pero tumango nalang ako at inubos ang natitirang tubig sa baso ko.

Bakit, anong ineexpect niya sa kakayahan ko? Kaya kong ipaglaban ang mga kaibigan ko kahit buhay ko pa ang kapalit.

"System, make another bed in that corner" tinuro niya ang bakanteng space na nasa katabi ng kama niya at doon ay lumitaw ang isang kama na nandoon na lahat. Well, hindi narin naman ako nagtaka dahil kahit doon sa dorm ko ay ginagawa ko ito kapag gusto kong humiga sa anumang corner ng dorm ko.

Malaki ang dorm ng lahat dito. Sobrang laki as in, makakapagawa ka na nga ng pool dito eh kung gugustuhin mo.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at humiga nalang sa kama na gawa ng system. Malambot na unan, Malaking kama, at malambot na higaan. Malamig rin ang dorm niya dahil sa aircon kaya naman mabilis akong nakatulog.

Wala naman akong pake kung anong sasabihin niya dahil natulog ako agad. Siya rin naman may kasalanan dahil kinuha niya ako basta basta. Plus, pareho kaming lalaki kaya ano namang mangyayari sa amin?

Mabilis kong minulat ang mata ko nang marinig ang ingay mula sa labas.

"Natan and Mary you're safe now" inunat ko ang dalawang kamay ko.

"Goodluck to all, 2hrs remaining.. if your group ay hindi naging even number. Pasensyahan tayo, lahat kayo mamamatay" hindi ko nalang pinansin ang sabi ni bruha at mabilis na lumabas sa dorm.

Hindi ko narin nakita si boy mask dahil alam kong sila ang kumbaga master dito kaya alam kong busy siya at may mga aasikasuhin pa sila kaya naman hindi ko nalang inalintana na wala siya sa dorm niya.

Actually, hindi rin ko alam kung bakit nawala 'yung galit ko sa kanya kahit alam kong papatayin niya na talaga ako noong gabing nakita ako ni Kaye.

"Joela!" kumatok ako sa dorm ni Joela at mabilis niya naman itong binuksan. Nasa likod niya narin si Lucas na pawis na pawis.

Hala?

Tumingin ako sa kanilang dalawa, palit palitang tingin sa mata nila at halata sa kanila ang labis na kaba kaya napatawa nalang ako.

"Let's go, kay Kaye. Pagtulungan natin 'yang Austin na 'yan" umuna na sa paglalakad si Joela.

"Anong nangyari?" hindi makasagot si Lucas sa tanong ko.

"Kayo ha" grabe ang ngiti sa labi ko pero alam kong hindi comportable si Lucas sa pang aasar ko kaya mabilis ko itong itinigil.

Pagkarating namin sa dorm ni Kaye ay tahimik dito. Kumatok kami pero walang bumukas kaya pinasok namin ito agad.

Laking gulat ko naman ng makitang wala na ang gamit ni Kaye sa dorm at ang natitira nalang dito ay ang camera.

Sa bawat hakbang na nagagawa ko ay sumisikip ang dibdib ko. Parang bang may kung anong masakit na hindi ko kinakaya sa loob ng dorm na 'to.

"What the hell? Kaye? Where are you? Let's go!" kahit alam kong maging si Joela ay nagtataka pinapalakas nito ang loob niya.

Hinanap ko sa buong paligid ng dorm si Kaye pero wala akong nakita kahit na anino niya.

"Baka nasa labas lang si Kaye, Louie?Tell me diba nasa labas lang siya?" napapikit nalang ako ng mapansing lumuluha na si Joela.

Hindi ko rin alam pero parang ambigat. Hindi kami sure na patay na si Kaye pero bakit ganito ang nararamdaman namin? Masakit, Mabigat at hindi maipaliwanag na pakiramdam.

"Hey, Come on" dali dali akong tumakbo papunta kay Lucas pero si Joela ay nanatiling nasa kinatatayuan niya.

Nakita ko si Kaye na nagfifilm ng isang record sa camera niya, hindi ito simpleng camera dahil para rin itong cellphone.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko pero nanatili akong mahinahon. Baka nagpaalam lang siya na mauuna na hanapin si Austin? sana ganoon nga. Sana ganoon lang.

"Hi?" unang boses palang sa record ni kaye ay bumulagta na sa sahig si Joela at kasabay nito ang paghagulhol niya.

"Maybe, mapapanood niyo itong video na 'to. Joela, Louie at Lucas, maraming mga pangyayari na naging masaya ako kasama kayo. Maraming mga nakakatawa, nakakalungkot na memories na hindi mawawala sa isipan ko kasama kayo. Sorry, hindi ko natupad ang pinangako ko sa inyo na kakayanin ko pero ipinapangako kong babantayan ko kayo. Huwag kayong magalit sa sarili niyo or kay Austin dahil ginawa ko ito. Desisyon ko 'to at dito ako sasaya. I love you all, Please Stay alive. Manatili kayong buhay para matupad niyo pa ang pangarap natin sa isa't isa. Maaaring maling lugar ang naging dahilan para magkakilala kilala tayo pero hindi ako nagsisisi na napunta ako sa lugar na 'to para makilala kayo. Please don't forget me." mas lalong lumakas ang hagulhol ni Joela at hindi na napigilan ng sarili kong lumuha ng makita ang luha sa mata ni kaye sa record at kasabay rin ng pagpikit niya ang katapusan ng recorder niya.

Nanatiling tahimik ang paligid at hagulhol lang ang tanging maririnig mo. Walang boses at imikan, tanging malakas na iyak lang ang nagpapaingay sa paligid.

She's kind. Please forgive me kung hindi ko masusunod ang sinabi mong 'wag magalit kay Austin dahil papatayin ko siya ngayon na ngayon talaga!

Mabilis akong tumayo at hindi lungkot kundi galit ang namamahagi sa buong katawan ko.

Nang malapit na ako sa pinto ay naramdaman ko ang pagkapit na Lucas sa damit ko na naging dahilan para matigil ako sa paglalakad.

"Please, if papatayin mo si Austin ngayon edi hindi na tayo magiging even number. Paano tayong makakasurvive na tatlo kung papatayin mo siya? Narinig mo naman sa sinabi ni Kaye na kailangan nating mabuhay para sa kanya! Kailangan nating mabuhay para manatili tayong buo! Please Louie makinig ka naman!" nanghihina ako sa bawat boses na lumalabas sa bibig ni Lucas.

Para bang espadang tumutusok sa puso ko sa bawat salitang binibitawan niya.

Masakit, Mabigat at hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Napabulagta nalang ako sa sahig ng hindi ko na talaga nakaya ang nararamdaman ko. Hindi ako prepare sa umagang 'to!

"Please, Namatay na si Kaye! Ayoko nang may mamatay pa sa inyong dalawa!" patuloy parin na dumadaloy sa mukha ko ang luha na bumubuhos.

"Louie, Joela, Lucas and Austin you're safe now"

"Potanginamong bruha ka! Magbabayad sa ka gagahang ginagawa mong 'to sa aming lahat!" niyakap ko nalang si Joela at nakiyakap rin si Lucas sa amin.

Safe nga kami pero hindi safe ang puso namin sa mabigat na nararamdaman naming ito.





______________. End of this chapter



Fuck This University Where stories live. Discover now