Reminder/:/Guys stop na kaka comment ng continue sa kissing scene hahaha baka hindi tayo matapos dyan haha alam nyo naman ako sumusunod sa gusto nyo😭
•••
JANE POV:
Its been a a week simula ng makabalik kami sa manila galing palawan. Sa mga araw na lumipas gulong gulo na ako sa sarili ko, feeling ko nahuhulog na ako kay maam jea
Siguro dahil narin sa bisexual ako kaya mabilis nya lang nakuha ang loob ko.
Nag simula lang yun sa pang hahalik nya saakin without my consent. Mabilis nya nalang nagagawa ang gusto nya dahil sakanya na ako nag tatrabaho. Naiinis ako sa sarili ko dahil feeling ko habang mas tumatagal mas lumalalim ang nararamdaman ko para sakanya. Na hindi naman dapat pwede since alam ko na may boyfriend na sya, umiiwas naman ako sobra sobra ang pag iwas na ginawa ko makalayo lang sakanya
Pero palagi syang nakakakuha ng way para e corner ako
Natigil ako sa pag iisip at nilipat ang paningin ko sa cellphone ko na nag riring its maam jea number
Napapikit muna ako bago ko dinampot ang cellphone ko para sagutin ito.
"Maam. jea" mahina ang tinig na bungad ko sakanya
"Prepared yourself dadaan kita para sa pag sundo kay dylan"
Yung boyfriend nya? Bakit kasama ako? Para saan?
"Pero maam. Marami pa po akong traba-"
"De leon i need you to come with me. You see wala akong kasamang body guard walang mag dadala ng bagahe nya." Tangina naman. Ano ako tagabitbit gamit ng boyfriend nya? Chapiron ganon?
Gusto ko mang mag reklamo wala akong magagawa dahil utusan nya lang naman ako
"Okey po"
"Okey good"
After nya yung sabihin pinatay nya na ang phone, inis na tinignan ko ang screen nang phone ko at pagkatapos pabalang itong pinatong sa table napasabunot ako sa sobrang frustration
Tumayo na ako at kinuha ang cellphone at bag ko para bumaba na ng building, doon ko nalang sya hihintayin dahil baka mapagalitan nya pa ako pag pinag hintay ko sya.
Umupo ako sa isang tabi at hindi ko nanaman maiwasan mag isip ng kung ano ano hanggang sa napapatulala na lang ako ng hindi ko namamalayan
Tumingin ako sa sasakyan na kakaparada palang sa harapan ng building at sa kulay palang kilalang kilala ko na kung kanino ito kaya tumayo na ako para sumakay.
"Good afternoon maam" bati ko sakanya pero hindi nya ako pinansin dahil busy ito mag pipindot sa phone nya
Ang seryoso nito
"Yeah babe, papunta na ako"
Napabusangot ako sa sinabi nito sa linya. Kakainis kasalanan nya to e. Kung hindi nya ako nilandi nang nilandi hindi ko ito mararamdaman
"Okey, bye i love you"
Napa 'tsk' ako sa huling binanggit nya bago nya ibaba ang cellphone
Buong byahe tahimik lang ako habang nakikinig sa kanta na nag p-play sa monitor nang sasakyan nya na sinasabayan nya
Tignan mo nga naman ang ganda pala ng boses nya. Nasa kanya na lahat. Maganda, mayaman, matalino, matalino sa pambobola , abogado
"Ang tahimik mo ata?"
"Wala kang pakealam" seryosong sagot ko dito, mas napabusangot ako dahil sa pag tawa nya
"Ang arte arte mo, ako kaya ang boss mo why you acting like that in front of me?"
"Nasa gilid nyo po ako wala ako sa harap nyo, dapat in side of me" malakas itong natawa sa joke ko kaya hindi ko narin maiwasang mapangiti, sabihin nyo nga sakin kung bakit hindi ako mahuhulog sa mga patibong ng babaeng ito?
Ang lakas nya mag salita, to the point na kahit walang sense mapapaniwala ka.
"Nice joke"
Hindi ko na ito pinansin at tumingin tingin nalang sa nag tataasang mga building , makalipas ang halos kalahating oras sa wakas nakarating narin kami sa airport
"Bat ayaw matanggal ng seatbelt?" Reklamo ko dahil kahit anong pindot ko sa unlock ayaw talagang matanggal
"What?- wait ako na sandali"
Bumaba na ito at umikot sa side ko binuksan nya ang pinto at sumilip sa seatbelt ko, Binaling ko and paningin ko sa gilid dahil sobrang dikit nya na saakin
"Ano ba, umusog ka nga" reklamo ko dito narinig ko ang mahinang tawa nito
"Shut up ikaw na nga itong tinutulungan e" natatawa na sabi nito
Akala ko pa naman nandito sa kabilang side ko ang problema dahil umikot pa sya pero sa gitna lang naman pala, bakit pa sya umikot?
Bukod sa pinapahirapan nya ang sarili nya ay pinapahirapan nya rin ako sa posisyon naming dalawa
Bigla nyang pinindot ang recliner handle sa gilid ko dahilan ng pag lapit ko ng husto sakanya at huli na ng marealised ko na mag kadikit nanaman ang mga labi naming dalawa
Naramdaman ko ang pag ngiti nya sa gitna ng mag kadikit naming labi
And the realization hits me
Plinano nya nanaman to para maka score
(If hindi nyo alam Search nyo nalang kung ano yung recliner handle para magets nyo yung scene. thanks)
Hindi ko talaga kinakaya ang utak ng babaeng to, i cant be with this girl anymore.
Andami nyang alam promise.
Hinawakan ko ito sa balikat para ilayo saakin at ngiting ngiti pa ito
Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa nyang pang hahalik saakin.
Hindi ko na ito inimik at ako na ang nag tanggal ng seatbelt pero ayaw parin matanggal
Narinig ko nalang ang pag sara ng pinto sa side ko at walang pang isang minuto muli nyang binuksan ang driver seat at may pinindot doon at doon kusang natanggal ang pag kakalock ng seatbelt
I was too stuned to speak.
Ohmygod.. lord give me more patience please i beg....
After ko matanggal ang seatbelt sa katawan ko napapikit at napahinga ako ng malalim. Hindi ko na ito tinignan pa at bumaba nalang.
Nakakainis ganon ganon nalang nya kung pag laruan ang damdamin ko Hindi na sya nakakatuwa.
Napapansin ko ang pag tingin tingin nito sa sakin habang nag lalakad kami papuntang waiting area pero hindi ko ito tinitignan pabalik
"Are you mad at me?"
Tanong nya pero hindi ko parin ito pinapansin. Bahala sya dyan.
Nakakainis sya
"Im sorry"
Hindi ko parin ito pinapansin
Sa mga ginagawa nya mas lalo nya lang akong binibigyan ng mix signal
Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para sakanya dahil alam kong sa huli talo parin ako,
Masyado syang mataas para saakin. Ayaw ko namang maliitin ang sarili ko pero hindi ko maiwasan hindi talaga kami pwede sa isat isa
Sobrang layo nya kumpara saakin.
Kahit anong gawin ko hindi ko sya maaabot. Kaya dapat hanggat maaga pa pigilan ko na itong nararamdaman ko para hindi na ito lumalim pa
"MOMMY........"
•••
