kabanata-9

6.6K 312 134
                                    


JANE POV:

"MOMMY........"

napatingin ako sa taong sumigaw at nakita ko ito na tumatakbo palapit saamin ni maam jea
Takang taka na tinignan ko si maam jea nang lumuhod ito at binuka ang mga braso nya para yakapin ang tumatakbong bata

"I miss you babe"
Sabi ni maam jea sa bata. So anak nya pala yung kausap nya sa eroplano before?

"I miss you too mommy babe"
Ang cute naman ng tawagan nilang dalawa maya maya kumalas na si maam jea at hinalikan ito sa noo.

Sana all.

Tumayo na si maam jea hinawakan nya ang bata sa kamay

"Wheres your luggage babe?" Tanong dito ni maam jea habang tumitingin tingin sa paligid

"Mommy babe, i have something to tell you, I'm sorry if I didn't tell you this early, I was afraid that you might get upset with me."
Tinignan ko si maam jea na may pag tataka sa mukha na binalik ang tingin sa anak nya
Muli itong lumuhod at inayos ang buhok ng anak nya

"What is it?"
Nakangiting tanong nya sa anak nya,

"D-daddy is here with me po mommy"
Napansin ko ang pag iba ng aura nang mukha ni maam jea dahil sa binanggit ng anak nya.
Tumingin ito sa likod ng anak nya at wala rin akong nagawa kundi sundan kung saan nakadako ang tingin nito. May nakatayo doon na isang matipunong lalake na halos ka edaran rin namin, may hawak itong cart
Kung saan nakalagay ang mga gamit nila

Tumayo si maam jea, napansin ko ang pag iba ng mood nito kumpara kanina , wala ito sa mood at halatang ayaw nya ang lalake na medyo nasa kalayuan, napansin ko ang pag buntong hininga nito bago ito tumingin saakin at inabot sakin ang anak nya

"Lumayo muna kayo please"

Pakiusap nito lumapit ito sakin at hinawakan ako sa kamay, napatingin ako sa kamay naming mag kahawak bago nya ito binitawan. Nginitian nya ako bago ito tumalikod at nag lakad palapit sa lalake

Ako naman hinila ko na ang bata palayo sa hindi maririnig ang usapan nilang dalawa umupo kami sa bleacher sa hindi kalayuan

Habang nakaupo hindi ko maiwasang tumingin tingin sa dalawa na nag uusap. Para na silang nag aaway base sa expression ng mukha ni maam jea habang ang lalake nanatiling kalmado lang. Tinignan ko ang bata at imbis na mag isip ako ng kung ano ano kinausap ko nalang ito

"Anong pangalan mo?"
Tanong ko sakanya, Tumingin ito saakin

"Dylan po" ay oo nga pala tanga ko talaga, napakamot ako sa batok ko

"Ilang taon ka na?"
Tanong ko ulit sakanya, nagulat ako ng hawakan ako nito sa mukha at hinaplos haplos ako, napapikit ako

"Turning 3 years old next week, anyway your so beautiful po"

Napangiti ako sa sinabi nito, ang cute cute ng bata na to mana sa magandang mommy nya.

"How old are you ate?" Tanong nya pabalik

"23 years of age "
Nakangiting sagot ko sakanya

"My mom is 1 year older "

Nagulat ako ng iangat nya ang kamay nya na parang gustong mag pakarga saakin, natatawang binaba ko ang bag ko sa kabilang bleacer bago ko sya kinarga

Ang cute cute at ang chubby nya kaya ang sarap nyang yakapin

"Your so beautiful pala in person"

Pala? Kilala nya ba ako? Hindi pa naman kami nagkakausap even phone call,

Natawa ako ng halikan ako nito sa pisngi, ang sweet sweet nya

"Kiss me here" tinuro nito ang noo nya nakangiting hinalikan ko ito sa noo
"do you think they are fighting?" Medyo malungkot na tanong nito habang nakatingin sa mommy at daddy nya, tumingin ako kay maam jea at kasabay nun ang pag lakad na rin nya papunta saamin bakas na bakas ang inis sa mukha nya pero kalaunan ngumiti ito na halatang pilit naman, siguro ayaw nya lang makita sya ng anak nya ng ganon

Bumaba na si dylan sa pag kakandong saakin at sinalubong ang mommy nya

"Lets go"

yun lang ang sinabi nya bago nya ako nilampasan, tumingin ako sa lalake na nakasunod narin saamin, gusto ko pa sana ito tulungan pero tinawag na ako ni maam jea na lumapit sakanila kaya nag madali ako sa pag takbo para makasabay sakanila ng anak nya

"Okey lang po kayo?" Mahinang bulong ko sakanya pag karating namin sa sasakyan at maisakay nya ang anak nya sa backseat. Bumuntong hininga ito bago tumingin sakin

"Yeah, im okey" binuksan nya ang passenger seat
"Sakay ka na" tumingin ako sa nakabukas na pinto bago tumingin sakanya

Ha? Pano yung tatay ng anak nya?

"Sa likod nalang po ako maam, para dito nalang po sasakay si sir-"

"No, hop in jane i want you here besides me"

wala na akong nagawa kundi sumakay, first time nyang banggitin ang pangalan ko palagi kasing de leon ang tawag nya saakin except ngayon
Wala sa sariling napangiti ako
Nakita kong pumunta na ito sa likod para buksan ang trunk ng car nya at para masakay narin nung lalake ang mga maleta. hindi ko alam alam kung ano ang itatawag ko sakanya

After ilang minuto bumukas na ang dalawang pinto at sabay na silang pumasok sa sasakyan

"Gusto mo ako na mag drive?" Tanong sakanya nung lalake

"No thanks," plain na sagot nya pabalik bago inayos ang seatbelt nya
At nag simula ng mag maneho

••

dumeretso kami sa bahay nila pag dating namin agad kaming sinalubong ng mommy, daddy nya at mga kapatid nito

Natigil pa sila ng konte pag kakita doon sa lalake na kasama namin
Tinignan ng mga ito nang makahulugan si maam jea bago kami nag lakad papasok
Hindi na sana ako sasama dahil nakakahiya family bonding nila ito pero hinila ako ni maam jea papasok
At talagang pinag hila pa ako ng upuan

Napatingin pa ako sa paligid dahil baka may nakakita, buti nalang at busy silang lahat kausapin ang dalawang bagong dating galing ibang bansa

Muli kong nilingon si maam jea pero nag iwas na agad ito ng tingin at umupo na sa tabi ko

"Akala ko hindi ka sasama axel?" Tanong ni sir frank sa ama ng bata
"maxine didn't tell us about this"

"Actually tito hindi nya din po alam na sasama ako sa bata"
Magalang na sagot nito
Nakikinig lang ako sa usapan nila habang tahimik na kumakain

"Anong reason bakit ka umuwi bro?"
Rinig kong tanong ni sir luke
Kay sir axel lahat kami napatingin dito

Tumigil si sir axel sa pagkain at binitawan ang kubyertos nya saka hinarap ang mga magulang at kapatid ni maam jea

"I'm going to be honest with you, time has been wasted for a long time. I gave the time that your daughter asked me para maabot nya ang pangarap na gusto nya, I know that you know that I am very serious about your daughter and I just want to take her back, i want to win her back" seryosong sagot nito bago ngumiti
"gusto ko pong tuparin yung pangako ko sakanya dati na once na naabot nya na ang gusto nya babalikan ko sya at nangako rin sya sakin she give me an assurance na magiging kami parin kapag dumating ang araw na to" nakangiting sabi nito
"And i think this is the right time"

•••

"SHE'S TOO FAR AWAY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon