kabanata-24

6.4K 313 96
                                        


JEA POV:

Inuntog ko ang ulo ko sa dingding sa sobrang inis ko sa sarili ko

"Ano nanaman ngayon jea? Anong gagawin natin?" Mahinang tanong ko sa sarili ko

Mabilis akong tumayo sa upuan after kong makuha lahat ng gamit ko nilock ko na ang pinto saka lumabas ng office

6:04 na ng gabi at marami paring tao sa office. kinuha ko ang phone ko sa bag at sinubukang tawagan si jane pero hindi nya ito sinasagot hanggang sa nakatatlo na ako pero hindi parin sya sumasagot at sa pang apat na try hindi ko na sya ma-contact mukhang pinatayan ako ng telepono

Padabog kong binalik ito sa bag ko pupuntahan ko nalang sya gusto kong maayos namin ang gusot na to ngayong araw din ayaw kong patagalin pa to.

Agad kong pinaandar ang sasakyan ko papunta sa apartment nya for sure na nandun yun ngayon hindi naman sya umaalis ng apartment except sa work time nya

Habang nasa stop light narinig kong tumunog ang phone ko sa dashboard nakakunot noong kinuha ko yun at sinagot

"What is it?" Agad na bungad ko pag kasagot ko ng tawag ni mom
Napahinga ako ng malalim

"Where are you? I told you to comehome jea" tanong ni mom
Napa hinga ako ng maluwag

"Male-late ako bukas nalang po tayo mag usap " walang ganang sagot ko sakanila

"Jea 8pm sharp kailangan nandito ka na " tumingin ako sa orasan ko 6:30 na. Ano ba tong mga to sumabay pa talaga pinatay ko na ang tawag at mas binilisan ang pag papatakbo papuntang apartment ni jane

Pag dating ko dun napansin ko na madilim ang buong apartment nya
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ito pero hindi ko parin sya ma-contact
Bumaba ako ng sasakyan saka nag umpisang mag lakad papuntang pinto ng apartment nya. Sumilip silip muna ako sa loob bago kumatok pero wala man lang ako marinig na kahit anong ingay mula sa loob.
Mukhang wala nga talaga sya

"Jane im really sorry please talk to me please i love you love" naiiyak na bulong ko sumandal ako sa pintuan ng apartment at pumikit pero agad rin akong napamulat at napatakip ng mata dahil sa nakakasilaw na paparating na sasakyan
"Fvckshet" ulas ko akala ko lalagpas ito pero tumigil sya sa harapan ko
Agad na nakaagaw ng pansin ko ang kulay at style nang sasakyan
Isang tao lang ang kilala kong may ganitong sasakyan.

Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito ?

Nakaramdam ako ng galet nang lumabas doon si jane kasunod ni david na kakababa lang din sa driver seat

Kaya pala hindi nya sinasagot ang mga tawag ko dahil kasama nya ang boss nya. Pero mas nakadagdag ng inis ko ang hindi nito pag pansin sakin

"maxine? Why are you here?" Nag tatakang tanong ni david saakin imbis na sagutin ko ito sinamaan ko sya ng tingin, tumingin sya kay jane na may pag tatanong sa mga mata

"Sige na david maraming salamat sa pag hatid" nakangiting pasasalamat nya dito. Really? Infront of me? Buti pa sya nginitian nya samantalang ako ni sulyapan hindi nya magawa.

"Your welcome jane. Yung usapan natin next week sunduin nalang kita "
Anong usapan?
Para na akong mababaliw kakaisip sa pinag uusapan nila
"Maxine? Hinahanap ka sakin ni tita tinanong nila ako kung nakita kita nag request pa sila na puntahan ka sa opisina para sabihan ka na umuwi. Nandito ka lang pala? At teka nga anong ginagawa mo dito?" Nag tatakang tanong niya sakin
Sinamaan ko ito ng tingin hanggang sa hindi na ako nakapigil lumapit ako dito at malakas syang sinampal
"Anong problema mo?" gulat na Tanong nya lumapit ulit ako dito at akma syang sasampalin ulit pero naunahan na ako ni jane mabilis nya akong inawat

"JEA TAMA NA, ANO BA?" sigaw niya saakin hindi ko na napigilan ang sarili kong wag maiyak. Agad na nag unahan ang luha ko sa pag landas
"Jea anong nangyayari sayo?" Mahinang tanong nito sakin habang inaayos ang buhok na nakaharang sa mukha ko. Tinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at nag tuloy sa pag iyak

Pagod na pagod na ako...

"Dave sige na pwede ka na umalis ako ng bahala kay jea" rinig kong sabi niya

"Sure ka?"

"Oo wag mo nalang ipag sabi na nandito sya. Lalo na kay maam xandra"

"Sure jane makakaasa ka"

"Thank dave. Pasensya na sa sampal"

Hindi ko na ito narinig pang sumagot ang narinig ko nalang ang ugong ng sasakyan nya paalis

"Jea?" Hinawi nito ang buhok ko paangat para silipin ako
"May problema ka ba?" Mahinahong tanong nito sakin

"M-mahal. W-wag ka na magalet sakin p-please h-hirap na h-hirap na ako, P-pagod na p-pagod na ako. Kailan k-kita jane " muli akong napahagulhol ng iyak. Niyakap nya ako naririnig ko narin ang mahihina nyang pag hikbi
Feeling ko bibigay na ang katawan ko sa sobrang dami kong iniisip at pinoproblema.

"Oo na, tumahan ka na" kumalas ito sakin at pinunasan ang luha ko
"Jea makinig ka sakin. Nandito lang lang ako para sayo, okey? Hindi kita iiwan"
Tumingin ako dito hinawakan ko sya sa mukha

"I-ilalaban kita jane, i-i p-promise you." Ngumiti ito saakin bago ulit ako niyakap ng mahigpit

"Pang hahawakan ko yan jea"

"You don't need to be insecure to Axel Jane because no matter what happens, hindi ka nya kayang pantayan. I love you"

"Thank you jea i love you" niyakap ko ito ng mahigpit "tahan na"
Napangiti ako sa sinabi nya pinunas ko na ang sarili kong luha
"Dito ka ba matutulog?" Tanong nya pag kakalas nya ng yakap saakin

Pinunas ko muna ang luha ko bago ako malungkot na tumingin sakanya

"As much i want to but i cant jane. Gusto akong makausap ni mom and dad maybe its about us "

"Gusto mo samahan kita?" Tanong nya na ikinangiti ko

"Maybe next time pero for now ako na muna ang kakausap sakanila"
Hinawakan ko ito sa pisngi para haplosin tinignan ko sya ng may buong pag mamahal sa mga tingin
"I love you" malambing kong sabi sakanya ngumiti ito

"I love you too jea"
Pinatakan ko ito ng isang halik sa labi bago ako nag lakad papuntang sasakyan ko.

Kumaway ako sakanya bago ko sinimulang paandarin paalis ang sasakyan ko

Ang saya saya ko na okey na kami. I promise na mag iingat na ako sa mga sasabihin ko.

Nakangiting nag drive ako pauwi ng bahay pag dating ko sa bahay tenext ko sya na nakauwi na ako agad naman syang nag reply
Na okey with i love you sa huli

••

"SHE'S TOO FAR AWAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon