kabanata-18

7.3K 375 226
                                        


JANE POV:

Inaantok na lumabas ako ng building, inaantok ako ngayon andami kong ginawa kagabe tatlong oras lang ang tulog ko tapos pag hapon trabaho ngayong araw

"JANE....." Napatingin ako sa dalawang taong sumigaw ng pangalan ko at halos manlaki ang mata ko ng makita ko si sir dave and jea na na parehas nakasandal sa mga sasakyan nila na nakaparada at sobrang talim pa ng mga tinginan nila sa isat-isa

"Ako ang nauna" madiin na bigkas ni jea bago nag lakad palapit saakin

"Ako ang boss kaya may karapatan akong ihatid sya" sabat naman ng isa
Andito nanaman po sila pangalawang beses na nangyari to

"Boss ka lang.."

"Ikaw ano ka ba nya? Common jea ex boss ka na nya. Ano bang meron sayo at ang init ng ulo mo sa tuwing magkasama kaming dalawa? Alam mo kung hindi lang kita kilala iisipin ko na may gusto ka sakanya dahil sa inaakto mo." mahabang sabi dito ni dave, napakamot ako sa ulo dahil dito pa talaga sila mag sasagutan sa harapan ko
"Hayaan mo na kami jea, im courting her at siguro naman may karapatan akong ihatid sundo sya right?"

Napakagat labi ako ng samaan ako ni jea ng tingin nag iba rin ang expression ng mukha nito

"Y-you what?" Mahinang tanong nito

"Nililigawan ko sya."

"Did she say yes?" Tanong nito

"Yeah"

Napansin ko ang dumaloy na sakit sa mga mata nito pero kalaunan ngumiti rin ito

"Okey, enjoy"

Mabilis itong tumalikod at padabog na sumakay sa sasakyan nya

"Ano bang problema nya? Palagi nalang syang ganyan." Naiinis na bulong ni dave sinundan ko ng tingin ang sasakyan ni jea na ang bilis ng takbo paalis
Napahinga ako ng maluwag

"Lets go" hinawakan ako ni dave sa braso at inalalayan papasok ng sasakyan nya.

habang nasa byahe hindi ko maiwasang mapaisip. For sure na galet na galet yun ngayon. Napilitan lang naman ako umoo kay dave dahil napepressure ako lalo nat boss ko sya
Hindi ko naman ginusto ito. Wala akong kahit konteng nararamdaman para sakanya.
And i still love jea sya lang ang nag iisang nag mamay-ari ng puso ko at gustong gusto ko yung effort na binibigay nya saakin simula nung natulog sila ni dylan sa bahay. that was 3 weeks ago at 2 weeks ago lang nag simulang manligaw si dave saakin

Napahilot ako sa noo ko.

Dinala ako ni dave sa mamahaling restaurant para mag dinner bago nya ako hinatid sa bahay

"Salamat dave"

"Your welcome jane"
Ngumiti ako dito pag kababa ko sinara nya na ang pinto nag lakad ako ng dalawang hakbang bago ko sya ulit hinarap nakangiti ito saakin habang nakatayo medyo malapit saakin

Gusto ko sanang sabihin na binabawi ko na yung pag payag kong mag paligaw pero nahihiya akong sabihin yun.

"Sige jane, sa susunod ulit and yung lakad natin next next week wag mong kakalimutan" tumango ako dito at ngumiti sinundan ko lang sya papasok kumaway pa ito saakin bago nag simulang mag maneho

Bago ako pumasok muli akong napabuntong hininga kinuha ko ang phone ko para tignan kung may text sya pero wala akong nakita.
Usually kasi sa mga ganitong oras may text sya lalo na ng mga cheezy words nya kaya nakakapanibago ngayon na wala man lang syang paramdam. Mukhang galet nga talaga sya

Pabagsak akong humiga sa kama at tumingin sa kesame patingin tingin pa ako sa phone ko hinihintay na mag pop up ang name nya pero wala talaga hanggang sa nakatulugan ko nalang ito

•••

Ring.....Ring.....

Nagising ako dahil sa sobrang lakas ng tunog ng phone ko mabilis akong bumangon at tinignan ang caller

Mabilis ko yung sinagot ng makita kong si jea ang tumatawag

"Hello" tawag ko sa kabilang linya

"Hello maam? Si miss jane po ba ito?" Napakunot ang noo ko dahil sa boses lalake na sumagot sa kabilang linya. Muli kong tinignan ang number at si jea nga ito sobrang ingay din sa background

"Hello, yes ako po si jane. Bakit po nasayo ang cellphone ng may ari?" Tanong ko

"Lasing na lasing po kasi sya maam and pangalan nyo po ang paulit ulit nyang binabanggit kaya kayo po ang tinawagan namin" agad akong napatayo at mabilis na dinampot ang bag ko saka ako tumakbo palabas ng apartment

"Asan po sya?"

"Nasa addison bar po sya maam, pakipuntahan nalang po"

"Mabilis ko ng pinatay ang tawag at agad na ang abang ng taxi
Hay naku jea....

Pag dating ko sa bar agad na akong nag abot ng bayad at bumaba, pumasok ako sa bar .

Puro usok, mabahong amoy at magulong ilaw ang sumalubong saakin pag pasok ko palang. Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar kaya feeling ko mahihilo ako dumagdag pa ang dancing light na nakakapag paikot ng paningin ko
Tinakpan ko lang ang ilong ko gamit panyo saka ako nag tuloy sa counter
Agad kong nakita si jea na nasa counter at halatang may tama na may kausap itong lalake na sobra kung makadikit sakanya

Agad na uminit ang ulo ko ng hapitin ito ni jea sa necktie at hinalikan sa labi pinulupot pa nya ang mga braso nya sa batok ng lalake

Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa nakikita ko mas binilisan ko ang lakad ko pero may isang grupo naman ng babae na humarang sa daanan ko at nag sasayaw.

" excuse me" tinabig ko ang isa na nakaharang saakin kaya napaupo ito sa sahig hindi ko na ito pinansin bagkos tumuloy lang ako sa pwesto ng dalawang sobra sobra kung mag halikan

Hindi ko na maipaliwanag ang galet na nararamdaman ko sa mga oras na to pag karating ko sa harapan nila marahas kong hinablot si jea at tinignan nang nakakamatay na tingin ang lalake

"Hey miss. Hindi mo ba nakikita nag eenjoy pa kaming dalawa?" Sabat ng lalake hinawakan nito si jea sa kamay at muling hinila palapit sakanya at muli itong hinalikan, agad namang tumugon si jea kaya hindi ko maiwasang masaktan sa nakikita ko

Galet na hinila ko si jea at pinaharap ito saakin

"Hey miss, ano bang-"

"Tumahimik ka-" galet na duro ko doon sa lalake na may balak nanaman sanang sumabat. Umiling lang ito bago umalis
Nang gigigil na sinundan ko ito ng tingin at ng mawala ito sa paningin ko muli kong hinarap si jea na nakasubsob na sa counter

"Ikaw po ba si miss jane maam" tawag sakin ni kuya sa counter tumango ako dito

"B-bayad na ba sya kuya?" Nanginginig ang boses na tanong ko sakanya

"Hindi pa po maam"
Kinuha ko ang wallet ko sa bag para kumuha ng pera at binigay kay kuya ang card ko
"Thanks maam" sabi nya pagka balik nya sa card ko, after ko yung ilagay sa bag ko pinaharap ko na sakin si jea nakamulat ang mata nito agad kong pinunasan ang luha na lumandas sa pisngi nya

"Jea lets go home"
Sinampa ko ang isang kamay nito sa balikat ko at inalalayan syang makatayo saka kami nag lakad palabas ng bar. Nag para ako ng taxi
"Kaya ko na kuya" saway ko kay kuyang driver ng mag tangka itong hawakan si jea

"Pasensya na po maam" tumango lang ako dito bago ko pinasok si jea sa sasakyan
Sa apartment ko na ito dinala para malinisan ko sya.

•••

"SHE'S TOO FAR AWAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon