JANE POV:
"Ihahatid na kita"
Tumingin ako kay jea ng mag salita ito karga karga nya si dylan tulog na ito sa balikat nya, napagod sya kakalaro pati ako napagod at ang mommy nya dahil kung saan saan kami nito hinila.
Nag enjoy naman ako kasama sya, so no worries
Tumingin ako sa orasan ko its already 8pm
"Hindi na iuwi mo nalang ang anak mo, pagod na pagod na sya at para makapag pahinga na rin"
"Okey lang saakin tita jane, i sleep nalang po sa likod ng sasakyan, upo ka nalang po sa harapan katabi ni mommy para maka sleep po ako sa likod " inaantok na sabat ng bata
"Hindi na dylan uwi na kayo para makapag linis at pahinga ka na" ginulo ko ang buhok nito napansin ko ang pag guhit ng ngiti sa labi ni jea pero hindi ko na yun binigyan ng pansin
"No, its okey with me, tita please"
Pakiusap nito pilit itong nag mulat ng mata at tinignan ako
Walang nagawang napa tango nalang ako "yehey"
Pag dating namin sa sasakyan hiniga na ito ni jea sa likod at ako naman nilagay na ang mga pinamili nilang gamit sa trunk ng sasakyan
Sinara ko na ang pinto at nag lakad papuntang passenger seat nakita ko ito na binuksan ang pinto ng passenger
"Kaya ko naman, hindi mo naman kailangang gawin yan" seryosong sagot ko dito
"Bakit mo pa gagawin? Kung kaya ko naman gawin para sayo?" Sagot nito. Hindi ko ito pinansin at deretso nalang pumasok, bahala sya dyan
Nakarating kami sa bahay ng wala man lang nag sasalita, si dylan tulog na tulog kanina sa sasakyan pero ngayon naka upo na ito
"Mommy im so tired, can i sleep here tita jane?" Inaantok na tanong nito
Habang nakasandal sa pinto
Napakagat labi ako dahil kung papayag ako malamang sa malamang nandito rin ang mommy nya
Pero nakakaawa naman kung tatanggihan ko sya. Napahilot ako sa noo bago ko ito nilingon muli
Itong nanay hindi man lang suwayin ang anak nya sa gusto nito at talagang hinahayaan nya lang ang anak nya
"Baka hindi ka maging komportable dylan." Sabi ko sakanya
"Its okey tita jane " napahinga ako ng malalim. Ano ba itong pinasok ko? Dapat talaga nag commute nalang ako e. Wala sana akong iniisip ngayon
"Okey. Sure ka okey lang sayo ah? Wala akong aircon. Electric fan lang ang meron ako, baka mainitan ka"
"Mas gusto ko yun tita jane" hindi ba talaga sya tatanggi? Kung ano ano ng palusot ko para tumanggi sya
"May ipis sa kwarto k-"
"Umuwi nalang tayo dylan parang ayaw naman ng tita mo na nandito ka" punyeta at talagang sinakyan nya pa ang anak nya ah?
"Ganon ba mommy? Tita jane is bad,"
Napabusangot ako
"Hindi totoo yan. Gusto ko lang kasing maging komportable ka, ang gwapo gwapo mo pa naman" pambobola ko dito ngumiti naman ito
"Really? How about mommy? Is she beautiful?" Tinignan ko ng masama si jea dahil sa pag pigil nya ng ngiti
"Sakto lang" yun nalang ang nasabi ko saka bumaba dala ang mga gamit ko
Binuksan ko ang backseat para kunin si dylan saka namin iniwan ang mommy nya para makapag park narin sya
Pag pasok namin sa loob pinaupo ko si dylan sa sofa saka ako pumasok sa banyo para makapag linis na ng katawan pag labas ko napansin ko na nag tatawanan ang dalawa, agad din silang natigil ng mapansin nila ako
"Linisin mo na si dylan para makapag pahinga na sya" after ko yung sabihin pumasok na ako sa kwarto para mag ayos ng kama at mag labas ng mga unan para sa dalawa at tinapat ang dalawang fan sa side nila at side ko
Pinatuyo ko narin ang buhok ko pagkatapos at nahiga na sa gilid na side ng kama, malaki naman ang kama kasya kaming tatlo dito
After 30 minutes nagising ako dahil sa pag bukas ng pinto at pumasok ang mag ina parehas sila bagong ligo suot nila yung pinamili nilang damit kanina
"Higa ka na babe, mag tutuyo lang ng buhok si mommy "
"Okey mom" tumakbo na ng bata papunta sakin at agad na sumampa saakin "thank you tita jane" sabi nito at hinalikan ako sa pisngi , ngumiti ako dito at hinalikan sya pabalik sa noo
"Sleep ka na " tinapik ko ang tabi ko para mahiga na sya agad itong yumakap saakin pag kahiga nya
"Goodnight tita "
"Goodnight dylan"
Hindi ko maiwasang sulyapan si jea habang nag boblower ito agad akong nag iwas ng lumingon ito saakin
Pagkatapos ng ilang minuto naramdaman ko na lumundo ang kama
Bumitaw sakin si dylan at humarap sa mommy nya minulat ko ang mga mata ko para tignan sila dahil baka nasisikipan sila
Nagulat ako ng ipasok ni dylan ang kamay nya sa loob ng damit nang mommy nya mabilis akong tumalikod
Ng lumingon sakin si jea
"Mommy palit tayo pwesto- i cant breath mommy" inaantok na sabi ni dylan agad akong napabangon
"Sa labas nalang ako matutulog" paalam ko sakanila agad na bumangon si jea
"No its okey, ipapalit ko nalang ng pwesto si dylan mukhang hindi lang sya komportable sa gitna" sabi nito bago bumangon para ilipat si dylan sa gilid nilagyan nya ito ng harang sa gilid bago sya sumampa ulit sa kama
Humiga na ako, at sya naman gumapang papunta sa tabi ko
"Ay sorry, i slipped" sabi nito after nyang bumagsak sa ibabaw ko,
Pag ka bangon nya tumalikod ako sakanya dahil ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko
Tang*na...
Self kalma...
Naramdaman ko na humiga na ito sa tabi ko at kasunod nun ang pag yakap nya sakin kaya hindi ko maiwasang mapapitlag dahil sa kiliti na binibigay nito sa katawan ko
Tinapik ko ang kamay nya..
"Pwede ba jea tanggalin mo ang kamay mo? Baka makita ka ni dylan"
Sabi ko sakanya pero imbis na tanggalin mas lalo pa itong nag sumiksik saakin
"Kailan ka mag sisimulang mag trabaho kay david?" Tanong nito malapit sa may tenga ko kaya napausog ako
"Ano naman ngayon sayo?" Naramdaman ko na kinurot ako nito ng mahina "bukas" walang nagawa na sagot ko
"Comeback to me please." Bakas na bakas ko nanaman ang lungkot sa boses nya
"Matulog ka na jea pagod ka lang"
"No im not tired, hindi ako napapagod pag kasama kita jane" mahinang sabi nito
"Tumahimik ka nga baka marinig ka ng anak mo" suway ko dito. babaeng to hindi nag iingat, pano kung marinig sya ng anak nya?
Edi nalagot kami pareho.
"Pano kung bigyan na kita ng karapatan saakin?" Napaisip ako sa sinabi nito
"Anong karapatan ba ang pinag sasabi mo dyan? Matulog ka na antok lang yan"
"Lets make it real.. I want us to be real, jane" parang sirang plaka na nag ingay ang dibdib ko dahil sa narinig ko mula sa bibig nya... Totoo ba yun?
"Bakit? hindi na ako nanliligaw sayo jea. Matagal na."
"Hindi ba pwedeng gawing basehan ang nararamdaman natin sa isat isa?" mahinang sabi nito at mas lalong hinigpitan ang pag kakayakap saakin
"Bakit? I mean bakit ngayon pa jea?"
"I cant afford to lose you jane, please forgive me, mi amor."
Narinig ko ang mahihinang pag hikbi nito sa likod ko , gusto ko mang humarap pero parang may pumipigil sakin na huwag
"Lets sleep jea"
"Jane." malungkot na tawag nito sa Pangalan ko napahinga ako ng malalim
"Is he courting you? David"
"Hindi. Boss ko lang sya"
"Please dont"
" i know jea. lets sleep"
•••••
Guys sorry kung maiiksi lang ang chapter ko. Sinisiksik ko lang kasi to sa hectic schedule ko and hindi ko talaga kaya ang mahaba kasi hindi kaya ng oras ko.
Salamat sa pag support kahit ganon☺
