JANE POV:
Sabay na kaming lumabas ng room pag labas namin ng yacht sakto rin na paakyat narin sila.
Tatlong lalake. yung isa driver at yung dalawa nakasuot sila ng pang diving sila ang mag guguide saamin
"Good morning maam" sabay sabay na bati nila saamin
Ngumiti kami sakanila
"Good morning"
"Maam ito na po ang susuotin nyo"
Nilapag nila sa sahig ang malaking bag at nilabas nila doon ang suit at oxegen at iba pang equipment
Na gagamitin namin sa diving
Buti nalang nakapag lagay na kami ng sunblock kanina bago umalis ng suite dahil dagdag pa yun sa oras. Gusto ko pa sana mag sunblock ulit dito kanina kaso yung isa minanyak nanaman ako.
Sinuot lang namin ang black suit sa kwarto at sila na ang nag kabit ng iba pang equipment saamin
Hindi ko maiwasang tumingin sa lalakeng nag aayos kay jea. Iba ito makatingin sakanya, tinignan ko si jea at parang wala ito sa sarili nya tulala nanaman sya
Pag katapos ko lumapit ako sakanila at kinalabit sya
"Pakibilisan kuya baka matunaw ang girlfriend ko kakatitig mo!" masungit na bira ko nakita ko na nagulat ito sa sinabi ko bumalik narin si jea sa katinuan tumingin ito saakin at hinawakan ako sa kamay
"Okey ka lang love?" Tanong ko sakanya inayos ko ang buhok nya na hinahangin
"Yeap. Thanks mahal" ngumiti ito saakin
"Ilagay na po natin ang sa ulo nyo maam" agaw pansin samin ni kuya
Tinali ko ang buhok ni jea
Saka nya nilagay ang scuba mask at regulator
"Tapos na po" sabi ni kuya saamin maya maya humarap ito saakin
"Pasensya na po kanina maam nagandahan lang po ako sakanya pasensya na po talaga and stay strong po sainyong dalawa po" yumuko ito
Saakin kaya tumango na ako sakanya
"Okey"
Hinila ko na si jea paupo sa sofa
Dahil nag sisimula ng tumakbo ang yacht
"Bakit sya humingi ng tawad?" Bulong sakin ni jea. Wala nga sya sa sarili na pati yun hindi nya napansin
"He keep staring at you kanina habang inaayusan ka" tumango tango naman ito. Ngumiti sya saakin
Ilang minuto lang ang binyahe namin para makarating ng malalim na part ng dagat kung saan may mga dolphin na nag shoshow andami ding bangka at private yacht dito
At andami na ding nag sisimulang mag swimming
"Maam ready na po tayo" agaw pansin saamin ni kuya tumayo na kami ni jea binigay namin sakanila ang dalawang tag isang camera para videohan nila kami sa ilalim ng water
Pumunta na kami ni jea sa hagdan para lumusong sa tubig
Mag kahawak kamay kaming lumusong sa tubig pailalim
Andaming magagandang shell at water lilies andami ring nag kukumpulan na isda
Wow ang ganda tumingin ako kay jea at nakita ko na nakatingin lang sya saakin pinag mamasdan nya ako
Pinisil ko ang palad niya at base sa hugis ng mata nya nakangiti ito
Bumitaw ako kay jea ng makita ko na may papalapit na dolphin saamin tinutok ko ang camera ko sa dolphin
Saka umilag para makadaan ito sa gitna namin ni jea
Sinundan ko ng tingin ang dolphin at umangat na ito hinila ako ni jea paakyat pag lutang namin tinanggal namin ang regulator sa bibig namin para makahinga kami ng maayos.
Tumingin ako sakanya at niyakap sya
"Thank you love, i love you."
Naranig ko ang mahina nitong tawa
Na ang sarap sa tenga pakinggan
"I love you too mahal ko" rining kong response nya kumalas ako dito ng yakap at hinalikan ko sya ng patak sa labi. napansin ko ang pag tinginan samin ng mga tao, hindi ko na sila pinansin at hinila si jea papuntang kabilang side
••
Hapon na ng makabalik kami nang pangpang at masasabi ko na sobrang pagod na pagod ako kahit isang oras lang kaming nasa tubig at nag stay nalang kami sa yacht para manuod ng mga dolphin
Ang sakit ng mga legs ko. Gusto ko na sanang mag pahinga na pero last day na namin ito kaya susulitin na namin.
After naming maibalik ang mga gamit namin sa suite muli kaming lumabas para makakain muna. Sa isang mamahaling kainan kami kumain
Grabe may ginto ata ang pag kain dito, pano ba naman kasi umaabot ng 5k ang isang serving lang
"Ang mahal naman dito love" sabi ko sakanya after kong makita ang menu
"Mas mahal kita dyan" inirapan ko ito kaya natawa nanaman sya
"Okey lang ikaw naman kasama ko" nakangiti na ito ngayon
Nag order lang ako ng steak at ganon din sya
After naming kumain muli na kaming lumabas dahil dumidilim na
Sobrang ingay na rin ng paligid ang ganda ng mga lanterns na nag liliparan sa ere
Ginala ko ang mata ko at muli kong nakita si nanay na binilhan ko kahapon. Hinila ko si jea papunta sa matanda
"Nay isa nga po ulit"
"Ito anak"
inabot nya saakin ang lantern, hindi ko narin kinuha pa ang sukli, hinila ko na si jea papuntang tabi. Saka ko lang naalala na wala pala akong lighter
"Dito ka lang wag kang aalis, Baka iwanan mo ako?" Tinignan ko ito ng makahulugan, bakit ba ganyan nanaman ang aura nya? Parang malungkot nanaman ang mga mata nya.
Tumango ito saakin. Iniwanan ko na ito at bumalik sa matandang nag titinda
"Nay may lighter kayo?" Tanong ko sakanya
"Oo anak ito. Okey na yan bawas nalang sa sukli mo sana kanina" ngumiti ako sakanya saka muling tumakbo sa dati naming pwesto at nakita ko si jea na tahimik na nakatingin sa mga lanterns na nag liliparan sa ere
Maya maya pumikit ito. Tuluyan na akong nag lakad palapit sakanya kinuha ko ang lantern sa mga kamay nya
"Okey ito na meron na ako." Sabi ko sakanya nag mulat ito ng mata at tumingin saakin ngumiti sya pero hindi naman umabot iyon sa mga mata nya. Sinindihan ko na ang lantern
"Lets make a wish first jea bago natin ito pakawalan"
Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan rin ang lanterns
"Sarilihin mo muna ang wish mo hanggat hindi pa natutupad ah?" Ngumiti ito saakin at tumango
Bakit kaya hindi sya ang sasalita?
"Okey" pumikit na ako at nag simula ng mag wish after ko mag wish nag mulat na ako ng mata at nakita ko na nakatingin na ito saakin
"nag wish ka na?" Tanong ko sakanya
"Yeap mahal ko"
Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya na nakahawak rin sa tali ng lantern
"I love you jea ko" bulong ko sakanya ngumiti ito saakin para halikan ako sa labi
"I love you too mahal ko"
Ngumiti kami sa isat isa bago namin binitawan ng sabay ang lantern
Lumapit ito saakin hinawakan nya ako sa bewang at sabay naming pinanuod ang lantern namin hanggang sa nag halo na ito sa karamihan
Tumingala ako sakanya nakita ko ang luha na dumadaloy sa pisngi nya
Niyakap ko sya ng mahigpit hanggang sa hindi ko narin napigilan ang sarili ko na wag umiyak
Bakit ba ang sakit sakit ng nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko syang umiiyak?
•••
Goodmorning mga mahal❤❤❤
