kabanata-15

8K 389 541
                                        

JANE POV:

Pag dating ko sa harap ng building napatigil muna ako at pinag masdan ang kabuoan nito 1 month and 1 week rin akong namalagi dito

Tinignan ko ang resignation letter ko, tama ba itong gagawin ko? Alam ko na pagkatapos nito mahihirapan akong mag hanap ng malilipatan, pero okey na rin yun makakahanap parin ako kahit mas matagalan okey lang kesa mag stay pa ako dito,
And tatlong araw rin akong hindi pumasok dito simula nung mag ka engkwentro kami sa loob ng office nya at sa tatlong araw na yun walang araw na lumipas na hindi sya nag tetext kung papasok ako. Pero hindi ko sya nirereplyan kaya ito na ulit ang una naming pagkikita simula nung araw na nag away kami

Bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko bago ako pumasok

"Hey jane, ang tagal mong nawala. May sakit ka ba?" Tanong ni maam rona

"Ah opo maam rona "

"Ah okey buti magaling ka na. May ihahatid ka lang ba? Hindi ka kasi naka office attire"

"Opo" nag paalam na ako dito bago ako tumuloy sa 9th floor kung saan ang office nya at office ko

Pag dating ko sa office inaasahan ko na may subtitute ako pero wala akong naabutan. Hindi pala sya kumuha sa loob ng apat na araw simula nung araw na umalis ako?

Hindi na ako nag tagal sa office ko at pinuntahan na sya sa office nya for sure nandito na sya dahil late na ako nag punta, sa umaga kasi for sure na hindi ko sya maaabutan dito sa office dahil nag iikot sya sa bawat cubicle sa bawat floor para tumingin tingin

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Nag hintay nalang ako na may mag bukas pero wala kaya ako na ang kusang nag bukas only to see her na tulog sa mesa nya
Naka patong ang braso nya sa mesa habang nakapatong naman ang ulo nya sa braso. Naka bukas ang laptop nito andami ring nakatambak na papeles sa kabilang desk

Grabe natambakan sya ng gawain. Sabagay anong aasahan ko wala syang katulong sa pag check nito dahil hindi naman sya nag hanap ng kapalit ko. Pero ngayon mukhang mapipilitan syang mag hanap dahil aalis na ako sa ayaw at sa gusto nya.

I hope na hindi nya naisip na hindi ako aalis after ng ginawa nya saakin few days ago

Lumapit ako dito at tinabi ang kape na nasa may kamay nya baka kasi masagi nya mapaso pa sya at mabuhusan ang mga gamit nya. Pero nakaramdam ata ito dahil gumalaw ito at kasunod ang pag mulat nya ng mga mata nya

Ho..

Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nya pag kakita nya saakin. Tinignan ko lang ito ng walang emosyon
Ngumiti ito pero kalaunan nawala rin iyon ng mapansin nya ang suot kong damit. Naka normal attire lang kasi ako jeans and pink polo na naka tack-in obviously hindi pang office

"H-hi" bati nya saakin bago sya tumayo ngumiti ako ng tipid dito bago ko inabot ang resignation paper ko. Naguguluhan at may pag tatakang kinuha nya ito saakin

Isang sulyap ang ginawa nya sakin bago nya binasa ang letter ko. Hindi ko alam kung totoo ba yun o guni guni ko lang pero may dumaan na lungkot sa mga mata nya

After nya yung mabasa pinatong nya yun sa mesa nya at humawak ng mahigpit sa swivel chair nya sobrang diin ng pag kakahawak nya doon

"G-gusto ko na po sana mag resign i think hindi na healthy na nandito pa ako after ng nangyari atty. Salvador"

formal na sabi ko dito. Napalunok ako Tumingin ito saakin at halatang may pinipigalan din syang emosyon

"Yeah, im just waiting for you to submit your resignation paper" muli nyang kinuha ang folder ko at kumuha ng ballpen para pirmahan iyon saka nya iyon pabalang na binigay saakin natamaan pa ako noon sa may dibdib buti nalang hindi masakit

"SHE'S TOO FAR AWAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon