JANE POV:
"Babe nakikinig ka ba saakin?" Napatingin ako kay sofia hawak hawak ako nito sa braso
Nagulat pa ako sa biglaang pag hawak nito saakin
"May masakit ba sayo? Kanina ka ba kasi tulala" sabi nito saakin pinilig ko ang ulo ko saka ako umiling
"Medyo masama lang pakiramdam ko" palusot ko dahil sa totoo lang kanina pa lumilipad ang utak ko dahil kay jea.
Kailan pa sya nakabalik? At sa tingin ko, base sa paraan ng pakikipag usap nya saakin mukhang sinadya nya ako dito. Una pinasabi nya sa tao ko na ako ang mag hatid ng food sakanya. pangalawa yung pakikipag usap nya saakin. Sinabi ba ni dave sakanya kung saan ako makikita?
At yung lalakeng yun wala man lang binanggit saakin na nakabalik na si jea.
"Ganon ba. Gusto mong e massage kita?" Akmang hahawakan ako nito sa noo pero agad kong hinarangan ang kamay nya, ngumiti ako dito
"Its okey. Need ko lang ata mag pahinga baka sa sobrang pagod lang to" sabi ko sakanya
"Okey. Babalik nalang ako mamaya. Pahinga ka na muna" sabi nya ngumiti ako dito bago ako tumayo at hinarap sya, Kinuha ko ang mga kamay nito at hinalikan ang mga ito
"Thank you sofia" niyakap ko ito ng mahigpit. after ilang sigundo humiwalay na ako sakanya at binigyan sya ng isang halik sa noo
"Sa sunday ipapakilala na kita sa mga kapatid ko"
"Really? Thank babe. ang saya ko"
Yumakap ito ulit saakin ilang sigundo lang yun
"Pahinga ka na" ngumiti ito saakin bago sya nag lakad sumunod ako dito para ihatid sya palabas
"Ihahatid na kita"
"Sure babe"
Pag labas namin ng pinto muli akong tumingin sa mesa na inupuan ni jea wala na ito doon
Pag dating namin sa parking halos mapatigil ako ng makita ko si jea sa parking, may kinukuha ito sa bag nya mukhang napansin rin kami nito kaya napatingin ito saamin
Tinitigan ako nito bago nya nilipat ang mga tingin nya kay sofia na tumigil rin
"May hinahanap ka?" Tanong sakanya ni sofia "ito ba?" Sabi ni sofia at pinakita nya ang susi na hawak nya
"Napulot ko doon sa may pinto"
Muling lumingon saakin si jea bago sya lumapit kay sofia
"Ah yeah this is mine kanina ko pa hinahanap" inabot nito ang susi
"Thanks, by the way" sabi nya bago sya tumalikod at pumunta sa sasakyan nya na hindi naman ganon kalayuan saamin.
Humarap na saakin si sofia
"Thanks babe. I cant wait to meet your siblings" lumapit sakin si sofia at hinalikan ako sa labi
"Bye balik ako mamaya dito"
Sabi nya bago sumakay sa sasakyan nya
Tumabi ako para makadaan ito kumaway pa sya saakin bago sya mawala sa paningin ko
Nag lakad na ako pabalik pero agad rin akong natigil ng huminto ang sasakyan ni jea sa harapan ko
Binaba nya ang bintana ng sasakyan nya saka ako tinitigan. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto kami nag katitigan
Napakurap pa ako ng ngumiti ito saakin at kinindatan ako
Tangina....
Mabilis akong tumalikod at nag lakad palayo sa sasakyan nya narinig ko ang tawa nito kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko
Pag pasok ko sa opisina ko napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko na mabilis ang tambol
Bakit ganito?
Pumikit ako para pakalmahin ang nararamdaman ko
Bakit ganon nanaman ang epekto nya saakin? This is not right
Pumunta ako sa mini ref sa office ko para kumuha ng bottled water naubos ko yun pumunta ako sa basurahan para itapon ang bote saka ako bumalik sa upuan ko
Pinalo palo ko ang noo ko para hindi ko na sya maisip pa
Sa totoo lang mas gumanda sya ngayon yung itim nyang buhok noon blonde na ngayon. At sobrang bumagay yun sa sakanya
At akala ko kinasal sila ni axel, Bakit wala syang suot na singsing kanina?
Hindi ba sila kinasal?
Pero bakit antagal nyang bumalik? Antagal kong nag hintay sakanya noon halos mag dadalawang taon akong nag hintay sakanya. umaasa ako na babalik sya pero natapos na ang dalawang taon hindi parin sya bumabalik hanggang sa naka move on nalang ako sakanya.
Binuksan ko ang drawer ko kinuha ko ang maliit na box doon. kinuha ko mula sa box ang kwentas na binigay nya saakin noon. tinitigan ko ito
Pinunas ko ang luha na dumaloy sa pisngi ko, mabilis ko ring binalik ang kwentas sa box at muli itong pinasok sa drawer
Bakit ganito? Parang bumabalik ang sakit.
"Naka move na ako mahal ko si sofia" bulong ko bago ako huminga ng malalim
•••
Pag labas ko ng opisina ko nakita kong pumasok si dave sa pinto nag mamadali ito papunta saakin
Napakunot noo ako dahil 11pm na napadpad pa talaga sya dito tyaka pauwi na ako
Bumalik ako sa office ko hinintay ko itong makapasok
"Ano nanaman ang kailangan mo dave?" Tanong ko sakanya pag kapasok nya
"E kasi nawawala yung susi ng condo mo" sabi nito napatingin ako dito habang nakakunot noo
"Tapos si jea kanina hinihingi yun saakin for sure sya ang kumuha sa office ko nakapatong lang yun sa table ko e, bigla nalang nawala" namomroblema na sabi nito saakin
Napakamot ako sa ulo ko
"Pag nakuha ko yun hindi ka na makakapasok sa condo ko babawiin ko na yun sayo. Inuubos mo lang pag kain ko e" sabi ko dito saka ako lumabas. Agad itong humabol
"Anong gagawin mo? Pupuntahan mo ba sya?" Tanong nito nilingon ko ito at napansin ko na nakangiti ito pero agad ring sumeryoso
"Bakit ako? Bakit hindi ikaw? Tutal pinsan mo naman ang abnormal na yun." Mataray na sabi ko dito
"For sure na hindi nya yun ibibigay saakin kaya mas mabuti pang ikaw nalang" sabi pa nito
Inangat ko ang kamay ko para tumahimik na ito
"David ayaw ko na syang makausap pa. kaya ikaw na ang kumuha sakanya pag katapos ibalik mo saakin" sabi ko dito binuksan ko na ang kotse ko at pumasok
"Gusto mo bang patayin ako pag nag pumilit pa ako ah?" Tanong nito habang naka harang ang kamay sa pintuan ng sasakyan ko
Napaikot ako ng mata
"Kalalake mong tao, takot ka sa pinsan mo? Mag pinsan nga kayo parehas kayong abnormal.. Chupi" tinapik ko ang kamay nito saka ko sinara ang pintuan kumatok pa ito pero hindi ko na sya pinansin.
Agad akong nag drive pauwi sa condo
Pag bukas ko ng pinto si jea ang bumungad saakin tulog na tulog ito sa sofa
Nakalukot rin ang katawan nya dahil hindi naman ganon kahaba ang sofa at matangkad sya
"Ano bang ginagawa ng babaeng to dito?" Tanong ko sa sarili ko binaba ko ang mga gamit ko sa kabilang sofa
Bago ko sya kinalabit
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya nung unte unte nyang minulat ang mga mata nya
Umupo ito habang kinukusot ang mga mata nya
Maya maya nagulat ako ng bigla nya akong yakapin sa bewang
"Mahal ko"
••••
Afteee
