kabanata- 1

16.3K 462 106
                                    

JANE POV:

"Jane, tawag ka ni mrs. salvador."
Tumingin ako kay ate anji nakasilip ito sa naka awang na pinto nang opisina ko. Ngumiti ako sakanya saka ko pinatay ang computer sa harapan ko

"Sige ate anji papunta na ako" inayos ko muna ang suot ko bago ako nag lakad papunta sa office ni maam


Si ate anji nag iba na nang direction dahil for sure may hinatid nanaman itong papeles kay maam galing sa kabilang law firm sa kung saan anak nyang lalake ang nag hahandle. Yun lang kasi ang tanging dahilan kung bakit ito napapadpad sa main building


Ang pamilyang salvador ay pamilya ng mga magigiting na abogado, may tatlo itong anak isang babae at dalawang lalake na si sir jordan and sir luke while si maam jea hindi ko pa nakikita, dahil nasa abroad ito nag aral but i heard she already passed her bar exam last month kaya isa na rin syang ganap na abogado.



Kung curious kayo sa course na tinapos ko. BSBA po ang course na tinapos ko kaya ngayon isa akong secretary ni mrs. Salvador


Pag dating ko sa harapan nang office ni maam, kumatok na ako at agad rin naman itong sumagot na pumasok na ako kaya pinihit ko na ang siradura
At dahan dahan itong binuksan.


Pagka bukas ko nang pinto isang magandang babae ang bumungad saakin, hindi maipinta ang mukha nito nakasimangot at namumula

"You promise to me na ako ang hahawak nang isang company natin pag balik ko once i passed my bar exam! But what have you done mom?"
napalunok ako dahil sa galet na tinig nito habang kausap si maam alexandra
"i already made it. sinunod ko ang gusto nyo na mag lawyer ako kahit na hindi naman talaga yun ang gusto ko.
Because i want you both to be proud of me. Pag katapos ito pa?-"


"Lower your voice maxine" maawtoridad ang boses ni maam ng sabihin nya yun sa anak nya. Kung hindi ako nag kakamali nang rinig
Ito na nga si maam jea At sa ganitong pagkakataon ko pa talaga sya unang nakita.
"Come here hija"
Agad na nalipat ang tingin ko kay maam ng mag salita ito, ngumiti ako dito nang bahagya dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko
"im sorry for what you hear hija"
Yumuko lang ako dito


"Okey lang po maam, ano nga po palang pag uusapan natin?" After ko yung itanong kay maam nilingon ko si maam jea na hanggang ngayon hindi parin maipinta ang mukha at bakas na bakas parin ang inis sa mukha nya.
Nakatingin ito sa mama nya, pero agad akong napaiwas nang lingunin ako nito at pinaningkitan ako ng mga mata


Jesus.


Hindi ko kayang salubungin ang nag aalab na mga mata nito, napalunok ako at kahit na natetense ako nagawa ko paring mag fucos sa sinasabi ni maam saakin


"Fuck shit" napaigtad pa ako sa gulat dahil sa pag hatak nya sa bag nya na nakapatong sa upuan na kahoy na syang gumawa nang ingay dahil sa pabalang na pag galaw nya.
"I should enjoy my life in abroad right now" bulong nito na narinig ko naman, nag lalakad na ito paalis



"Saan ka pupunta?"
Tanong ni maam dito.


"To the moon"

Bulong na pasagot nito na ikinakagat ko ng labi ko para pigilan ang pag ngiti sunod na narinig ko ang pag sara nang pinto


"Saan daw?" Tanong sakin ni maam


"Hindi ko po narinig yung sagot nya maam."
Umiling nalang ito bago nya pinag patuloy ang sinasabi nya sakin
"Tomorrow pupunta ka nang palawan for business transaction 1 week kayo doon" nabigla ako sa sinabi nito. Ako? Mag isa na makikipag kita sa ka business transaction nya? Hindi ko kaya yun mag isa. Nasanay kasi ako na kasama parin sya sa mga business meeting nya

"Pero maam hindi ko po kay-"

"Dont worry, maxine will come with you hija. We already talk about that naman na and malaki rin ang tiwala ko sayo, tulungan mo nalang sya if ever may hindi sya alam"
Natahimik ako sa sinabi nito. Si maam jea? Sa nakita ko kanina mukhang masungit ito at baka bugahan lang nya ako nang apoy.

Ano ba itong pinasok ko huhu..

"Is it okey with you hija? " tanong sakin ni maam

"Opo maam okey lang po"
Nakangiting sagot ko dito


"Alright, thats good mag email nalang ako sayo later. You can go now" yumuko ako dito bago tumalikod pero agad rin akong humarap dahil sa dinugtong nya
"Anyway hija 5am flight nyo 3am kita ipapasundo sainyo. Pwede ka na umuwi "


"Note maam, thank you" after ko yung sabihin lumabas na ako nang office nakasalubong ko pa si ate anji


"Ate anji nandito ka po"


"Yes jane. Ako kasi muna ang kapalitan mo for the mean time"
Kaya pala nandito sya


"Sige po mauna na ako"
paalam ko dito. Pag dating ko sa office inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi narin ako, dahil mag aayos pa ako nang mga gamit na dadalhin ko para sa palawan

Aalis nanaman. Kahapon kakarating lang rin namin galing batanggas 4 days din kami dun ni maam alexandra, kaya obviously pagod parin talaga ako. Pero anong magagawa ko? Ito naman talaga ang trabaho ko.

Pag kababa ko sa lobby umupo upo muna ako sa upuan na naandun para makapag pahinga muna nang kaonti,
Bago ako tuluyang lumabas. Malayo pa ang nilakad ko papuntang sakayan nang bus

Masyado kasing exlusive yung law firm campany kaya mahirap makahagilap nang kahit na anong sakayan sa paligid nito


Pag dating ko sa apartment pabagsak akong humiga sa maliit na sofa. Ramdam na ramdam ko ang pagod at antok ko, sa loob nang 1 week naging dere-deretso ang trabaho ko at itong buong week rin na paparating. Im so tired

I want to give up but i can't, kailangan ko mag sumikap para sa mga kapatid ko. Hindi ako pwedeng sumuko dahil kailangan pa nila ako.



Bago pa ako makatulog bumangon na ako para mag simulang mag impake nang gamit ko na dadalhin ko sa palawan

"SHE'S TOO FAR AWAY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon