TWO

7.8K 242 9
                                        

GABRIELLE

"Class dismissed!"

Professor Vlademir said. Nagsitayuan naman kaming lahat matapos marinig ang mga katagang yun. Inayos ko naman ang gamit ko at agad isinukbit ang bag sa aking likod.

"Hoy Gab, ba't ka nalate kanina huh?" Akala ko pa naman nalimutan na ni pandak na 'to yung nangyari kanina, hindi pa pala.

Chismosa talaga amp!

"Chismosa ka talaga eh nu?Nalate nga kasi ako dahil-" Hindi paman ako tapos sa pagsasalita ng pinutol niya na ito na ikinainis ko.

"Kasi naghahanap ka pa ng lalaki! Tama ako diba? Sinasabi ko na nga b-aray tangina mo!" Binatukan ko nga. Kainis at ang hilig niya talagang gumawa nang kwento.

Tsaka anong pinagsasabi nitong abno na 'to naghahanap ako ng lalaki?

"Gaga ka ba? Anong lalaki pinagsasabi mo diyan?! Tsaka isa pa kaya ako nalate kasi si mama at papa nagha-harutan pa kanina, tss." Napanguso naman ito sa sinabi ko.

Nadamay pa tuloy si mama at papa hmp. Pero totoo rin naman kasi hehe.

"Sorry naman. Akala ko nagbo-boy hunting ka na eh! Magtatampo sana ako kasi hindi mo ako inaya." Napaikot nalang ako sa aking mata sa sinabi niya. Igaya niya pa talaga ako sa kanya.

"Alam mong hindi ako kagaya mo Laur." Medyo seryoso ko kunwaring sabi na may kasamang pang-aasar sa mukha. Nalukot naman ang mukha niya sa sinabi ko kaya napangisi ako.

Oh diba guilty kasi nanahimik bigla pftt.

"Tangin-!" Hindi paman siya natapos sa pagsasalita ay pinutol na ito ni Alex na kanina pa tahimik na nakikinig sa amin.

"That's enough. Let's go and eat lunch. I'm starving already." Nagsukatan pa muna kami ng tingin ni Lauren bago sinundan si Alex na ngayon ay nakapamulsang naglalakad habang kami naman ni Lauren ay nakasunod lang sa kanyang likod.

Pagdating namin sa cafeteria ay bahagya namang tumahimik ang kaninang maingay na paligid na ipinagtaka ko. Naramdaman ko naman na siniko ako ni Lauren dahilan para mapalingon ako sa kanya habang salubong ang kilay.

Ang sakit maniko nitong babaeng 'to!

"Bakit ka ba naniniko diyan?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya. Lumapit naman ito ng bahagya sakin na parang may ibubulong.

"Tumingin ka sa gawi ni Alex." Kahit nagtataka ay sinundan ko naman ang tinitignan niya kung nasaan si Alex. Napakunot naman ang kilay ko ng makita itong nakikipag-sukatan ng tingin sa isang babaeng naka teacher uniform.

She's wearing a pencil-cut skirt like the one the rude professor was wearing earlier when she closed the door in front of me while I'm still talking. And speaking of her, she was looking at me now with her eyebrows raised, and before she looked away, she rolled her eyes at me, which made my jaw drop. My eyebrows met at what I saw.

Gabrielle (Professor Series #1) ✔︎Where stories live. Discover now