GABRIELLE
"Huy tangina! Kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka pala nakikinig saking tanga ka!" Sinamaan ko naman ng tingin si Lauren nang batukan ako nito ng malakas sa ulo dahilan para magising ako mula sa malalim na pag-iisip.
"Bwesit ka! Kailangan mambatok ganun?!" Pinanlisikan ko naman ito ng mata at aambahan sana sa pagsuntok pero ang gaga ay nagtatakbo na palabas habang tumatawa.
Abnoy amp!
"Para ka kasing baliw! Kung nakikita mo lang ang sarili mong ngumingisi tapos kukunot rin ang noo. Yung totoo, hindi ka ba nag-umagahan?" Imbes na patulan ito sa sinabi niya ay umupo nalang ako ulit sa upoan ko at lumingon sa labas ng bintana. Natanaw ko naman ang mga estudyanteng palakad-lakad habang ang iba naman ay naka opo, nagja-jamming gamit ang gitara at kung ano-anu pa.
Parang wala silang problema sa mga ginagawa nila.
"Huy ano? May problema ka ba?Ang lalim ng buntong hininga ah?"
Napabuntong hininga naman ako ng malakas sa mga bagay na pumapasok sa isip ko bago nilingon si Lauren na may seryoso nang ekspresyon sa kanyang mukha.
Parang tanga pftt. Hindi talaga bagay sa kanya ang magseryoso.
"Si miss kasi..." Hindi paman ako tapos sa sinasabi ko ay nakita ko na ang pagngisi nito.
Kung ano-anu na naman iniisip nito panigurado.
"Subokan mong mang-asar Laur!" Nagpipigil naman ito ng tawa habang nakataas ang dalawang kamay sa ere na tila sumusuko na ikinaikot ng mga mata ko.
Abnoy talaga. Palibhasa kulang sa buwan.
"Wala naman akong sinabi, sige na ituloy mo na yang sasabihin mo." Mukhang seryoso naman na ito kaya ikwento ko sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni miss na mahigit isang buwan na ang nakalipas.
"So you like her nga? Kailan lang?"
Ito yung tanong niya matapos kong ikwento sa kanya ang lahat. Sa pagbibigay ni miss sakin ng mix signals, sa pahalik-halik nito sa akin sa pisngi lalo na sa tuwing uuwi na kami, sa pagiging malambing at clingy nito sa akin lalo na kung kaming dalawa lang sa office niya. Araw-araw ba naman ako nitong inutosan sa pagche-check sa mga papel ng mga kaklase ko. Kaya magkasama kami palagi dalawa sa paglu-lunch. Buti nga hindi nagtampo itong mga kaibigan ko sa akin since hindi na ako nakakasabay sa kanila kumain sa cafeteria.
Hindi ko nga akalain na may ganong side pala si miss. Ang cute lang.
"I don't know Laur, pero sa tingin ko nung panahon palang na nagbabangayan pa kaming dalawa, nito ko lang na realize dahil sa mga ginagawa niya sakin." Tila problemado kong usal sa kanya sabay buntong hininga.
Gsgi naman. Imbes na pag-aaral lang ang pino-problema ko ay dumagdag pa ito.
Oo gusto ko si miss, gustong-gusto na yung tipong I want her to be mine pero that's impossible kasi may mga chismis dito sa campus na dumating na daw yung long time boyfriend nito galing sa Spain para doon magturo. And yes, he is a teacher too. What a lucky bastard right? Pero kahit gusto ko man siyang agawin sa lalaking yun ay hindi pwede, baka matawag pa akong relationship wrecker or kung ano man tsaka isa pa, may malalim na rason ako kung bakit ayaw ko siyang i-pursue, ayaw kong sa aming dalawa ay masaktan siya sa huli. I'm afraid to take a risk if ever man na mangyari yun.
Di baleng ako ang masaktan, wag lang siya.
"Eh paano yan? May balak ka bang aminin sa kanya yang nararamdaman mo? Do you want to pursue her ba?" I keep my mouth shut sa tanong na yun ni Lauren at muling napaisip.
YOU ARE READING
Gabrielle (Professor Series #1) ✔︎
Short StoryGirlxGirl • COMPLETED ✔︎ 𝐆𝐚𝐛𝐫𝐢𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐞𝐳 a well known famous student in Labyrinth University. She thought to herself that she's straight and she's only interested in those guys who have abs and sexy body, until she met her new profes...
