GABRIELLE
I was busy drying my hair when a loud knock on my door interrupted me.
"Gabrielle bumaba ka na riyan at kakain na tayo!" Mama said na dinaig pa ang nakalunok nang megaphone. Ang aga-aga nagsisigaw agad si mama.
Mama momints nga naman.
"Pababa na po ako ma!"
"Bilisan mo diyan."
Hindi nalang ako sumagot at niligpit ang blower na ginamit ko bago ako tumayo at muling tinignan ang sarili ko sa may kalakihang salamin dito sa loob ng aking kwarto.
"Okay Gab, ang sexy mo. Paniguradong mamaya marami na naman ang maglaway sa'yo sa campus." Mahangin na saad ko sa aking sarili sabay kindat sa salamin. Sinuklay ko naman ang blonde kong buhok gamit ang kamay na hanggang bewang ang haba bago tinignan ang suot ko.
I am now wearing simple fitted jeans and I also paired with a maroon shirt from our department with Business Administration written on the back. Also has a collar and on the front on the chest to be exact and it's the logo of my school.
Labyrinth University.
Pagkatapos ko makita ang sariling komportable na ay agad naman akong lumabas sa kwarto pagkatapos makuha ang bag ko. Hindi paman ako nakababa ay nakita ko na ang magulang ko na tila seryosong nag-uusap habang kumakain.
"Good morning, everybody!" Energetic kong usal na nagpagulat sa mga ito lalo na si Mama dahilan para matawa ako.
"Ano ba Gabrielle! Ikaw na bata ka talaga ke aga-aga nanggugulat ka riyan!" Mama said na tila nagulat talaga dahil may pahawak pa ito sa dibdib niya habang si Papa naman ay napapailing nalang.
Ang oa hah!
Nag peace sign naman ako dito bago ibinaba ang bag ko at umupo sa aking pwesto.
"Peace Ma. Ang seryoso niyo kasi diyan ang aga-aga pa." Sabi ko at agad sumandok ng kanin, ulam naming itlog, hotdog, toccino at kaunting toyo. Hmm masarap kasi talaga 'to. Isa ito sa di nakakasawang ulam na kinain ko sa tanang buhay ko at hinding-hindi ko ito pagsasawaan hanggang sa huling hininga ko.
Simple lang naman kasi ang pamumuhay namin. Si Papa ay taxi driver at minsan naman ay kumikita ng tatlong libo sa loob ng isang linggo. Habang si Mama naman ay isang guro sa elementarya sa kabilang school. Public to be exact. Maliit lang kasi ang sweldo nito since public nga ang tinuturoan niya. Habang ako naman ay isang 2nd year college student taking up Business Administration. Paminsan-minsan na rin akong nagpa-part time job sa mga coffee shop, jollibee, restaurants, karinderya at marami pang iba.
Sa hirap ng buhay need ko talaga kumayod ngayon at hindi aasa sa magulang ko. Medyo matanda na kasi sila kaya imbes na maging pabigat ay tumutulong nalang ako sa gastusin dito sa bahay. Minsan nga ako nalang gumagastos sa pang tuition ko pati allowance. Alam ko naman kasi na walang-wala sila ngayon kahit na hindi nila sabihin sa akin. Isa na rin siguro yung pag-uusap nila kanina about sa gastusin dito sa bahay.
Kahit na hindi nila sabihin ay alam ko naman na.
"Siya nga pala nak. May pera ka pa bang pang allowance mo?Medyo sabit ako sa pamamasada ngayon eh kay-" Pinutol ko naman ang dapat na sasabihin ni Papa at agad nagsalita. Alam kong bastos pero kasi.
YOU ARE READING
Gabrielle (Professor Series #1) ✔︎
Cerita PendekGirlxGirl • COMPLETED ✔︎ 𝐆𝐚𝐛𝐫𝐢𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐞𝐳 a well known famous student in Labyrinth University. She thought to herself that she's straight and she's only interested in those guys who have abs and sexy body, until she met her new profes...
