FOUR

5.1K 170 12
                                        

GABRIELLE

"Kung nakakamatay lang ang tingin for sure kanina pa pinaglalamayan si Alex ngayon, pfft." Lauren said out of nowhere habang nakatingin sa professor na kanina pa masama ang tingin kay Alex and her friend named Samantha.

Samantha is also our friend since 3rd year high school pero hindi kami medyo close sa kanya maliban kay Alex na noon pa man ay magkasundo na sila. Remember nung sinabi ko na dating bubbly o bibo si Alex, right? So ayon and accidentally nakasalubong rin namin itong si Samantha kanina habang papunta na kami dito sa school. Sa ibang section kasi siya kaya hindi kami magka-klase and minsan hindi na namin siya nakikita.

She's also part of the student council kasi kaya siguro busy na ang babaeng to.

Speaking of what Lauren said. Kanina ko pa nga rin napansin na hindi maganda ang timpla ng mukha ng Prof Gomez na yan.

Kaunti nalang talaga iisipin ko na may something sa dalawang 'to, hmm.

"Tsk eh kasi naman nakakapanibago tong si Alex. Tignan mo nga oh todo ngiti pa at hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa." Paano ba naman kasi ang sweet nilang dalawa at may papahid-pahid pa sa labi na akala mo ay walang sariling mga kamay.

Hindi ako bitter! Nagsasabi lang ako ng totoo.

"Alam mo Gab. Kung hindi ko lang alam na straight 'tong si Alex masasabi ko na bagay sila ni Samantha. Look at them oh, may chemistry sila diba?" Tinignan ko naman sila Alex at Samantha, and I totally agree sa sinabi ni Lauren. May chemistry nga ang dalawa at ang lakas ng connection nila sa isa't-isa.

"At isipin ko rin na may namumuong love triangle sa kanilang tatlo ni Prof Gomez." Sa sinabi niya ay napalingon naman kami kung saan nakaupo si Prof Gomez kasama ang dalawang kaibigan niyang professor rin na kanina ko pa napapansin na patingin-tingin dito sa pwesto namin. Napahinga naman ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanila specifically to that one person.

Ayaw ko siyang tignan at naiinis ako na ewan.

"Don't mind them Laur. Kumain na nga lang tayo at kanina pa ako nagugutom." Hindi ko na pinansin ang pagtingin ni Ms. Natasha sa akin at isinawalang bahala nalang.

Mag tatlong araw na siyang ganyan sa akin na ipinagtaka ko. Ewan ko pero simula nung insidente sa mall one week ago ay naging ganyan na siya sa akin. Palagi akong tinitignan at kung minsan naman ay ako ang tumitingin sa kanya ay eksakto namang nasalubong ko ang tingin niya na may kakaiba. I can't figure it out and wala akong panahon para alamin yun.

Hindi ko rin naman kasi pinagtuonan ng pansin pa.

Baka naman gusto kang makausap simula nung nangyari sa mall one week ago. Saad ng utak ko. Gusto kong sumang-ayon pero sabi ng puso ko ay imposible. Cause in the first place bakit naman? Tsaka were not even close nga eh bukod sa pag participate ko sa klase niya minsan.

Tsaka ano namang ipapaliwanag niya? Tss.

Minutes later ay napansin naman namin na tumahimik ang paligid na naging dahilan para magsibulongan ang mga tao sa canteen. Doon ko naman nakita si Ms. Gomez na papalapit sa table namin i mean kina Alex lang pala. Naka cross naman ang mga braso nito sa dibdib habang tinignan ang walang pakialam sa paligid na si Alex. Bwesit na babaeng 'to at hindi man lang marunong makiramdam kung may panganib nang paparating. Gusto ko tuloy matawa lalo na at nakita ko ang pag-irap ni Ms. Gomez nang suboan ni Alex si Samantha na kanina pa siya sinisiko.

I can feel the jealousy in the air...

"PDA is not allowed inside here in Campus. I hope you don't forget that Ms. Dela Paz and Ms. Monroe." Using her cold voice and intimidating aura, she said those words na nagpatigil kay Alex at tinignan ang nagsalitang si Ms. Gomez gamit ang walang emosyon niyang mukha.

Gabrielle (Professor Series #1) ✔︎Where stories live. Discover now