FIVE

5.3K 154 12
                                        

GABRIELLE

"Baka matunaw yan kakatitig mo."

Nawala naman ang atensyon ko sa ice cream na hawak ko ng may nagsalita sa likuran ko na hindi pamilyar sa akin ang boses. Nilingon ko naman ito at nakita ko naman ang babaeng nakasuot ng fitted jeans pair with her loose shirt na may mukha ni Avril Lavigne sa harap. She's wearing a cap, I mean a black cap to be exact. Black din ang sapatos niya pati na ang earrings nito sa magkabilang tenga. Bago ko makalimutan ay black din ang pants niya at t-shirt.

Yung totoo? Hindi naman halatang hilig niya ang black nu? Kalahi niya siguro si black widow, lol.

"Done checking me out?" She smirk after she said that na naging dahilan para bumalik ako sa ulirat at napakurap-kurap. Inalis ko naman agad ang tingin sa kanya bago kinain ang ice cream ko na binili pa ni Lauren kanina bago siya umalis.

Ewan ko ba sa babaeng yun at sa'n ang punta niya. Bigla nalang kasing umalis matapos bumili ng ice cream kasi may nag text daw sa kanya. Dapat talaga kaming dalawa ang nandito ngayon. Wala kasi si Alex at absent kasi masama pakiramdam niya.

Ewan ko ba sa yelo na yun at saan nagsusuot. Nagkasakit pa tuloy siya.

"I like it here. The ambiance is quite peaceful with refreshing air." Napalingon naman ako sa babaeng umupo sa tabi ko kahit hindi ko naman pinaupo.

Another fc nilalang na naman ba this? Hindi ko nalang siya pinansin at kinain nalang ang ice cream kong rocky road ang flavor na medyo tunaw na.

"The last time I remember, you weren't mute, so?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.

Wait don't tell me...

"Y-you know me?" Medyo utal kong pahayag sa kanya. Takte at bigla yatang nakagat ko ang dila ko sa di malamang dahilan. Weird. She sexily chuckled before looking at me.

Wow, may ganun?

"Who wouldn't? One of the famous campus sweethearts ka diba?" Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya kahit totoo naman yun.

Kaya ayaw kong makihalubilo minsan eh kasi ituturing ka nilang espesyal kahit hindi naman dapat.

"Uhm yeah pero yung mga students lang naman ang may sabi niyan, and besides wala rin naman kaming paki sa sinasabi nila about sa amin ng best friends ko." Totoo naman eh. Hindi ko talaga alam kung saan nila nakukuha ang idea na campus sweethearts kuno kami.

Feeling ko tuloy prinsesa kami nung past life namin, char!

"Oh, is that so? So totoo nga talaga na sikat kayo, right? I heard lang naman kanina nung pagpasok ko na pinag-uusapan kayo ng mga estudyante." Ano naman kaya ang pinagchi-chismisan nila tungkol sa amin?

Pero ano daw? Pagpasok niya? So it means...

"Wait-transferee ka ba?" I blurted out of nowhere at bahagya pa akong nagulat sa lakas ng boses ko dahilan para matawa siya. Napatampal naman ako sa bibig ko ng wala sa oras.

Shuta nakakahiya! Buti nalang at wala masyadong tao sa cafeteria ngayon kasi may mga klase.

"Ang oa ng reaction hah but yeah, transferee nga ako." Kung anong tanong ko yun lang rin ang isasagot niya. Seryoso wala na bang tataas sa sasabihin niya? I need an explanation din kaya, char!

"Wow that's new. Buti tinanggap ka pa nila." You know kasi nasa kalahating semester na kaya kami. Siguro by the power of kwarta kaya 'to nakapasok, hmm.

Gabrielle (Professor Series #1) ✔︎Where stories live. Discover now