GABRIELLE
Mahigit isang buwan na rin ang lumipas simula nung ma-confine ako sa hospital na pagmamay-ari mismo nila Miss Natasha ayon sa nalaman ko kina Lauren. At kahit pilitin man ako nila mama at mga kaibigan ko na wag pumasok dahil delikado daw sa aking kalusogan ay nagpumilit pa rin ako dahil sa kagustohan ko na makita siya.
Isang buwan ko naring pilit kinakalimutan ang nararamdaman ko sa aking guro lalo na't may asawa na ito ngayon na halos araw-araw ko na yatang nakikita ang pagmumukha habang hinahatid sundo si Miss Natasha.
Sa tuwing masisilayan ko ang pagmumukha ng gagong yun ay gustong-gusto ko siyang suntokin. Mukha kasi siyang hindi makakagawa ng matino.
Edi ako na ang judgemental!
Sa isang buwan na lumipas ay wala akong ginawa kundi ang tiisin ang sakit sa tuwing nakikita ko si miss na masaya sa piling ng kanyang asawa. Naibalita rin kasi dito sa campus na ikinasal na silang dalawa which is sa Madrid Spain ayon sa bali-balita. Nung araw na sinabi sa akin ni Lauren yun ay grabe ang pag-iyak ko, para akong tinusok ng karayom sa sobrang hapdi nang aking dibdib.
Hindi ko lang kasi inakala na ang first heartbreak ko ay ganito pa ang kahahantungan.
Akala ko lang kasi talaga na may nararamdaman na rin sa akin si miss sa mga pinapakita nito sa aking sweet gestures, akala ko lang pala at ako lang ang umasa.
Ang daya diba?
"Ayan na naman yung mukhang unggoy na kung makakapit kay Miss Natasha wagas."
May gigil na saad ni Lauren. Napalingon naman ako kung saan ang tinitignan nito at doon ko nakita si Miss Natasha kasama ang asawa niya na nagtatawanan at dalawang professor na nakatingin kina Alex at Lauren gamit ang malalamig nilang mga mata. Kahit naman walang kinwento 'tong dalawang 'to ay halata namang may something sila sa mga professor na yan.
Grabe lang, na-hospital na ako't lahat parang wala man lang pinagbago sa apat na 'to.
Napailing nalang ako sa naisip at iniwas ang tingin ko sa kanila. Ang sakit kasi nila sa mata at isa pa, nasusura ako sa pagmumukha ng lalaking yan. Mukha namang bading, ang arte-arte pa, tss.
"Ayos ka lang, Gab?"
Iniangat ko naman ang ulo ko at tinignan si Lauren ngayon na may pag-aalala sa mukha. Napatigil naman ako sa pagkain ganun na rin si Alex na kanina pa tahimik at itinuon ang atensyon sa akin.
"Oo naman. Bakit mo natanong?" Nakangiti kong tanong dito na hindi abot sa aking mata na ikinailing ni Lauren, habang si Alex naman ay nakita kong dumilim ang mukha.
"Stop that fake smile of yours Gabrielle!" Pasigaw ngunit may diin na sabi sa akin ni Alex sabay kalampag sa mesa namin na ikinagulat ko at ikinatahimik ng buong cafeteria. Ang tatlong professor naman na katabing table lang namin ay nagulat din sa inasta nito bago lumingon sa table namin na may pagtataka sa kanilang mga mukha.
"Damn it!" Madiing sambit nito bago kinuha ang bag niya at nagmartsa papalabas ng cafeteria. Nagtataka ko naman itong sinundan ng tingin bago tinignan si Lauren na nakatingin rin sa akin ngayon na nagkibit balikat lang.
Ilang saglit pa ay nakita ko naman ang professor na kausap ni Alex noon na papalabas din ng cafeteria.
Susundan yata yung isa.
"Don't mind her. Mainit lang ang ulo nun, meron yata." Tumango nalang ako bago tinapos ang pagkain namin at agad na bumalik sa classroom for our next subject.
YOU ARE READING
Gabrielle (Professor Series #1) ✔︎
Short StoryGirlxGirl • COMPLETED ✔︎ 𝐆𝐚𝐛𝐫𝐢𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐞𝐳 a well known famous student in Labyrinth University. She thought to herself that she's straight and she's only interested in those guys who have abs and sexy body, until she met her new profes...
