THREE

5.9K 181 7
                                        

GABRIELLE

"Ang tagal mo. Kanina pa si Alex naghihintay sa atin dun eh!" The always reklamador also known as Lauren ay nagbu-bunganga na naman.

Tsk, masyadong maingay at nakakarindi.

"Ito na nga nandito na ako okay? Ang ingay mo talaga eh nu? Tara na nga!" Bago paman siya makasagot ay hinila ko na siya palabas ng gate.

Nag decide kasi kami na sa labas kakain ayon na rin sa gusto ni Alex. Medyo nakakasawa na kasi sa cafeteria kahit pa sabihin nating masarap ang pagkain nila, which is totoo rin naman.

Ilang sandali pa ay natanaw naman na namin si Alex na nakasandal sa kanyang pulang sports car na mukhang nakatulog na yata kakahintay sa amin. Naramdaman naman nito na paparating na kami kaya agaran itong umayos sa pagtayo pagkatapos imulat ang kanyang mata.

"You guys took so long. Let's go."

Nagkatinginan naman kami ni Lauren at sabay na pumasok sa loob ng kotse. Umupo naman ako sa backseat habang si Lauren naman ay sa passenger seat.

So bale ang driver namin ay si Alex.

"Where do you guys want to eat?" Alexandria asked obviously breaking the silence envelope the three of us. Parang gutom na talaga kami sa sobrang tahimik namin, lol.

"Sa fast food chain nalang tayo. Doon sa pulang bubuyog na mataba." Lauren said. Tumango naman ako hudyat na sumang-ayon ako sa sinabi niya.

Pero seriously pulang bubuyog talaga?Pfft.

"Okay." Maikling sagot ni Alex dito.

Ilang saglit pa ay nakarating naman agad kami sa pinakalapit na mall at agad na bumaba sa kotse nang maipark ni Alex ang sasakyan niya. Pagkababa namin ay sumalubong naman sa amin ang mga tao kung makatingin ay para kaming hinuhubaran na ikinairap ko ng lihim. Nakakailang talaga pag pinagti-tinginan kayo nang ganito, tsk.

"Grabe pati ba naman dito pinagtitinginan tayo? Kairita ah!" Lauren the always reklamador said. Totoo rin naman kasi na nakakainis pag laging ganito.

Akala ba nila sa amin artista?

"Just don't mind them Lau. You guys need to hurry so we shouldn't be late for our next subject later." Sa sinabi ni Alex ay napatingin naman ako sa relo ko.

Omg! 45 minutes nalang next subject na namin at heto kami hindi pa nakakain.1 hour and 45 minutes lang kasi ang lunch break namin.

Nakakahiya sa kanila hindi man lang dinagdagan ng 15 minutes para maging 2 hours.

"Oh ayon doon na tayo girls sa may bubuyog na pula. Tara." Hindi na kami nakaangal pa ni Alex ng hilain kami ni Lauren papasok sa Jollibee o pulang bubuyog ayon sa kanya.

"Ako na pipila girls. Ano ba order niyo?" Woah. Mukhang sanay sa pagkain na ganito ang pandak na 'to ah.

"Wait. Are you sure na alam mo? O baka naman nasubokan mo na kumain sa ganito?" Tanong ko sa kanya at napansin ko naman na medyo naging balisa siya.

Nakakapagtaka lang kasi tsaka sa yaman at arte nito, hmm. Napairap naman ito bago ako sinagot.

"Nasubokan na namin dito kasama ang pinsan ko galing US okay? Tsaka anong akala mo sa akin Gab, maarte?" Taas kilay niyang tanong. Napataas rin naman ang kilay ko sa turan niya.

Aba siya lang ba ang marunong? Hmp!

"Ay hindi ba? Kung yang kilay mo nga kulang nalang makalbo sa pag ahit mo kasi bukod sa gusto mong maging pantay ay nilagyan mo pa ng guhit-guhit na lapis. Tignan mo nagmukha tuloy logo sa nike yan tignan, feeling mo ba hindi ka na maarte nun?" Tumalim naman ang tingin nito sa sinabi ko samantalang ako ay kulang nalang maglupasay dito para pigilan ang aking tawa sa itsura niya.

Gabrielle (Professor Series #1) ✔︎Where stories live. Discover now