Ygie: lilie isa pa.. aq naman ung mag start..
Me: k...
Ygie: si lilie at joseph ay mag kasintahan.. mahal na mahal nila ang isa't isa... at hinding hindi sila mag hihiwalay..
Me: kaso may nabuntis si Joseph. Nagalit si Lilie. Naghiwalay sila at nakilala ni Lilie si...
Ygie: jayson lencioco.. na siyang hari ng karagatan.. masayang masaya ang kanilang pagsasama at nag bunga ang kanilang pagmamahalan.. sila ay nagkaroon ng 3 anak...
Me: na tatlong magagandang prinsesang sirena na ang ngalan ay Ria, Kaye, at Ygie. Si Ygie, ang bunso, gustong-gusto niyang pumunta sa lupa kaso siya ay isang sirena at pinagbabawalan siya ng kanyang mga magulang pero may nakilala siyang lalaki, ang pangalan ay Ziah. Nain love siya sa lalaki kahit hindi niya pa kilala. Isang araw may nagyari, nagkaroon ng bagyo at nasa barko si Ziah, nasira ang barko at...
Ygie: nahulog si ziah sa dagat.... niligtas ni ygie si ziah.. pero hindi na siya kilala ni ziah.. dahil siya ay nagka amnesia..
Me: nung inahon na ni Ygie si Ziah ay kinantahan ni Ygie si Ziah ng "Diamonds" na acoustic. Naggitara si Ygie at nagtaka siya kung paano siya nagkaroon ng gitara pero hindi niya ito pinansin. Siya ay kumanta. Hindi pa rin nagigising si Ziah pero may pumuntang babae at tinulungan siya at nakita niyang kamukha niya ito pero umalis na si Ygie, papalayo sa lupa. Bumalik siya sa Atlantis, nalaman pala ng kaniyang magulang na siya ay pumunta sa dagat. Pinagalitan siya ng ama niya. Pumasok siya sa kwarto niya at nagfb muna. Bawal siyang lumabas ng kwarto niya hangga't hindi pa sinasabi ng kanyang ama. Nagfb lang siya. Ka-chat ang kaibigang isda na si Nemo kasama ang madaldal na si Dory. Nagusap sila at...
Ygie: dun niya mas nakilala si ygie... pero habang lumilipas ang panahon.. ay dumating na ang tamang oras ng kanyang pag papaakasal.. ang gusto ng kanyang mga magulang ay si ge-an...
Me: Nalungkot si Ygie kaya pumunta sya sa impaktang bruhildang witch na si Mommy D. para siya ay maging tao at pigilan ang kasal ni Ge-an at Ziah. Ginawa siyang tao pero may kapalit, ang kapalit ay ang boses. Dulot ng pagiging desperada na maging tao ay pumayag siya. Kinuha ang kanyang boses at tinanggal ang mga paa niya. Pumunta siya sa lupa at nakita niya si Ge-an at Ziah na magkasama. Nagselos siya at pinuntahan ang dalawa. Sinabunutan niya si Ge-an at sinampal niya si Ziah at siya ay...
Ygie: umiyak ng umiyak... tapos sinubukan niyang bumalik muli sa karagatn pero..
Me: tuwing tatapak siya sa tubig ay kumikirot ang kanyang mga paa. Wala siyang choice kundi matulog sa buhangin at nakita siya ng kanyang kamukha. Nagkwentuhan sila at...
Ygie: sila ay naging mag kaibigan.... dumating ang araw ng pag alis ng kanyang kamukha at siya ay naiwang mag-isa...... ilang taon narin ang lumipas at.. lagi niyang.. nakikita sila ziah at ge-an... at sila ay mayroon ng anak.... siya ay sobra sobrang nasaktan... bumalik siya sa karagatn at tiniis niya ang kirot ng paa... para lng makabalik siya... at dun sa karagatn ay nakilala niya ang isang prinsipe na napaka gwapo at sobrang bait.. at un ay si...
Me: Mel, ang prinsipe ng kahariang Carrotopia. Naging magkaibigan sila at isang araw, nagtapat si Mel ng tunay na nararamdaman para sa prinsesang sirena kaso sabi ni Ygie na hanggang mag-kaibagan lang talaga sila. Nasaktan ng sobra si Mel kaya lumapit siya kay Mommy D. at humingi ng tulong na paibigin si Ygie. Tutulungan ni Mommy D. si Mel pero ang kapalit ay ang buong Carrotopia.. Hindi tinanggap ni Mel ang tulobg kaya tinanggap niya na lang ang katotohanan. Bumalik ulit si Ygie sa lupa. Nalaman niya na naghiwalay ang prinsipe (Ziah) at si Ge-an. Natuwa siya ng sobra. Pumunta siya sa palasyo at nakita niya an anak nila na si Princess. Nakita siya ng prinsipe at...
Ygie: nagulat siya dahil ang pagkaka alam niya ay patay na si ygie dahil yun ay ang kwento ni ge-an... kaya nung makita niya si ygie ay hindi niya alam ang gagawin.. lalapitan niya sana ito kaso.. lumayo na lamang si ygie at naisip niya ang kanyang pagkaka mali at alam niya din naman na hindi na talaga siya mhal ni ygie at yun ay totoo...ilang taon narin ang lumipas at nagkaroon narin sila ng kani kanilang pamilya... si ygie ay naka tagpo ng isang prisipe at un ay si richard.. :D
Me: Kaso naaksidente si Richard kaya si Ygie at ang mga anak niyang sirena na lamang ang naiwan. Nagkita muli si Ygie at Ziah. Naging magkaibigan sila at nain love sa isa't isa. Naging magsyota sila at engaged na sila ngayon. Dumating ang araw ng kasal nila at nagHARLEM SHAKE sila!! Wooohooo!! Party party sila kaso sumakit at nangati ang paa ni Ygie, un pala ay may alipunga siya. They lived happily ever after. The end.
Haha!
BINABASA MO ANG
Dugtungan Game
Kısa HikayeNapagtripan naming dalawa na maglaro ng Dugtungan Game. Copyrights© 2014 • btngpswyyy • Dugtungan Game