Chapter 8: Apple

61 3 5
                                    

Kanina pa ako nakatitig dito sa apple. Yung binigay ni Montecil.! Kamukha niya nga tong apple e !pareho silang pula! Sinong lalake ang magpapakulay ng buhok ? Kulay pula pa! Walang iba kundi si Montecil. Araw araw yata iba ang kulay ng buhok nun!

"Anong gagawin ko sayo apple?" Tanong ko. Tsk. I know di to sasagot. Bakit niya ba kasi ako binigyan nito? Bakit apple pa?
Kapag kasi dumadalaw si Dwayne sa bahay apple ang dala niya kasi paborito ko ito. Dahil sa apple na to! Naalala ko siya!

Itapon ko kaya? Hmm? Sayang.

Kung ibalik ko sakanya? Di pwede baka isipin niya gusto ko siyang kausapin.

"Xena, kung kinain mo na di ka nag iisip nh ganyan ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo you know!" Tsss. Lakas maka sermon ni rein.

"Oo na!  Mamaya " psh. Para matapos na, nilagay ko naman sa bag ko ang apple.

"Sha! Ang tagal mo! " sabi bigla ni rein.
Lagi naman matagal sa cr yan. Bongga mag retouch.

"Hahahah , di ka pa nasanay rein! Bakit kasi di ka sumama? May bago akong lipstick try natin sayo!" Natutuwang sabi ni Sha  na may kasamang palakpak pa.

"Tumigil ka nga! Sinabing ayoko ng ganyan e ! " parang napipikon naman na sabi ni Rein.
Nako. Magtatalo nanamn yang dalawang yan.

Maya maya umingay nanaman, sila Montecil nanaman.

Pumasok sila sa room at nag kumpulan sa likod. Teka mukhang badtrip si Montecil ah?

"Guys! Wala daw tayong klase this afternoon may meeting ang mga teachers."
Sabi ni jianne , galing siguro siya sa faculty at nagtanong kung may klase .

Mabuti na din to ,wala akong ganang makinig e.

Pagkarinig naman ng announcement biglang nagsi alisan ang grupo nila Montecil.

Ang bilis umalis pag walang klase ah? Matinde.

"Xena! Nagpaalam ka na?" Tanong ni sha. Ow i Forgot ! Yung sleep over pala!

"Not yet" sabi ko. Bigla ko namang kinuha ang cellphone ko at tinext si mamang, nagpadala na din ako ng ilang gamit at uniform para diretso na bukas sa school at papakuha ko nalang ang bike ko. Kay mamang ako nag paalam kasi siya lang naman ang concern sakin.

Nakatanggap naman ako ng reply na okay daw at magiingat.

Nag ayos naman na kami ng gamit at hinintay ang service ni sha sa waiting shed.

"Rein , dali na! Try natin mamaya." Di pa siya natapos kakapilit kay rein?

"Sha! Ang kulit mo! Si Xena nalang!" Sabi ni rein at tinuro pa ako.

Tinignan ko lang sila.

"Bakit ba ayaw mo?  Ang ganda ganda mo kaya! " sahi ni sha kay rein .

Tama naman siya. Maganda nga si rein.
Maikli ang buhok nito hanggang balikat tapos black ang mata , matangos ang ilong at pink lips. Kaya lang mukha siyang emo sa eyeliner niya at sa black na mga gamit niya. Hahaha. Magandang emo.

Umirap na lang si rein.

"Bahala ka! Tatanda kang dalaga!"bumanat pa ulit si sha .

Patuloy pa din sila sa asaran ng biglang dumating sila Montecil.

Teka? Nauna sila umalis ah? Pero nauna pa kmi dito? Well i dont care kung san sila nagpupunta pero parang alam ko na.
Nakipag away nanaman. Paano ko nasabi?  Dahil naka  tshirt silang puti at nakatanggal  ang polo
  May dugo sa damit nila  , pero wala silang sugat pasa lang. Kung kanina badtrip ngayon mukhang masaya sila.

What do you expect? Eh expert na ang mga yan makipag away. Tsk.

ang tagal ng service ni Sha. Mamaya kausapin nanaman ako ng mga to! Di ko pa din nakakalimutan ang mga sinabi niya sakin! Gosh. Payat daw???

"Sha? Matagal pa ba?" Tanong ko kay sha. Ng di lumilingon sa kanan , doon kasi umupo sila montecil.

"Traffic daw." Sabi ni sha at tinigila ang pang aasar kay rein. Ayan! Nakita nanaman si Rove!

Nag headset naman si Rein. May sariling mundo.

"Hi boys! Bakit dito kayo naghihintay? Sa pagkaka alam ko may kanya kanya kayong car?" Pag bati ni sha sakanila. Tsk. Bakit?? Baaaaakiiit? Di ba to makaramdam na umiiwas ako.?? Lord bakit niyo ako binigyan ng manhid na kaibigan.haaaaay.

"Hello! " bati ni conrad pabalik ."Uhm . Ayaw pa kasi umuwi nito."  Sabay turo niya kay Montecil. At bakit naman kaya?

"Ow? May hinihintay kayo?" Pag uusisa ni sha. Tssss. Ang daldal. Pero sino nga ba?meron  nga kaya silang hinihintay.

"Wala kaming hinihintay pero may binabantayan kami." Si Rove ang sumagot. Serious tone at naka poker face. I bet kinilig si sha.!

Tumango nalang si sha. Sabi na e. Di makasalita pag si Rove e. !

   Di ko maiwasang lumingon sa kanan . Sumasakit kasi ang leeg ko. Napatingin ako kay Montecil na mukhang malalim ang iniisip. Hmmm? May problema ba to??
Bigla naman siyamg tumingin. Oooops. Nahalata niya ata. Iniba ko ang tingin ko at tumingin kila Kirk at Bolt na busy sa cellphone.

Maya maya kinalabit ako ni Montecil.
Lumingon ako sakanya.

"Ow?" Pagtataray ko. Inis pa din ako sa sinabi niya kanina.  Ha! Ano ka ngayon? Kala ko ba siga ka?

Para naman itong nahiya. At parang nagdadalawang isip kung itutuloy ang sasabihin o hindi.

"Ahm. Yung apple?" Biglang banggit nito. Yung apple? Yung binigay niya? Hinihingi niya ba? Or ano?

"Anong apple?" tinaas ko pa lalo ang kilay ko. Bahala ka jan!

"Kinain mo?" Tanong nito. Aahhhhh?? So tinatanong niya kung kinain ko? Dahil inis ako sayo Mr. Montecil babawi ako.

Tumingin naman ako sakanya , which is wrong move dahil mas lalo kong nakita ang mukha niya ! Na kahit may pasa sa pisngi" ehem!" Gwapo padin! tapos yung mata niya brown! Edi ikaw na may lahi.
Teka? Pinupuri ko ba siya!!! NO di pwede!
Si Dwayne lang! Kay Dwayne lang ako! Kahit wala na kami. Si Dwayne padin. Bigla akong nalungkot at napayuko.

"Xena,kinain mo??" Tanong ulit nito.
Tumingin ako sakanya at ngumiti.
"Hindi e, binigay ko." Bigla naman lumungkot ang mukha niya  at bigla siyang tumayo.

"Lets go" pagtawag ni Montecil  kila Conrad.

"Already?maya na." Pag hirit ni Conrad.
Pero mukhang badtrip talga si Montecil at di na siya mapipigilan.
"I said , lets go." Sabi nito sa ma awtoridad na tono. Hmmm. Badtrip nga.
Sumunod naman sila kay Montecil.

Bigla namang dumating ang sundo ni Sha pero bago ako makapasok sa sasakyan ay nakita ko pang sinipa ni Montecil ang trash can sa tabi kaya nabuhos ang laman nito . Tsk. Moody. Biglang nabadtrip.

Napailing nalang ako.


---------

M.I.N.ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon