Xena's Pov:
Huminto kami sa tapat ng Mansion nila Sha, dito sa isa sa mga subdivisions di kalayuan sa Norman High, kung saan kami nag aaral.
Pagbaba namin ay sinalubong kami ng mga maids, yes with 's' dahil super dami , gusto kasi ng mama ni sha para daw may mag asikaso ng lahat ng bagay , gusto niyang nasa ayos lahat, actually kung ano ang kina ingay ni sha ay siya din namang kinaingay ng mommy niya kaya lang hahaha sa papa niya kasi talaga siya nagmana.
nakalinya sila sa gilid at sabay sabay kaming binati .
Nginitian lang namin ang mga maid.
Nilibot ko ang tingin sa paligid , hmm ? Mukhang may pinabago nanaman ang mommy ni sha , kung dati blue ang theme ngayon red na ."Upo muna kayo , tatawagin ko lang si mommy"
Umupo naman kami ni rein sa sofa.
Tinignan ko si Rein, mukhang naiinis siya sa pangungulit ni sha kanina. Hindi ko siya masisisi mapilit kasi talaga si sha hahaha."Mom!" Sigaw ni sha. Ayy! Akala ko naman pupuntahan niya.
grabe ang lakas ng boses nag e- echo, for sure maririnig na siya niyan.
Napatakip nalang ako ng tainga ."Mom!! Were here!" Ouch!! Ang lakas ng boses! Dapat pinatawag niya na lang.
"Ingay" sabat ni rein.
Sinamaan naman siya ng tingin ni sha. Ahhaha. Ang ingay naman kasi.Maya maya narinig namin ang malakas na tunog ng takong , patakbong pumunta sa amin ang mama ni sha.
"Mom!ano nanaman ang trip mo?"sita ni sha sa soot ng mommy niya .
Tinignan namin si tita Suzy at nga nga talaga .
"Why whats wrong sweetie?" Sabay beso kay sha.
Well wala naman sigurong mali kung naka red high heels ka , red curly hair, off shoulder red dress, red lipstick and red handkerchief ka sa loob ng bahay diba??wala naman diba?
"Mom! Ano nanaman ang pinag awayan niyo ni daddy??"
Tumaas ang kilay ni sha .Napapunas naman ang mommy ni sha ng kanyang mata kahit wala namang luha.
Bagay naman kay tita ang outfit niya hindi halatang nasa late 40's na siya dahil maganda at sexy pa din si tita."Kasi ang daddy mo ! Nagpaalam sabi niya may pupuntahan daw siya urgent meeting with the client daw , kaya sinundan ko! "Pag kwento ni tita suzy.
"And then?" Naka halukipkip si sha at naghihintay ng kwento.
"And then, nakita ko he's with someone!. A Woman in red dress! They were smiling at each other.!" Hysterical na pagkwento ni tita.
Napangiti nalang kami ni rein sa tabi , hindi na bago ito kay sha dahil ganyan talaga si tita , susundan si tito and then magdadrama.
"Mom! Grabe ka talaga. Nag hinala ka nanaman kay daddy , so kaya pala pure red ka? Ginaya mo yung babaeng kasama ni daddy tapos dinamay mo pa ang bahay." Pagsermon ni sha sa mommy niya.
"Well, i love Red , kaya pinapalitan ko lahat."
Pagdadahilan ni tita at lumingon sa amin.
"Oh dear ! Nandito pala ang dalawa kong paboritong anak ! " bati ni tita samin ng nakangiti at niyakap kami ni Rein.
Umirap nalang si sha sa sinabi ng mama niya at umupo sa sofa.
Lagi kaming sinasabi ni tita na kami ang paborito niya next to sha.
"Natural mom! Sila lang ang kaibigan ko !"napatawa nalang kami sa sinabi ni sha.
"Hmp! Wag niyong pansinin yan si Sha , bitter lang yan kasi mas maganda ako sakanya. Right girls?" Sabay hila samin ni Rein papunta sa second floor.
"Wait! sa pagkaka alam ko bisita ko sila Mom! " pag apila ni sha at hinila kami pataas.
Wala ng nagawa ang mommy ni sha kahit habulin pa kami dahil ni lock agad ni sha ang pintuan ng kwarto niya.
"Haaay! Si Mommy talaga! Super kulet! " dumiretso si sha sa kama at humiga.
Ginaya naman namin siya ni rein. Haaay gusto ko ng matulog.
"Hayaan mo na ang Mommy mo , buti nga at nakakapag usap kayo ng ganyan. Swerte ka. "pag kontra ko.
Ngumiti na lang siya sa akin .
"Parehong makulit." Komento ni Rein at hinubad ang kanyang sapatos
Nagtanggal na din kami ng sapatos ni sha.
"Tok "tok" tok"
"Sweetie! Papasukin mo si Mommy! Join ako!" Si tita, ang kulit lang talaga
"Mom! Stop it! Teenager lang pwede dito!" Sigaw ni sha pabalik habang nagtatanggal ng damit.
"What!? Mukha naman akong Teenager ah?" Patuloy pa din sa pagkatok si tita.
"Una na ko sa C.R." at pumasok na si Rein sa loob . Nautakan kami non ah!
"Mom! Seriously ? Ang kulit mo po!!" ang ingay nilang dalawa pag nagsama. Siguro walang multo dito kasi kahit sila hindi kinakaya ang ingay nila.
Nilabas ni sha ang phone niya at may tinawagan.
"Dad ! " mukhang alam ko na kung bakit niya tinawagan si tito William.
"Where are you? Hmmm yes! Si Mommy ! "
"Sweetiee!" Patuloy pa rin sa pagtawag si tita.
"Dad! I need you here now, ang kulit ni mommy! Okay dad . Thankyouu . I love you! Bye! Ingat sa pag drive!" Mukhang pinauwi niya agad si tito.
" Im done" tapos na naligo si Rein .
"Next na ako , umiinit ang ulo ko kay mommy e, ikaw na muna bahala , basta wag mo papasukin ah Xena? Loveyouuu!" Sumibat na siya. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
"Mam Suzy andyan na po si sir William hinahanap po kayo."
Narinig kong sabi ng maid."Oh? Ang aga yata niya? Sige baba na ako. !" At narinig ko ngang nagmamadaling bumaba si Tita Suzy.
"Xena , ligo kana. Papadala na lang ako ng dinner natin and snacks"
Sabi ni sha habang nag susuklay at tumabi kay siya na nakahiga sa kama."Sige lang" nagtungo na ako sa banyo at naligo. Naiinggit ako kay sha dahil meron siyang mga magulang na nagmamahal sa kanya , may magulang naman ako pero hindi ko madama na mahal nila ako , feeling ko ang malas malas ko. Di swerte sa pamilya sawi pa sa pag ibig. Haaay!
Pinikit ko nalang ang mata ko at nagbabad sa baththub. No negative thoughts please!! Sabi ko nalang sa isip ko

BINABASA MO ANG
M.I.N.E
Historia CortaAnong mangyayari sayo kung sinaktan ka ng taong mahal mo? SOBRA SOBRA. A. Iiyak gabi gabi hanggang maging losyang. B. Magmamaka awang makipagbalikan sakanya. C. Magpapakamatay. Actually wala jan sa tatlong yan.Si Xena na kung dati ay sobrang bait ,n...