"You look hot when your angry Xena"
Kanina pa paulit ulit yang mga salitang yan sa isip ko hindi na nga ako nakaidlip.nakakabigla na kinausap niya ako ng ganon.
Pero hindi ko dapat iniisip yang sinabi niya knowing Montecil loko loko yun , mahilig mantrip at mang asar.
Not a big deal."Uy xena!" Pag tawag ni sha sa akin na may kasamang pitik sa tenga ko.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya napalingon ako.
"Kanina ka pa tulala jan . Galawin mo naman yung food oh." Turo ni sha sa pagkain na binili nila sakin.
"Hmm"sagot ko nalang at kinain ang pagkain , wala pa din talaga akong gana. Pero pinilit ko pa ding kumain dahil nakakhiya naman kay sha baka magdrama.
Napatingin ako sa phone ko ng mag vibrate ito , hindi ko naman sinasadyang isipin na baka si dwayne ang nagtext kaya lang ang hirap, kasi dati lagi niya akong pinapaalalahanan na kumain.
Binasa ko ang text at galing ito kay mamang sinasabi na umuwi daw ang parents ko ngayon.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na umuwi sila . Wala din namang pinagbago dedma pa din naman ako pag dating sa kanila sanay na din naman akong mag isa.
Napasimangot na lang ako at nireplyan si mamang ng okay at salamat.
Nag ring ang bell hudyat na tapos na ang break kaya nag si pasukan na ang mga kaklase namin.
napatingin ako banda sa pinto at sakto namang dumating ang grupo ni Montecil kaya nag iwas agad ako ng tingin.
Napailing ako. Hindi dapat ako maging apektado. Its just a word Xena.Saktong pagdating naman ni Sir Martin kaya tumahimik na sila.
Pano ba namang hindi ? Ang gwapo ni sir Martin kaya naman talagang papansin yung iba at may pa behave behave pang nalalaman."Goodmorning!" Bati samin ni sir martin.
Tumili naman ng mahina yung ibang kaklase ko na may gusto kay sir."Sir ! Sana kayo nalang po ang teacher sa lahat ng subjects!" Banat nung isa naming kaklase sa may likod with matching kindat pa. Ewww . Arte mo te.
Napatawa naman si sir. Sanay na siya . Tuwing papasok siya laging may humihirit ng kung ano ano.
Napatawa nalang si sir sa iba naming kaklase na nag iingay. Tignan niyo 30 minutes na ang nasayang.
"Bakit hindi nyo gayahin si Xena? Tahimik lang" bigla kong narinig ang pangalan ko kasabay ng pag siko ni rein sa akin na nasa kanan ko.
Tumingin lang ako sa paligid at nakatingin sila sa akin napatingin din ako kay sir kaya nakita kong nakangiti siya sa akin.
Nagsitahimik naman sila. Kaya nag umpisa ng magturo si sir.
nakita ko pang may umirap sakin. As if naman na may ginawa ako sakanila.ilalabas ko na sana ang notebook ko ng may tumamang papel sa mukha ko.
Uminit ang ulo ko . Mukha ba akong tapunan ng papel? Luminga linga ako sa paligid at tinitignan kung sino ang posibleng siraulo ang magtatapon ng papel sa mukha ko pero wala namang nakatingin.Kinalabit ako ni rein kaya lumingon ako sakanya at meron siyang tinuturo sakin kaya tinignan ko kung sino.
"Tinapon niya."simpleng sabi ji rein na nakaturo pa din kay Montecil.Tumango naman ako.
Tinapon ko pabalik kay montecil ang papel habang nakatalikod si sir tumama ito sa ulo niya.
napalingon siya sa akin at pinakita ko ang kamao ko sakanya. Sana nakuha niya ang mensahe kundi tatamaan siya sakin.Binalik ko ang tingin ko sa notebook ko ng may tumama nanamn na papel sa mukha ko. This time masama na talaga ang tingin ko sakanya.
Sumenyas siya na basahin ko daw ang nakasulat sa papel, para matapos na inis kong binuksan ang papel"Don't go near him" yun ang nakasulat sa papel kaya naguluhan ako.
Binaling ko ang tingin sakanya at tinuro si sir meaning si sir ang tinutukoy niya.
Lakas talaga ng sira nito. Sinulatan ko naman ang papel ng" sir Martin hart hart." Para mainis siya.
Abnormal pati teacher pinatitripan.
Hinagis ko sakanya pabalik at di siya pinansin ng binato niya ulit ito pabalik sakin.
Hmp manigas ka jan. Laki ng problema mo.may saltik!
Nakadalawang ulit niya pa ako ulit binato ng marinig namin ang pag sara ng pinto.
Nag walk out si Montecil , nagbulong bulungan naman ang mga kaklase namin at nagtanungan kung san siya pupunta.Tinawag pa siya ni sir pero knowing him hindi magpapapigil yun , anak ba naman kasi ng may ari ng school kaya takot lang nila kung kokontrahin nila kaya naman nag patuloy na lang si sir sa pagtuturo.
Nilingon ko ang mga kaibigan niya at pare pareho silang nakangisi sa akin.
Bakit?What the hell did i do?
BINABASA MO ANG
M.I.N.E
ContoAnong mangyayari sayo kung sinaktan ka ng taong mahal mo? SOBRA SOBRA. A. Iiyak gabi gabi hanggang maging losyang. B. Magmamaka awang makipagbalikan sakanya. C. Magpapakamatay. Actually wala jan sa tatlong yan.Si Xena na kung dati ay sobrang bait ,n...