Pumasok kami sa room at nag start na ang klase , ayoko pa sana pumasok kaya lang hindi pwedeng lagi akong mag absent baka bumagsak ako.
Nag umpisa na si Mam.Verna magturo ng English.
Tinignan ko ang phone ko. Wala talaga akong lakas ng loob buksan ito. Haaaaay.
Siniko ako ni Rein."Xena , makinig ka . Wag ka na mag isip ng kung ano ano okay?" Sabi niya sa akin
Tumango naman ako. Tama si Rein. Kailangan ko makinig. Ayoko ma stress.
Tumingin naman ako sa blackboard at nagsimulang makinig. 30 minutes siguro akong nakatingin kay mam. Nakatingin lang! Talagang walang papasok sa isip ko nito!!
Maya maya may narinig kaming parang nag-aaway sa labas. Tsk. Away nanaman.nasisira ang image ng school sa mga taong basagulero.
Lumabas si mam para sitahin ang mga ito.
"Mr. Montecil! Ikaw nanaman? Nag umpisa ka nanaman ng gulo. Halika sumama ka sakin sa Office NOW.! " utos ni Mam Verna..
Nakuha naman nito ang atensiyon ng mga kaklase ko.
"Ang Hot niya kahit bad boy!" Tili nung isa.
"Tama! Argh! Isnabero nga lang! " komento naman nung isa.
"Matagal ko na siyang crush . Kaya lang mailap e." Sabi naman nung isa.Tsk. Malandi. Mag aral na lang kayo buti pa!
Yumuko nalang ako at pumikit. Tsk. Sakit talaga sa ulo yang taong yan. Hindi na nga pumasok . Nakipag away pa. Tsk.
Tamad pa, pano nila nagugustuhan ang ganyang klaseng tao?
BINABASA MO ANG
M.I.N.E
Historia CortaAnong mangyayari sayo kung sinaktan ka ng taong mahal mo? SOBRA SOBRA. A. Iiyak gabi gabi hanggang maging losyang. B. Magmamaka awang makipagbalikan sakanya. C. Magpapakamatay. Actually wala jan sa tatlong yan.Si Xena na kung dati ay sobrang bait ,n...