"Xena come here! " sigaw ni sha sa akin pano kasi nagbibihis pa ako at sila nandon na sa kama. kanina pa siya sigaw ng sigaw ang sarap naman kasing magbabad sa thub.
"Sandali eto na!"patakbo akong pumunta sa kama at dumapa.
"Kahit kelan talaga Xena , pagong ka" grabe . Tanggap ko naman yun hahaha. Since Birth.
"Edi pagong! Magandang pagong kamo! Hahaha" kala nyo ah?
"pinaganda pa eh" komento ni Rein . Kontra nalang sa lahat .
"Eh maganda kasi talaga ako! Hahah"pagpupumilit ko
"Sige na. Maganda na mamaya magwala ka pa jan pag hindi ka pinagbigyan e hahahah!" Pag sang ayon na lang ni Sha at umupo sa kama.
"Sa Ganda mong yan nagawa ka pang iwan ni Dwayne I wonder why? Mabait ka , matalino , pagong nga lang pero diba? Ang weird? Sa tagal niyo ni Dwayne kilala na natin siya! Okay siya sa atin. Pero bakit? Anong dahilan di ko magets!" Dagdag ni sha.
Napayuko na lang ako kasi maski ako hindi ko alam kung anong dahilan niya , kung may nagawa ba ako? Or ayaw niya na talaga hindi ko masagot!
"Pero ang kapal niya! Nagawa niya sayo to! asan ang pangako niya "Xena tayo lang talaga. Mahal na mahal kita!" Tsk kumag! Walang hiya. Pag nakita ko siya kakalbuhin ko siya!" Hindi ako makapagsalita at nakikinig lang.
Hinawakan ni rein ang kamay ko.
"Basta Xena , nandito lang kami , makakalimutan mo din siya . Marami pang iba jan na mas deserving kesa sakanya .maniwala ka. " makahulugang sambit ni Rein sakin.
Nginitian ko lang siya."Hmp! Sino naman? Ah basta! Hindi ko mapapatawad si Dwayne!" Napatayo si sha at umaktong nakasuntok .hahahaa loko talaga to!
"Wag mo naman saktan yung tao. Hayaan na natin."hindi ko kayang makitang nasasaktan siya.
Napaupo naman si sha.
"Tignan mo pinagtatanggol mo pa! Ikaw na nga ang sinaktan eh!" Napangiti ako napaka protective talaga ni sha.
"Masamang manakit sha, ikaw talaga. " napatawa ako ng bahagya dahil sa sinabi ko. Wow lang xena sayo pa nanggaling yan! Ikaw na nga ang nasaktan eh! Martir ka! Haaaay! Edi martir!
"Di bale kung sasaktan ko man si Dwayne hindi ko ipapa alam sayo no!"at nag evil laugh si sha.
"ang sama."komento ko.
"Siya ang masama dahil sinaktan ka niya! Wala manlang valid reason? Yun na yun! Lokohin niya lelang niya . Di ako uto -uto! Baka may iba yun Xena!! Or baka naman may nabuntis siya! Diba ganong minsan ang nangyayari? "
"Kung ano ano pumapasok sa isip mo sha!"kontra ni Rein
"Ah! Hindi pwede sakin to! Sinaktan ka niya kaya hindi ako mananahimik! Aalamin ko ang katotohanan!" Kahit ako gusto ko malaman , kaya lang natatakot akk malaman ang dahilan.
Napailing na lng si Rein.
"Mam Sha? Eto na po ang dinner!" Biglang kumatok ang isa sa mga maid kaya huminto muna kami sa pag uusap.
"Pasok po! Palagay na lang po jan sa mesa , salamat po!"
Tara kain muna tayo.
Naunang pumunta si sha sa mini table kasya kaming tatlo .Tinapik naman ako ni Rein.
"Smile Xena ! Papangit ka niyan sige ka" so nakasibangot pala ako?
Sumunod naman ako sakanila at kumain na din.
-----------------
9:00 pm na nung natapos kaming kumain.
"Buuurp! Haha excuse me! " halatang nabusog si Rein hahaha.
"Okay! Back to work!" Inakbayan kami ni sha at nag injan seat sa kama.
"San na ba tayo?" Tanong ni sha.
Doon sa part na gusto mong saktan si Dwayne." Dirediretsong sabi ni Rein."Oh! Right! But first Give me your phone." Umiling naman ako. No ayoko!
"Xena , ang kulit oh! "Nilahad niya at hinihintay na ibigay ko ito.
"Bakit ayaw mo? May gagawin lang ako para sayo to" nako nalintikan na .
Tinitignan ko si rein at humihingi ng tulong.
Tumawa lang siya at kumindat.
Wala na akong nagawa ng kunin ni Sha sa bulsa ko ang phone ko. No! Anong gagawin nila?dumapa naman sila kaya nakidapa din ako. Tinignan ko kung ano ang ginagawa nila.
Pumunta sa messages.
Wag mong sabihing buburahin nila ang text ni Dwayne? NO!!Bigla kong hinablot ang phone ko at mabilis na tumakbo paalis sa kama kaya lang hinila ni rein ang paa ko kaya na tapon ko ang phone na nasalo naman ni sha.
"Not so fast Xena" sabi ni sha..grabe sila.
"Importante yang mga text . Wag yan""Para din sayo to, aalisin lang natin si Dwayne sa buhay mo at uumpisa natin dito sa phone mo " ngiting ngiti siya sinabi niya.
Tumatango lang si Rein sa sinasabi ni sha.
I know na dadating sa point na ganyang ang mangyayari pero sa ngayon hindi ko pa kaya ! Na sobrang sakit isipin na kahit messages niya, pictures namin and even his number mawawala. Not now.
"Hawakan mo si Xena"huh?
Lumapit si rein sakin at hinawakan nga ako."Oy! Bakit may dahas? "Pag angal ko
"Wala ! Para lang masaya hahaha! Okay ang uunahin natin ay....mga messages! Yeheeey! Ilove this!!" Tuwang tuwa talaga siya sa ginagawa niya.
"Hay nako! Kayo talaga! Buburahin ko din naman yan e! " sigaw ko kay sha na abala sa pagbubura.
"Kelan pa? Baka nga i preserve mo pa tong phone mo e sa dami ng memories nyo hahaha"
"Soon!" Pasigaw ko .buburahin ko naman kasi talaga.
"Hahahahha, buburahin din naman pala bakit hindi pa ngayon? Pareho lang yan "pinagpatuloy nya na ang pagbubura
"Xena grabe ka oh, pati to tinago mo? Kahit goodnight? Wala kang patawad ! Hindi binibigyan ng halaga ang isang taong sinaktan ka. Hmp! Delete! Delete! Ang kapal kala mo kung sinong sweet ! yun pala iiwan ka lang! Niligaw ligawan pa kami para mapasagot ka tapos gagawa ng kalokohan! " ayan! Nagsermon na.
"Ayan! Tapos na! Wala ng message. Hmm? Next is mga pictures! Hindi ka dapat nagtatago ng picture nyo ng unggoy na yun! Past is past! Hmp! Delete! Ano to? May pout pout ka pang nalalaman dwayne? Papakulam kita jan e! Sinaktan mo ang kaibigan ko! Kaya buburahin na kitaaa!!!! Aaaaaaah!!!" Kawawa naman ang phone ko. Walang kalaban laban.
"Tapos na! Sige na bitiwan mo na sya Rein. Haaaay! Ang gaan sa pakiramdam diba Xena? Haaaay" wala na. Wala ng texts wala ng pictures.
Binitiwan naman ako ni rein.
Humiga kaming tatlo sa kama at binalik ni Sha ang phone ko."ayan! Brand new phone!"ngiting ngiti niyang sabi at inabot ang phone sakin.
Ilang minutong katahimikan.
"Grabe! Kahit ganyan kayo , mahal ko kayong dalawa at salamat at lagi kayong nandyan" naiiyak kong sabi at nilingon nila ako .
"Syempre! Magkakapatid na tayo eh!"banggit ni rein
"Kaya nga sala-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dinag anan na nila akong dalawa. Tawa sila ng tawa sa ginawa nila.
"Araaay!"daing ko
Mga Sadista!
![](https://img.wattpad.com/cover/33699928-288-k598536.jpg)
BINABASA MO ANG
M.I.N.E
NouvellesAnong mangyayari sayo kung sinaktan ka ng taong mahal mo? SOBRA SOBRA. A. Iiyak gabi gabi hanggang maging losyang. B. Magmamaka awang makipagbalikan sakanya. C. Magpapakamatay. Actually wala jan sa tatlong yan.Si Xena na kung dati ay sobrang bait ,n...