Chapter 3 : Her family

127 7 1
                                    

Sometimes being a brother is even better than being a superhero.

~Marc Brown

---------------

"Todaaay is a new daaaay!"pag bangon na pagbangon ko yan ang sinabi ko sa sarili ko. #Newday #NewMe.

"Baby Xay xay ! Dun ka muna kay mamang ha?? Maliligo lng si momziiiiee! Okayyy???" Hahahah . Nagising sya sa sigaw ko. Nakakatuwa ang itsura nya. Haha. Nakakawala tlga ng stress pag may pet ka.:)))

"Mamang!! Jan po muna sa inyo si Baby Xay ,maliligo lng po ako at bka malate ako sa pag pasok" sabi ko pag kapindot ng intercom dito sa bahay.

Nagdiretso na ko sa C.r at nagpaganda kahit di na kailangan dahil maganda naman talaga ako. Haha.kaya nga di ko maisip kung bkit kmi nag break ni Dwayne.Hindi lng naman ako maganda ,mabait,sweet caring ,matalino. Nagkulang ba ako??

Binigay ko namn lahat pero "that thing" NO! 17 plang ako no! At alam kong mahal nya ko at makakapaghintay sya kaya hindi ko tlga alam kung ano ang mali.

Dahil hindi ko alam ang dahilan nya madaming tumatakbo sa isip ko"May iba na kaya sya?" Ang hirap nga namn tlga ng long distance relationship.Sana namn may valid reason sya , dahil nakasakit sya.

"Xena?anak?"tawag ni mamang sa labas ng kwarto ko.

"Mamang lena pasok po kyo."tumayo ako at pinagbuksan sya ng pinto.

"Xena hindi ka kumain kagabi.anong problema??"tanong nya ng may bahid na pag aalala . Alam kong nararamdaman nyang may problema,Si mamang Lena ay matagal ng naninilbihan sa amin simula plng ng bata pa si papa .Mas close kmi kesa sa mga magulang ko , malayo kasi ang loob ko sakanila buti nlng may nakakausap at nakakasundo ako dito sa bahay.

Minsan kasi wala si mommy at daddy dito , kung andito man walang ibang ginawa kundi mag away .nakakasawa na. Minsan nga sinubukan ko ng maglayas pero inisip ko pa din sila na baka mag alala sila kaya hindi ko tinuloy , kaya din umalis si kuya Damian at pumunta ng paris dahil nagsasawa na sya dito sa bahay .kahit miss na miss ko na sya wala akong magagawa kunndi maghintay kung kelan nya ulit ako mabibisita.

"Mamang , wala po okay lng po tlga ako"bingyan ko sya ng ngiti upang mapanatag ang loob nya na okay lng ako, na magiging okay din ako.

"Anak, kung di mo pa kayang sabihin andito lang ako palagi, pwede mo kong kausapin at yakapin tandaan mo xena mahal ka ni mamang" at niyakap ako ng mahigpit . Ayoko tlgang tinatawag nya kong anak dahil naiiyak lng ako ng husto .Kahinaan ko tlga ang pag tawag nya sakin ng anak na kahit kailan hindi ko narinig sa mga magulang ko sya lng ang nagparamdam ng pagmamahal sa akin. Kaya namn mahal na mahal ko din ang mamang lena ko.

Dahil sa pag yakap nya sakin bumuhos na ang luhang matagal ko ng pinipigilan at iniiwasan. Walang nagawa si yaya lena kundi ang yakapin ako at sabihan ng paulit ulit na mahal nya ako.

~

Hello readers!

Okay po ba??

Sensya sa mga errors ^_^

Votes ang comments are accepted.

Thankyouuuu:*

M.I.N.ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon