Six (6)

113 2 0
                                    

IRENE BAE TAN



"Okay kana, Ma'am de Zobel?" Tanong ko paglabas niya ng banyo. Nakabihis na rin ito. Pagtulog niya kasi kagabi ay pinalaudry ko sa baba ang damit niya, saka ko tinapos ang mga kailangan kong tapusin.

"A bit pero kaya ko na. Salamat sa pag-asikaso Ma'am Tan. Makakabawi din ako sayo." Ngiting ngiti na wika niya.

"Okay lang, kahit naman sino ay gagawin ko yun." Napataas ang kilay niya na saktong pagbangon ko, at agarang papunta na sa banyo.

"Sa pagkakaalam ko hindi ka naman ganon kalapit kapag bagong kakilala mo. Pero, salamat pa rin."

"No worries. Mauna kana po sa baba ma'am." Sabi ko bago pa ako nagtuloy sa loob at naligo na. Mabilis lang din akong natapos dahil ayokong malate, last day na rin naman.

"Oh - - nan - nandito ka pa pala, Madam. A - Akala ko - " Gulat na kumento ko. Natanawan ko kasi siya sa reflection ng salamin. Nakarobe lang ako, at walang kahit ano sa loob kaya parang ramdam ko, at nanunuot sa loob ko ang paraan ng titig niya

"Sabay na tayo." Malumanay na sabi sabay tingin sa relo niya. "Maaga pa naman."

"Sige. Magbibihis lang po muna ako, Ma'am." Mabilisang dinampot ko ang mga damit ko sa kama saka nagbihis na sa banyo.

"Ano ba yan! Hindi pa kasi siya mauna." Palatak ko sa sarili bago tuluyang lumabas. Dere deretso at tahimik lang akong nag-ayos kahit ramdam ko pa rin ang pagsunod ng mga titig niya. Nakakaba s3z. King inamess!

"Tara na po." Tahimik kaming lulan ng elevator. Swerte nalang at wala kaming nakakasabay na taga division namin. Puro lang taga ibang region pero kilala parin naman siya, panay nga ang pacute ng mga batang guro sakanya.

"Oh - -." Gulat na nakatingin at ang kamay ay nasa bibig pa na sabi ni Rosé. Napaka arte talaga. "San kayo galing ha?"

"Tinatawagan kita kagabi, Lis. Anong nangyare at ganyan ang itsura mo?" Worried na bulong naman ni Jennie. Buti pa tong isa marunong makiramdam.

"Natulog ako sa kwarto ni Ma'am T -."

"Ohmygosh." Konti nalang talaga at masasabunutan ko na tong si Rosé sa pagiging exaggerated niya.

"Naulanan kami kagabi. Nilagnat siya kaya pinatulog ko nalang muna sa kwarto. Sabi niya okay na siya, kaya eto pumasok na. Matigas ang ulo niya kaya hindi na ako nangielam." Sabi ko saka iniwan sila. Kumuha nalang ako ng pagkain dahil mainit ang ulo ko kapag kulang ang tulog ko.

"Ate, napuyat ka?" Bulong ni Rosé na may halong pang-aasar ang boses. Hindi ko na rin naiwasan na irapan siya bagay na lalong ikinatawa niya

"Rosé..." Tipid na sabi ko. Sakto namang Nag umpisa na rin na magdiscuss ang resource speaker namin kaya hindi na rin siguro siya nakapagsalita pa.

"Ate, ang tahimik mo." Maya ay bulong niya.

"Nakikinig ako. Makinig ka rin, at para hindi ka puro text jan." Seryosong sabi ko pero naglabas din ako ng phone. At ayon na nga, ang daming message galing sa iba't ibang GC.

From : BiTCHESSAest'15

Ligaya : Anong oras uwi niyo? Sunduin namin kayo?

Yerim : parang may sasakyan ah. Hahahaha

Ligaya : makikisakay lang tayo. Wag kang sasama ha! 😜

Seulgi : Tara. Sunduin natin si Irene. Si Rosé panigurado namang sasabay yan kay Ma'am Jisoo.

Jennie : Ako susundo kay Irene 🙄

Wendy : Itanong niyo muna kung magpapasundo ba. Desisyon kayo mga cysts?

BEYOND ATTACHED ¦ LisRene ¦Where stories live. Discover now