IRENE BAE TAN
From : Solace 🌹🌷
Goodmorning, Aly! Nasa farm kana?To : Solace 🌹🌷
Kararating ko lang. Goodmorning, Solace! You're not busy today?From : Solace 🌹🌷
Nope. Natapos na ung shoot kahapon. Nakakaistorbo ba ako?To : Solace 🌹🌷
Hindi ka naman istorbo. Magrereply ako as soon as okay na yung ginagawa dito sa farm. 😊 And, you should sleep and rest.From : Solace 🌹🌷
Sige, if hindi ako makareply kaagad, tawag ka. Mag breakfast na rin, huwag magpapalipas. 😉😚Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Psh!
"ATE IRENEEEEEEE!!!" Napalingon ako kung sino ang nagsusumigaw sa paparating na sasakyan. Maaga kasi akong umalis dahil sa nagpapatanim ako ngayon, nagdala rin kasi ako ng pang almusal nila.
Of course, kung gusto mo ng maayos na kasama sa farm, you need to take care of them. Ayaw pa nga ako payagan ni nanay kanina dahil daw may bisita ako, pero sabi ko sasaglit lang ako at makakauwi bago pa man sila magising.
"Iniwan mo kami. Pwede mo naman kaming isama dito. Maaga naman kaming nagigising." May himig ng pagtatampo na sabi ni Seulgi, sabay akbay sakin.
"Oo nga, nasanay na kami last week kaya dapat sinabihan mo pa rin kami. Iba naman ung pagtatanim at paghaharvest." Patuloy pa ni Wendy na siyang ikinatango nilang lahat.
Eto na naman sila, halos isang linggo na rin kasi sila rito. Dito nalang daw muna sila dahil nga bakasyon daw nila. Ayoko naman na mapagod sila kasi nga nandito sila to rest and unwind kaso alam niyo un, ang kukulit. Laging sumasama kung saan ako pumunta.
"Kasi diba nga nandito kayo to rest. Magiging busy na kayo ulit pagbalik niyo sa work." Sabi ko sabay nagpakawala ng buntong hininga. "Tara na, maaga pa. Umuwi na tayo para makapag-almusal tayo."
"Ate, can't you see our clothes? We're here to help. Like duh?" Napaka-arteng sabi ni Jennie tsaka sila nagpakawala ng napakalakas na tawa. Dun ko lang din napansin ang mga suot nila. Sweat pants, Tee shirt at aba, nakatsinelas pa. Parang hindi na ata ako sanay na makita silang ganito kasimple.
"Okay, pero saglit lang tayo. Bawal kayong masikatan ng araw, mangingitim kayo." Wala na akong nagawa kundi pabayaan sila dahil nag unahan na tumapak sa lupa at nagkanya kanya ng lakad papunta sa mga tao ko na nagtatanim sa unahan. Ang kaso hindi pa sila nakakalayo sunod sunod na silang napapaupo o di kaya nadadapa sa putikan.
"Ate! Nalulunod ang paa ko." Natatawang sigaw ni Yeri kaya natawa nalang kaming lahat.
"Ate Irene, tulong!!!" Sigaw naman ni Joy na nahihirapan ng itaas ang mga paa niya. Natatawa man, dinaluhan ko na rin sila.
"Sabi kasing magpahinga nalang - - -." Napatigil ako sa sasabihin ng binato nila ako ng putik. Take note, sabay sabay kaya pinagbabato ko rin sila pabalik. Nagtakbuhan pa kamo kami at nagbatuhan ng ilang minuto. Inshort, naglaro lang kami at kita mo ngayon, naging taong putik kami.
"Grabe, pano natin to lalabhan ngayon?" Tawang tawa na komento ni Wendy habang tinitignan ang damit namin at unti unting tinatanggal ang putik sa buhok nito.
"Baka itapon nalang?" Jisoo na kanina pa pinapagpagan ang damit. "Don't get me wrong ah, ang daming putik. Masisira ang washing machine."
"Ako ng bahala mamaya. Siya, sa likod na tayo ng pick-up - -."
"Hey, ladies. Sakay na!" Sigaw ni Rosé, kaya pala wala ang gaga kasi kasama ang Suzy. Siya malamang ang sumundo sakanila.
"Gaano kasarap ang sakahan ni Irene, mga bata?" Tanong ni Suzy, at saka parang bata namang nagtatalon ang mga kasama ko. Ilang minuto lang din bago kami nakarating sa bahay.