Eight

102 5 3
                                    

IRENE BAE TAN


"Goodmorning, Kiesshooo." Gulat na gulat akong napalingon sa yumakap sa likod ko. Hindi kasi ako talaga sanay kahit pa sa mga kapatid ko.

"Nagluto na ako. Kumain kana doon." Kumunot ang noo niya tsaka tinignan isa isa ang mga papel na nasa study table ko.

"Ichecheck to lahat? Ang dami ha."

"Tapos na, irerecord ko nalang. Kape gusto mo?" Tanong ko bago tumayo papuntang sa counter. "3in1 lang meron ako ha."

"Oo okay lang, Ate. Sana pala bumili nalang din ako ng iba pang appliances kagabi." Sabi niya habang tinitignan isa isa ang mga gamit ko.

"Hindi ko naman kailangan. Tsaka magpapasikip lang yun dito. Knowing you, and your kaartehan, ewan ko nalang Suzy."

"Ako maarte? Si Ate Yuri - -."

"Bakit nabanggit na naman ang magandang pangalan ko?" Mapang asar na sagot niya. Hindi man lang namin namalayan na bumaba na pala ito. "Ang Sakit ng ulo ko!"

"Kasi Ate tignan mo nga ang mga gamit ni Ate Irene. Mga -."

"May condo naman kasi - -."

"Enough. May kasama pa kayong isa, baka marinig kayo."

"I totally forgot. Si bata ba hindi pa - -. " Tumaas ang kilay ko sa tawag niya. May sasabihin pa sana siya kung hindi namin nadinig ang yapag nitong pababa ng hagdan.

"Good - good morning." Bati nito saka niya ako tinitigan ng bahagya.

"We should eat. Nakapagluto na ako." Turo ko sa mesa, at sabay sabay pa silang napalingon don. "Go, dig in."

"How about you, Kieshoo?" Malambing na sabi ni Suzy na nakapagpalingon kay Ma'am sakin. Napangiti nalang ako, at tahimik na dumulog sa hapag.

"Kain na." Tahimik silang umupo at kumuha ng kanya kanyang pagkain dahil siguro sa hangover nila.

"Kiesho, walang coke?" Eto na naman si Coke. I sighed before smiling and smoothly caressed her hair.

"Magtubig ka. Puro coke at alak nalang iniinom mo." Sabad ni Ate Yuri bago ko pa man masabi ito na siyang ikinasimangot lalo ng isa. Natawa nalang kaming dalawa sa kaartehan niya. Bunso kasi e, kaya ganyan.

"How - how did you know each other? If you wouldn't mind me asking, Ma'am." Biglaang tanong ni Ma'am habang palipat lipat ang tingin saming tatlo. "Hindi ko alam na magkakakilala pala kayo. Are you blood-related?"

"She's our sister." Suzy proudly said, not until she realized maybe that people know nothing about me. "Sister-in-law."

"What - what do you - -."

"Suho's Wife." Gatong naman ni Yuri. Ewan ko kung papaniwalaan niya ito pero Halata naman sigurong magkakamukha kami diba? 

"I - I didn't know Ma'am Tan is married." Bulong niya tsaka ako ginawaran ng simpleng ngiti. At  dun na humagalpak ang dalawa ng pagkalakas lakas.

"You look so disappointed, babe." Puna ni Ate Yuri saka kumindat sakin ng nakakaloko. "Dito muna kami ha? Ang sakit ng ulo ko. Bukas na kami uuwi."

"Hmm. Ano pabang magagawa ko? Akin na muna ang mga susi niyo, ipa-park ko sa may court ang mga sasakyan niyo. Baka kasi makita ng iba, mamukhaan pa. Isasabay ko na rin ang paggrocery, maarte pa naman kayo sa pagkain." Litanya ko sabay lahad ng kamay ko sa mukha nila.

"Hindi ako maarte, Ate. Baka ung isa jan. Feeling healthy e." Bulong ni Suzy tsaka kami sabay na natawa.

"Maghugas kayo ng plato. At dapat walang mababasag na kahit anong gamit dito. "

BEYOND ATTACHED ¦ LisRene ¦Where stories live. Discover now