Four (4)

121 3 3
                                    

IRENE BAE TAN


I was on my way to the Division Office yet the traffic is really getting on my nerves. Commute lang kasi wala naman akong car. So, para mawala man lang ang inip at inis ko, nagbrowse nalang ako sa facebook. Pero ang yawa, puro campaigns parin ng mga pulitiko.

Ano pabang aasahan ko diba? Kalagitnaan ngaun ng campaigns nila. I sighed pero sa di malamang dahilan, binuksan at pinanood ko ung isa and suddenly I was emotional. And prayed that this coming election, walang gulo. Sa pamilya at sa mismong mga pulitiko.

"Ai, fan ka niya?" Biglang sumilip si Rosé, siya kasi ang partner ko ngayon. Pareho kaming under ng English Dept. Magkaiba lang ng grade level. I am in grade 7 while she's on grade 9. Sumabay siya sakin, kahit may sasakyan siya. Coding niya raw. If I know, baka tinatamad lang magdrive.

"Nanuod lang, fan na agad?" Taas kilay kong sumbat.

"Hindi ko alam na interesado ka pala. Marami nang issue yang pinapanood mo, corrupt daw. Mag next ka nalang bitch." Biro niya pero hindi ko maiwasang masaktan sa salita niya. Sabagay, may kanya kanya naman tayong komento sa lahat ng bagay. Beyond that, sana respetohan nalang.

" Uy joke lang yun. Whatever political views we have, wala namang magbabago. Walang siraan ng friendship." Tumango ako, sabay patay na sa phone ko. Itatago ko na sana kung hindi lang sa isang notif na nag appear, binasa ko lang dahil saktong pababa na rin naman kami ng jeep.

From : Lisa de Zobel
Where are you?

"Tara girl. Baka sa unahan na naman tayo paupuin." Hila ko skanya nang mapansin kong nahihiya siyang nakatingin sakin. "And for the record Rose Anne, I am not mad."

"Serious mo kasi."

"Alangan tumawa ako mag isa? Edi natakot ka naman." Natawa kami pareho sabay upo na rin sa bandang gitna ng conference hall. Para pag nagtawag ng recitation, tago agad. Charaught!

From : Lisa de Zobel
Aren't you attending the seminar, Ma'am Tan?

🙄🙄🙄 I saw your name on the master list.

You together with Ma'am Ortega.

Nilibot ko ang mata ko sa loob ng conference room ng maka receive ako ng sunod sunod na message galing kay Madam after non saka ako nagsend ng reply.

To : Lisa de Zobel
Nandito na po ako, Ma'am SDS. Middle part, then pinakadulo ng desk. Bakit po?

Ilang linggo na rin ang nakalipas noong nag officially getting to know kaming dalawa. And we were out for coffee for quite sometime now.

We were taking things smoothly yet ung sabi niyang di na raw sa chat or text, nako, maniwala kayo. Namimiss niya ako pag di niya ako kausap. Charaught!

From : Lisa de Zobel
Just checking. Enjoy and participate actively.

Saktong pagdukwang ni Rosé, siguro ay nabasa niya kasi kakaiba na naman ang ngitiian ng babaeng to.

"Close na kayo niyan?" Nang aasar na sabi sabay taas baba ng kilay nito.

"Getting to know pa nga raw." Sagot ko at nilabas ang laptop. Maliit lang naman to kaya safe. Kunware busy.

"Sideline?" I hummed then focused on the unfinished file I am checking. "Why? Kulang ba sahod?"

"Rose Ann, alam mo namang may pamilya akong sinusupport. Nagbabayad din ako ng renta, ilaw at tubig, grocery pa. Need ko ng ibang pagkakakitaan." Kaya ko naman yan bayaran gamit ang card pero mas gusto ung pinaghihirapan ko. Ung pagod ko mismo ang pang tustos ko sa sarili ko.

BEYOND ATTACHED ¦ LisRene ¦Where stories live. Discover now