One (1)

691 7 0
                                    

IRENE BAE TAN

"Oy, busy ka?" Siko sakin ni Joy, isa sa mga kaibigan ko dito sa pinagtuturuan kong eskwelahan. Matagal tagal narin kaming magkakaibigan simula nung bago akong pasok sa public school dito sa Metro Manila.

"Ano na naman ba yon?" Sagot ko habang pinapanood ang mga batang maya't maya ang balik sa loob ng canteen.

"Ay bat galit?" Natatawa at nang-aasar na komento naman ni Seulgi na kinatawa naming lahat.

"Napanood mo ba ung debate ng mga  president aspirants?" Tumaas ang kilay ko lalo na nung dumating ang isa ko pang kaibigan, si Wendy. Science Teacher din, gaya ni Joy.

"Napanood ko ung iba, hindi ko tinapos kasi nga nanood ako ng kdrama. Tinapos ko ung kdrama na sinimulan ko pa noong nakaraang buwan." Natatawang sagot ko pero ang totoo pinanood ko lahat ng entry nila. Tinatamad lang ako makipag-usap.

"Kdrama na naman?" Sabat agad ni Rosé na halos kararating lang at dala dala na ang lunchbox niya.

"Kesa naman pulitika?" Bahagyang tumaas ang kilay ko nung sabay sabay nila akong nilingon at tumawa ng malakas.

"Sus. Diba may lahi kang koreana?" Biglang tanong ni Yeri, Computer Teacher, at pinakabata saming lahat.

"Anong kinalaman niyan sa panonood ko ng Kdrama?"

"Ayan, ginagalit niyo na naman si Tan." Natatawang pang aasar ni Jennie, Filipino Teacher. O diba? Assorted kami. Kumbaga may mga representative sa lahat ng subjects.

"Siya, may klase na ako bitches." Pagkarinig ko ng bell, mabilis ko na ring iniwan sila. Iba iba kasi kami ng floor, nataon na sabay lang sa lunchtime namin.

"Turong turo? Hintayin mo ako, Irene. Same lang tayo ng floor."

"Bilisan mo. Baka gulo gulo na naman sila sa taas, matawag na naman tayo sa office ni Sir." Sabi ko saka sabay na natawa.

"Good afternoon, Ma'am Irene Bae!" Bati ng mga estusyante  pagkapasok ko ng classroom. Mataman ko silang tinignan bago nag ikot para tignan kung malinis ba kwarto o hindi.

"Good afternoon. You may take your seat." Bati ko pabalik at  ngumiti ng tipid. "Secretary?"

"Present po lahat ma'am. Wala na din pong naiwan sa baba, takot po sila." Natawa ako sa sagot ng bata na siyang dahilan ng pagtawa rin nila.

"Our lesson for today is about, Analogy. Last week, I told you to read in advance. Now, I want you to look at the board, read each words and analyze what possible word - -." Isang katok ang pumutol sa attensyon ko, at diko maiwasan na tignan ito ng seryoso.

"Good afternoon, Ma'am Irene! Sorry po to interrupt, pinatatawag po kayo ni Sir Dela Cruz." Pagtukoy nito sa aming Principal.

"Susunod ako." Sabi ko bago siya umalis. "President?"

"Yes po ma'am?"

"Eto ang groupings niyo ngayong araw. Eto na muna ang gawin ninyo habang hinihintay niyo ako. Huwag mo silang papalabasin, or hayaang mag ingay. Maliwanag?" Tango lang sinagot nito.

Isa sa pinakamagaling na klase at advisory class ito na nahawakan ko ngayong taon. Maliban sa sobrang kulit na halos mapigtas ang pasensiya ko, hindi ko parin maiwasan na matuwa skanila.

Independent na ang mga ito kahit grade 7 palang sila. Hindi na nga nila minsan kailangan ang tulong ko, at kadalasan pinapakita nalang nila kung ano ang napagdesisyonan nila.

"Behave ha? Babalik din ako kaagad." Saad ko ulit bago tuluyang bumaba sa office.

"Good afternoon Sir. Sorry po, may klase ako sa taas. Bakit po?" Magalang na tanong ko.

BEYOND ATTACHED ¦ LisRene ¦Where stories live. Discover now