Seven (7)

131 2 2
                                    

IRENE BAE TAN



"Ma'am, baka pwede makahiram ng projector mo?" Tila nahihiyang lapit ng co-teacher ko. Pano kasi halos sabay sabay lumingon ang mga tao dito sa loob ng faculty room, isama mo na rin ang mga nakangising mga kaibigan ko.

"May COT ka? Meron din kasi ako e. Sorry." Ngumiti lang siya at nagkamot ng ulo. May kuto ata. Charr! Totoo namang may COT ako ngayon, o mas kilala sa tawag na classroom observation. Minsan coordinator, or head teacher ang gumagawa nito. Minsan naman ay School Head or Principal.

"Bukas po sana ma'am. Inadvance ko lang." Pacute niya ulit na sabi.

"Okay, pakipaalala nalang what time para alam ko." Sagot ko sabay balik atensyon sa ginagawa ko. Nagsuot na rin ako ng earphone para walang istrobo.

Maya maya may sunod sunod na naman na notifications sa phone ko. Di na talaga natahimik ang groupchat namin. Hindi ko na muna punagtuunan ng pansin dahil need ko pang mag-ayos sa classroom.

"Tara. Buhatin ko na ung iba." Sa sobrang focus ko, halos mapasigaw ako dahil kay Seulgi.

"Ano ba Seulgi. Para kang ano." Napaikot tuloy ako ng mata na ikinatawa ng mga tropa ko.

" Kanina pa ako dito. Sino ba kasing iniisip mo?"

"Si ano yan." - Wendy

"Huwag niyong inaano yan. Magdedemo yan o. Pang division na yan." - Joy

"Gago. Tara na Seul. Bilisan mo." Nauna na ako bago pa ako malate. Baka mauna pa ang head teacher ko, malalagot na naman ako. Napaka strikto pa naman non.

"Anong oras daw aakyat si Ma'am Ongpauco?" Napataas ang kilay ko dahil sa tawag niya. Ngayon lang siya naging pormal, dati kasi ay Jessica lang ang tawag niya.

"Before class ko for sure. Why naman Ongpauco ang tawag mo? Binasted ka ni Kristal?" Pang - aasar ko pa.

"We are friends, Irene. Pero pretty siya for me."

"Siya, bilisan natin. Baka magkagulo pa sa class ko." Natapos ng magprepare, kalaunan natapos na rin ako magdemo.

My head teacher stayed at the back of my room, intently looking at me, sometimes nagjojotdown din siya but mostly her eyes are on the student's activities. Hindi ko lang talaga maiwasang kabahan kapag nanjan siya.

"Ma'am Irene, no matter how many times I observe you, my comments are still the same. You are really good with your subject matter as well as considering the diversity of your students." Sabi niya agad, pagkapasok namin ng office niya. "Ang iniisip ko nalang, bakit ayaw mong applyan ung vacant item para sa Master Teacher 1?"

"Ma'am I love teaching children. I don't really have the urge to lead teachers. I really want to stay in the classroom, meet students and their parents. Hopefully, watch them grow and reach their goals."

"That's very passionate." Isang ngiti nalang ang naisagot ko dahil ayoko ng humaba pa ang pangungumbinsi niya. True enough, wala akong balak magpataas or kahit ano. Gusto ko lang magturo. "If that's so, congratulations Ma'am Tan for a job well done today. Sana lahat ng teacher ay katulad mo."

"Thank you so much po, Ma'am. Without your help I wouldn't grow this much." Mabait ang head teacher namin, very accomodating, and approachable. Wala kanang masasabi sa talino niya, lalo naman ang ganda niya. In short, masherep siye, Charaught!!

"Wala kanang class? Kung wala na, pwede kanang magsaya." Birong sabi niya, at kita ko na naman ang naghuhumiyaw na ngiti niya. Kainis, ang pretty niya talaga!

"Yehez. Balik na po ako ma'am." Isang tipid na ngiti ang ginawad ko sakanya bago lumabas, at dumeretso na sa faculty room. Wala na rin kasi akong class, pero may 1 hour pa ako bago makapag out.

BEYOND ATTACHED ¦ LisRene ¦Where stories live. Discover now