Five (5)

117 5 6
                                    

IRENE BAE TAN


Three days na kami dito sa Tagaytay, wala pa rin akong natanggap na chat ni MadamSDS, ni anino din ay wala dito sa conference hall o baka iniiwasan na makita ko siya. After kasi nung sa parking lot, mejo naging pormal siya. Madalang na ang chats niya, hindi na nga ako niyaya magcoffee. Nagselos yata ang bata at baka bawiin na rin ung blazer niya gamit ko pa naman ngayon 😂😂 Charaught!

Minsan ko lang pala nakita nung nakaraang umaga, after non wala na. Ni hindi nga rin ako sinulyapan minsan, na dahilan para mainis ako. Ewan ko ba!

To: Madam SDS
Are you ignoring me, Madam?
Let's Talk!

To : Liza de Zobel
Where are you? Kape tayo.

Subukan mong iseen lang ako, may kakalagyan ka Madam.

Dahil sa kainitan ng ulo ko, chinat at tinext ko siya. Nagseen naman agad kaso sa huling message, wala na. Pinipikon ako ng batang to e. Shvta.

From : Lisa de Zobel
I can't Ma'am Tan. Nasa Makati ako. Why po?

Halos umikot at lumabas ang mata ko ng gumamit siya ng "Po". Ang kapal ha. Ilang taon lang tinanda ko skanya.

From : Lisa de Zobel
Bukas nalang?

To : Lisa de Zobel
No.

From : Lisa de Zobel
Then, let's talk some other time. Mejo busy po ako.

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Jisoo. Kakabreak kasi namin at mamayang 1pm pa ang next na session.

"Rosé?" Tawag ko kanya na busy basahin ang ipepresent niya mamaya. May mga presentations din kasi kami dito, para ding students ang lagay namin kapag nasa seminars.

"Yes, Ate?" Bulong niya pa na bahagyang kumunot ang kilay.

"Can you text Jisoo to meet me at the hallway? Thanks." Pagkasabi ko, tumayo na ako at lumakad palayo. Alam kong nandito lang ang batang yon.

"Ma'am Tan." Pormal na tawag ni Jisoo, na may bakas ng tuwa at ngiti sa mukha

"Nasaan si Madam SDS?"

"Nasa Makati pero dadaan mamaya yun dito. Kahapon dumaan un sa Taguig." Tumaas ang kilay ko dahilan para tumawa at umiwas siya sa tingin ko.

"Nasaan siya?"

"Namiss mo ako?" May humawak sa balikat ko at boses niya palang alam ko na, na si Madam yon. "Soo, ako na dito." Sabi niya na siyang ikinahalaklak ni Jisoo.

"Hindi naman kita namiss. Hinahanap lang kita."

"Nandito na ako. Anong sasabihin mo, Ma'am Tan?"

"Oh, Blazer mo. Nilalamig ka ata e. " Inis na sabi ko saka akmang tatanggalin pero lalo naman akong nagulat nang yumuko at hinawakan ang balikat ko.

"So, namiss mo nga ako. May pagbalik kapang nalalaman e sinuot mo na nga, Ma'am." Tuya niya at tuluyan na siyang natawa.

"Sorry, I've been busy. Hindi ka rin naman magrereply kaya naisip kong hindi na munang imessage ka."

"Okay noted. Pasok na po ako, Madam SDS." Tumango lang siya, at ako naman ay napangiti. At least naman okay na, alam ko na hindi siya galit. AT BAKIT NGA BA AKO NAG AALALA?!! TSS!

Di na namalayan na natapos din ang mga activities at walang humpay na recitations at pagandahan ng presentations. Sa wakas. Makakapagphinga na!

"Ate, patambay." Kapit agad sakin ni Rosé habang nasa elevator. Pabalik na rin kami para makapagshower man lang bago bumaba ulit para kumain. Parang gusto ko tuloy na magkulong at humiga sa kama ko e.

BEYOND ATTACHED ¦ LisRene ¦Where stories live. Discover now