Eleven (11)

174 8 4
                                    

IRENE BAE TAN




It's been three years since we part ways. Maraming nagbago at maraming nabago. Ang parehong mundo kung saan kami nagkakilala, nag-iba na ng ikot.

Wendy is now a Radio DJ/Singer in Canada. Seulgi is a Singer/DJ too, Yeri and Joy became a Singer Actress. Not only that, kasama na nga rin sila madalas sa mga Variety Shows. Yan, yang tatlo hindi mapaghiwalay. Sama sama sila ngayon sa Korea.

Jennie also made her name as a Channel Brand Ambassador and Singer in New Zealand. Rose Ann made her glamarous entrance in Australia as Singer and Saint Laurent Brand Ambassador. Jisoo also made herself known as Dior Brand Ambassador and Singer Actress in South Korea.

At ang pinakaproud ako sa lahat, kay Lisa. She's been adored worldwide. In fact, all of them are. Hindi siguro lilipas ang araw na hindi mapabalita ang isa sakanila.

Lisa is now a Singer, Dancer and Celine & Bulgari's Brand Ambassador. She made her name known in Thailand, her hometown, China, and Paris to name a few.

That day when we decided to stay apart, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa lugar kung saan ako lumaki. Without my parents knowing, I had been living with nanay in a remote province in the south.

Si nanay ang nagpalaki at nag-alaga sakin dahil busy naman ang parents ko noon. Nasa city sila madalas, si Ate Yuri nasa Korea kasama yung dalawa dahil pangarap talaga nila noon maging IDOL, while ako gusto ko talaga dito, malayo sa limelight. Umalis lang naman ako noon ng south dahil kailangan kong mag-aral ng college sa Maynila.

To cut the story short, maliban sa mga allowances na padala ko sakanila ni tatay, ung ibang pera na ipon ko ay naipundar ko rin ng lupang sakahan na sila ang inatasan kong mamahala. Hindi ito kalakihan pero sapat na para maging investment ng future ko.

The last time I was in the city was when I attended my father's inauguration, which luckily I am not allowed to be in a place where all of them are being seen and together. Dahil nga raw baka biglang may magbanta sa buhay namin.

Natuwa naman ako sa bahaging un dahil hindi ganong expose. Although, kilala na ako ng tao ayoko pa rin maging center of attention at mawalan lalo ng privacy.

Nanay missed call (10)



"Ang daming missed calls. Tsk." Bulong ko, kakatapos lang kasi namin magdeliver ng mga bigas sa bayan. Sumasama kasi ako minsan lalo na kapag wala gaanong gawain sa farm.

"Nay. Bakit po?" Tanong ko kaagad pagkasagot niya ng tawag ko.

"Nasaan na kayo? Papagabi na." Napatingin ako kina Bogum at V sabay turo sa phone. Tumango nalang din sila at nagpatuloy sa pagdrive.

"Pauwi na po, Nay. Kasama ko naman po si V at Bogum."

"Sabihin mo, mag-ingat sa pagdrive. Sa susunod huwag kayong magpagabi sa daan, delikado."

"Opo nay. Nakaluto na po kayo?" Kumunot ang noo ng makarinig ng ingay sa kabilang linya. "Bat parang maingay jan ngayon, Nay?"

"Oo tapos na. Dalian niyo, maghahapunan na tayo pagdating niyo. Hinihintay na kayo ni tatay mo sa labas." Madalas kaming sabay sabay kumain mapa umaga man, tanghalian o hapunan. Bawal kasi na may nahuhuli or hindi sumasabay, magtatampo daw ang grasya.

"Opo, on the way na po kami Nay." Binaba na nito ang tawag. Pinagawan ko sila ng bahay para malapit lang din sila sa bahay ko. Mahirap kasi kung lalayo pa sila. Hindi na sila bumabata.

"Mag-ingat daw sabi ni Nanay." Tumango naman si Bogum kaya pinagpatuloy ko na ulit ung panonood sa phone ko. Anong pinapanood ko? O baka sino? Well, syempre si Lisa. Wala namang iba!

BEYOND ATTACHED ¦ LisRene ¦Where stories live. Discover now