three

34 4 2
                                    

" here we are! " nakangiting sabi ni Lara.

Nag park si Sher sa driveway nila Lara. Walang tao duon dahil nasa Australia ang pamilya nito. Ikinasal ang pinsan nito at hindi ito sumama.

Its a typical bungalow type house gaya ng karamihan sa lugar na iyon. White ang dingding nito at red tiled roof naman ang bubong. May dalawang kwarto sa loob. Kusina sa east wing ng bahay at may porch sa gilid kaharap ang isang maliit na garden.

Napangiti si Sher. Tahimik din ang neighborhood. Nginitian siya ng ilang kapitbahay ni Lara bago sila pumasok sa loob. Gusto na agad niya ang lugar.

Dala ang kanyang duffle bag, inilock niya ang kotse. Saka sumunod sa kaibigan at pumasok sa loob ng bahay nito.

" wow ang sarap mo palang magluto!" Napapalatak si Lara.

Nagluto si Sher ng jambalaya at pnagsaluhan nilang dalawa.

" I can do alot of things friend. Solo lang kasi ako sa house." Sabi naman ni Sher. Napasimangot siya ng maalala ang palagiang pag iisa sa bahay. Natuto siya sa panunuod sa tv habang lumalaki siya.

" pupunta nga pala ako sa convenience store dyan sa kanto sasama ka ba?" Tanung ni Lara.

" no. Ikaw na lang friend. Mag titimpla ako ng hot choco join me at the porch when you return ,ha?" Bilin niya dito.

Tumango si Lara at lumabas ng bahay. Dumiretso naman si Sher sa porch. Dala ang dalawang mug. Umupo sa swing sa gitna ng garden.

Naalala niya nuong bata pa siya.
Gustong gusto niyang maglaro sa park at makihalo sa mga bata pero hindi siya pinapayagan ng mommy niya. She felt so alone. Buong buhay niya palagi na lang siyang nag iisa.

Sher.....

Napalingon siya. " sino yan? Lara...
?"

Tawag niya sa kaibigan. Nang walang sumagot nagkibit balikat siya. Isinalpak niya sa tenga ang earphone at ipi nul blast ang volume. Napa sabay ang paa niya sa kanta ni Yonghwa. Tumutugtog ang love girl at napasabay pa siya.

Sher... Halika ....

Bigla niyang tinanggal ang earphones. Dinig na dinig niya ang boses. Halos katabi niya lang ang tumawag sa kanya. Bigla siyang lumingon pero wala siyang katabi.

Sher.....halika...

" sino yan? Magpakita ka sa akin!"
Nilakasan niya ang boses niya. Nagumpisa siyang humakbang paatras. " magpakita ka na.. " sabi niya ulit.

Ang lakas ng kaba ng dibdib niya. Sumabay pa na tila dumaing ang mga sanga ng puno sa gilid ng garden nila Lara.

Whoosh..kreeeeekkk!

Nagtatakbo si Sher papunta sa driveway at narinig niya ang tunog ng isang pares ng paa na humabol sa kanya..

Sher.... halikaaaa......

"Ahhhhhhhhh!"
Tili ni Sher nang sunggaban siya ng dalawang kamay. Nanlaban siya dito. Natumba sila kung sino man ang taong ito malakas ito kesa sa kanya. Pero hindi siya papayag na basta basta na lang siya makukuha nito .

" bitawan mo ko! Tulungan niyo kooo.. Help..." Biglang may nagtakip sa bibig niya kasabay ng pagbagsak nila sa may driveway. Tumama ang ulo niya sa isang bato at nahilo siya.

" Lara....." Yun lang ang nasabi niya bago nawalan ng malay

dopplegangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon