- eight-

26 2 5
                                    


Aaaaaaah!

Natarantang kinatok ni Lara ang pinto ni Sher. Kanina pa ito nagsisigaw.


Shit! Tumakbo siyang pabalik sa kwarto. Dala dala ang cellphone at nagmamadaling tinawagan si Brix.


Hello...sino...anang boses sa kabilang linya.



Brix! Brix! I need your help si Sher...shes locked in her room kanina pa siya sumisigaw! Natatarantang sabi niya sa kaibigan.



What?! Sige papunta na kami dyan.. Naputol ang linya at itinuloy ni Lara ang pagkatok sa kwarto ni Sher.



Ilang minuto din ang tinahak ng police cruiser nila Brix bago ito nakarating sa bahay ni Lara.
Nagmaamdaling kumatok siya sa pinto.



Lara! Is everything ok? Tanung niya sa babae matapos nitong buksan ang pinto. Bakas ang pag iyak sa mukha nito. Pumasok sila sa loob.




Nakaupo si Sher sa sofa balot ng isang malaking towel at nanginginig ito. Lumuhod siya sa harap ng babae at hinawakan ang mukha nito.



Nagtaas ng tingin si Sher. Puno ng takot ang mga mata. Maputik ang suot nitong damit. Pati ang mga paa.
May kalmot sa magkabilang braso nito.


Anung nangyari? Mahinang tanung ni Brix sa dalaga. Nanginginig pa rin ito. May humabol na naman ba sayo?



P-pinatay niya y-yung lalaki...p-pinatay n-nya...nahihintakutang sabi ni Sher. Nagumpisa na namang tumulo ang luha sa mga mata niya.



Naawang niyakap siya ni Brix.
Itinaas mukha at nagtatakang tumingin kay Lara.
Akala ko nagkulong siya sa kwarto? Tanung niya dito.




O-oo nga..sagot ni Lara at niyakap niya ang sarili niya.


Paano niya ipapaliwanag ang nakita niya?

dopplegangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon