two

62 4 1
                                    

One week ago.

" Sher sama ka paguwi ko sa Des Moines ha?" Yaya ni Lara sa kaibigan.

" anung meron friend? " tanung ni Sher.

" merong celebration. I a unveil yung bagong monumento ni Chester de Ray. " pagbabalita ni Lara.

Si Chester del Ray ay nabuhay nuong 1840 at itinuturing na hero sa bayan nila Lara. Nuong panahon ng giyera, mag-isa nitong tinawid ang bundok kung saan nagtatago ang mga mamamayan ng Des Moines. Nagdala duon ng pagkain at gamot. Ilang beses niya itong ginawa hanggang sa tamaan siya ng ligaw na bala at mamatay sa daan.

" ang tapang ni Chester noh? " sabi ni Sher.

" sinabi mo pa.. So anu? Sama ka ah?" Pamimilit ni Lara.

" sige. Mag shopping muna tayo bukas para may madala ako." Sabi ni Sher sabay tawa. Nakitawa na rin si Lara.

Anak si Sher ng sikat surgeon sa Mayo Clinic at pediatrician naman ang mama nito. Sunod sa luho ang anak palibhasa busy palagi ang mga magulang nito.

Pinayagan agad siya ng mga magulang ng nalamang kasama niya si Lara. Binigyan pa siya ng additional credit cards para hindi siya mahirapan.

" we will expect you to come home after a week ok? " yun lang ang sinabi ng mommy niya. Pagkatapos ay umalis na ito at pumunta sa ospital kung saan ito naka assign.

Sakay ng kanyang silver porsche, nagbiyahe sila ni Lara. Nasa talyer ang kotse ng kaibigan kayat naki sakay na ito sa kanya.

Naka full blast ang cd player niya habang tumatakbo sa highway. Sumasabay pa sila sa boses ng paborito nilang banda ang CNBlue.

Kasalukuyang umiinom ng kape si Sheriff Brix del Ray ng dumaan sa tapat niya ang kotse ni Sher. Napailing siya ng marinig ang sobrang lakas na tugtog mula sa kotse nito.

" those girls are hot! " sigaw ni James Ruiz. Partner ni Brix at isa sa deputy niya.

" hay nako. Ayan ka naman James! Basta babae .. Diyan ka magaling eh"
Napapailing na sabi niya dito.

" Brix naman. Bulag ka ba? Kung hindi ako nagkakamali si Lara deLuna yung nasa passenger side ng kotse." Sagot naman ni James.

Sinundan ni Brix ng tingin ang papalayong kotse malapit na ito sa lift papuntang Des Moines. Nang makaliko ito, saka lang niya ibinalik ang tingin kay James.

Nangalahati na ang donut sa box at natawa siya. " hoy. Wag mo kong ubusan ah. Mukhang me bisita tayo. " sabi niya dito tinutukoy ang kasama ni Lara sa kotse.

" hmmm..  Baka iyon na ang nakatakda mong maging girlfriend. " natatawang sabi nito. " matagal nang wala si Clarissa. Pwede ka ng kumuha ng kapalit."

Tinitigan ni Brix ang kaibigan. Saka nagbuga ng hangin mula sa dibdib.
Tumingin muna siya sa relo, dalawang oras pa sila bago bumalik sa Des Moines.

Naalala niya si Clarissa. Napabuntunghininga siya.

dopplegangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon