-six-

23 2 3
                                    

Napatakbo si Lara sa loob ng banyo kung saan nandun si Sher.

Puro talsik ng dugo ang damit nito.

Iyak ng iyak si Sher sa banyo. Inalalayan niya ito para magbihis.

Bakit ganyan ang damit mo? Nagtatakang tanung niya sa kaibigan.

Hindi ko din alam Lara.. Nanginginig pa ito sa takot.

Pagktapos makapagbihis, bumaba sila.

Anung gagawin ko natatakot ako.
Sabi ni Sher kay Lara.


Hindi ka naman umalis kagabi kasi sinilip pa kita nung bumangon ako ng madaling araw... Nagtatakang sabi ni Lara.

Napakagat sa labi si Sher.
Nanaginip siya kagabi na tumatakbo palayo sa isang krimen.
Imposible naman na nagkatotoo yun.
Pero paano maipapaliwanag ang dugo sa damit niya?

Kinahapunan dumating si Brix kasama si Darius na nakita ni Lara kaninang umaga. Nagtanung ito kung bakit nag sisigaw si Sher.


Ahh..nanaginip siya. Sabi ni Lara.
Siyangapala bakit parang pagod kayo?


Nagkatinginan sila Brix at Darius.
Well bilang sheriff...i advise ko sana magingat kayo. May natagpuang patay malapit sa christian church. Wala pang suspect kasi walang bakas sa kutsilyo.

Napayakap si Sher sa sarili at napansin iyon ni Brix. Ms. Choi. Dont worry. Mapayapa ang lugar namin. Sa totoo lang ngayon lang ito ngyari after 20 years.

Mag pa patrol naman kami. Sabat naman ni Darius.

Hindi kaya yun yung tumatawag sa akin? Tanung ni Sher kay Lara.

Napatingin naman si Brix sa babae.
Mag lock kayo palagi ng bintana at pinto. Lara may pepper spray ba kayo?


Meron. Tsaka. Mag iingat na talaga kami. Salamat sa paalala. Sabi ni Lara at bahagyang ngumiti.


Ok. So mag iikot muna kami. Palagi kaming dadaan dito para mabawasan ang takot niyo. Pagkasabi nun ay tumayo at nagpaalam na ang dalawa.

Huwag ka munang mag kukwento Sher. Baka naman nagkataon lang yan nagyari kanina. Sabi ni Lara para kumalma ang kaibigan niya.

Tumango naman si Sher. Sana nagkataon lang. Naidasal niya na sana hindi na rin siya managinip pa.

dopplegangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon