Kumuha ng baso mula sa cupboard ang lalaki. Marahil kagagaling lang nito sa opisina dahil suot pa nito ang necktie at niluluwagan niya ito.
Lingid sa kanya, may isang aninong papalapit. Nakaputing damit ito.
Pero may mga bakas ng putik ang layalayan ng damit.Putikan din ang mga paa nito at ngayon ay gumagawa ng marka sa tiles na sahig.
Lumingon ka!
Gustong isigaw ni Sher pero tila napipilan siya.Matalim na lumingon sa kanya ang babae at nasindak siya sa hitsura nito.
Kamukha niya ang babae.
Ang mga mata nito ay kulay itim, samantalang ang kanya ay light brown.
Mahaba ang buhok nito na umabot sa bewang, hanggang balikat naman ang buhok niya.Maputla ang hitsura nito at matalim ang mga matang nakatingin sa kanya. Maya maya muli nitong tiningnan ang lalaki at dahan dahang lumapit dito.
Tumakbo ka na!
Muling sigaw ni Sher pero walang lumalabas na boses sa bibig niya.Inilibot niya ang paningin. Naghanap ng maaaring gamitin para matawag ang pansin ng lalaki.
Nakita niya ang maliit na paso ng halaman sa may bintana at tinabig niya iyon.
Biglang lumingon ang lalaki at nanlaki ang mga mata nito ng makita ang babaeng nakaputi.
Huwag! Huwag kang lalapit!
Tulungan ninyo ako!!!Hinawi nito ang babaeng nanlilisik ang mata na nakatunghay sa kanya at may hawak na kutsilyo.
Tumakbo siya sa pinto at pinihit ang seradura. Nakahinga siya ng maluwag ng mapihit iyon at mabuksan ang pinto pero bago siya nakalabas, sunod sunod na unday ng saksak ang tumama sa likod niya.
Ahhhhhhh! Saklolo! Tulungan niyo ako!! Sigaw ng lalaki.
Natawag ang pansin nila Brix na kasalukuyang nag papatrol sa lugar.
" Darius we need backup. Sa alley 54.'" Pagkasabi niyon ay lumabas siya ng kotse at madsling tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng sigaw.
" Bro..dahan dahan.." Paalala sa kanya ni James.
Dahan dahan silang lumapit sa bahay. Bahagyang nakabukas ang pinto niyon.
Palapit na sila sa driveway ng biglang banggain sila ng isang tao na nanlilisik ang mata.
" Briiiix!"
![](https://img.wattpad.com/cover/39210051-288-k966212.jpg)
BINABASA MO ANG
doppleganger
Horror- what if you witness a murder, what will you do? What if the murderer is you? - CAST ======== Taecyon as Brix Lyr as Sher Arnie as Lara Yonghwa Jonghyun Minhyuk Jungshin