- five -

22 2 3
                                    


Maagang nagising si Lara at dumaan muna siya sa kwarto ng kaibigan. Tulog pa rin si Sher. Napangiti siya ng makitang nakapaligid ang unan dito.


Bumaba na siya at naghanda ng almusal.


Lara... Narinig niyang tawag ni Sher.


Nandito ako sa kusina.. Sigaw niya.


Lara.... Tawag ulit nito. Lumingon siya dahil parang malapit ang boses ni Sher. Nakita niyang sumara ang pinto.


Sher? Teka saan ka pupunta? Napatakbo siya palabas.


Hey! Good morning! Nakangiting bati ng deputy ni Brix sa kanya. Huminto ang mobile ng pulis sa tapat ng bahay niya.

Good morning...nagpalingon lingon siya.


May hinahanap ka ba? Tanung nito sa kanya.

Yung kaibigan ko lumabas napansin mo ba kung saan pumunta? Tanung niya dito.


Ha? What time lumabas? Tanung din nito sa kanya.


Ngayon lang mga less than 5 minutes.. Sagot niya at napakamot ng batok ang driver.

Miss..kanina pa ako nandito. Ikaw pa lang ang lumabas sa pinto na yan. Sagot nito sa kanya.

Hmmm...weird. Nakita kong sumara ang pinto. Kumaway na lang siya sa deputy at muling pumasok ng bahay. Nakita niya ang dulo ng tsinelas ni Sher na pabalik sa kwarto nito.


Hindi yata siya tumuloy lumabas..
Mali naman ako ng naisip.


Dumiretso na siya sa kusina. Saka naman nalaglag ang nakakwadrong litrato sa kwarto ni Sher.


Napadilat ito. Hmmm..lara? Nagkusot ito ng mata at saka tinanggal ang kumot na nakatakip sa katawan nito. Tumayo siya at nag-inat. Pumasok na siya sa banyo.

Nanghilakbot siya ng humarap sa salamin. Puro dugo ang harap ng damit niya at maputik ang paa niya.


Ahhhhhhhhh!

Narinig ni Lara ang sigaw ng kaibigan gayundin ang deputy na nasa tapat ng bahay nila. Rumadyo ito sa sheriffs office.

Pupungas pungas na tumayo si Brix.

Yes? - brix


Pumunta ka dito may sigaw na galing sa bahay nila Lara! - deputy


Huh? Ok..parating na ako!
Palabas na siya ng opisina ng hangos na dumating sila Mr. Smithy at ilang tagapag alaga ng christian church.

Sheriff! Its a good thing naabutan ka namin! Hinihingal pa ito mula sa paglakad

Goodmorning po! Anu pong maipaglilingkod ko? Tanung niya sa mga ito.

May p-patay duon sa tabi ng chapel! Di magkandatutong sabi nito. Sunod sunod na nagkwento ang nga kasama nito. Wlang maintindihan si Brix.

Hep! Isa isa lang. Ok. Pupunta ako sa simbahan niyo. Magbibilin po muna ako at walang tao dito..sabi niya sabay radyo kay Darius.


Nang dumating ang kapalit niya. Lumakad na sila papunta sa christian church. Kagabi lang may nanghabol sa bisita ni Lara. Ngayon naman may namatay.. Napailing si Brix.


Anu na bang ngayayari sa mundo?

dopplegangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon