-thirteen-

32 1 0
                                    

" Clarissa.. .. Pinasusundo ka ni Brix ."

Nakangiting lumapit si Clarissa.

" Magkape ka muna. Magbibihis lang ako. Bakit naman hapon na kasi nagsabi yung tao na yun." Natatawang sabi nito.

Ngumiti lang siya. Maganda talaga si Clrissa at mabait.
Swerte talaga si Brix sa future wife niya.





"Nasaan si Brix?"
.

" Pumasok ka na sa loob nag hihintay siya sayo ."

" Brix?! Nasaan na siya akala ko nandito siya?"

"Clarissa .... "

" Huwag! Maawa ka sa akin! Bitiwan mo ko!"

" Clarissa mahal kita! Mas mahal kita kaysa sa kanya. "

" Hayup ka! Bakit mo ginawa sa akin to? I-isusumbong kita k-kay
Brix!"

" Clarissa! Akin ka na... Hindi na kita ibabalik sa kanya..."






" May bisita ka pala.... Kamusta Clarissa?"

" Gerry? B-bakit...."

" Masyado kang maraming alam. Kumbinsido na si Brix sa random killings bakit nakialam ka pa?"
.

.
" Mga walanghiya kayo! Ahh! Mga walanghiya! Kayo ang nasa likod ng lahat!"

" Bitawan mo kong babae ka!"
.

"Ahhhh!"

" Anung ginawa mo?"

" Sh*t!"

" Gawan mo ng paraan kundi sasabit tayo!"




.





Pinitik niya ang sigarilyo sa labas ng bintana.

Hindi sinasadya ang nangyari kay Clarissa nuon. Nanlaban ito kay Gerry. Ang balak lang naman niya ay ikulong ito sa bahay bahay niya . Pagkatapos ng nangyari sa kanila alam niya na hindi na ito babalik kay Brix. Maaangkin na niya ito at matutuhan siyang mahalin nito. Pero naitulak ito ni Gerry at nabagok.


Nang malaman ng boss nila, ipinatapon ang katawan ng babae sa may kakahuyan.

Naging kabilang ito sa statistics ng unsolved crimes.


Umiyak si Brix ng matagpuan ang katawan ng fiance dalawang araw matapos itong mawala. Nanghinayang din siya. Gayunman wala na siyang magagawa.

Ngayon sisiguruhin niya na hindi makakalapit ang boss niya kay Sher.

Akin ka lang Sher. hindi ako papayag na matulad ka kay Clarissa. Pumito pa siya habang nagmamaneho sa cruiser.








- - - -

Sher!

Dumilat si Sher. Bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ni
Lara at Brix.

Umuungol ka. Nananaginip ka ba? Tanung ng binata.

Inalalayan siyang umupo nito. Ok ka lang ba?

Napakagat sa labi si Sher.

Tinitigan niya si Brix. Yung babae. Alam kona ang pangalan niya.


Ha? Anung pangalan niya?tanung ni Lara.


Clarissa.... Siya yung babae!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

dopplegangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon