Chapter 7 Assassins
The Heroine
Konti pa lang ang napasyal namin. Naiwan ko pa man din ang phone ko. Bigla kasing nagbagsakan ang ulan eh. Ewan ko ba. Kaya napilitan kaming bumalik. Basang basa kaming dalawa kaya naman nilamig ako. Buti siya siguro eh hindi. "Thorne, b-b-bilisan moooo," ani ko. Sh*t ang lamig. Mabilis nga eh lumalamig naman.
And then voila! We've finally arrived. But I can predict myself from getting sick. "We're here, baby," he said. Medyo natataranta pa iyong pagkasabi niya.
"Purge!" sigaw ni Shaji. Inabangan nila ako ng sandamakmak na tuwalya at kumot. Si Thorne na rin mismo ang nagpunta sa akin sa nirentahan naming cottage.
"Girls? Can I trust you to undress her? And change her clothes?" tanong ni Thorne sa AphKlat. Narinig ko naman ang pagsang-ayon ng AphKlat. Kahit gusto ko ng ipikit ang mga mata ko, napilitan parin akong tingnan ang nasa paligid ko. Wala ang boys, wala si Thorne, wala si Johan pati si... Nikki. Tumulo ang luha ko. Buti na lang medyo basa pa ang buong katawan ko kaya't di nila napansin.
"Can you call Nikki? Kanina pa siya wala dito! Nasa cottage siya kanina ng mga boys," sabi ni Stizza.
"Wag na. I don't want to disturb her with Johan. They might be pleasuring themselves ngayon pang malamig na," sabi nung blonde. Hindi mo akalaing ang isang blonde na talagang mestisa ay fluent din sa tagalog.
"Okay," sabi ni Stizza. Aaahhh! Di ko na po kaya! "Pasalamat ka talaga inaalagaan pa kita. I just don't know why. Dapat nakikipaglampungan na ako kay Xendo eh," iritadong sabi ni Stizza. Hehe. Sabi sa inyo eh mabait siya.
"Thanks," ani ko.
She's sincere and I really appreciate it. Iniwan nila ako dito. Wala akong ibang maisip... yung kay Johan lang. Bwisit! He's like avoiding me? For no specific reason! Nag-eemote na naman. Buti na lang talaga eh sumasagi ang moment namin ni Darke kanina. I'm happy and sad at the same time.
*shrieking sound*
Tumindig ang balahibo ko sa nakita ko. Johan. Kahit anong galaw ko naman eh malalaman niya. Sa talas ba naman ng mata at tenga niya. Baka alam niya pang nakadilat ako ngayon kahit madilim naman. Gusto kong ipikit, pero may parang pumipilit sa akin na pagmasdan ko siya. Oo, he's walking towards me. Parang hindi siya si Johan. Mukhang... miserable siya. Pero kahit pala gulung gulo na ang buhok niya, he looks the same and still aesthetic in my eyes. Sa kabila ng papuri ko, I can't really deny my hate for him for avoiding me. Buti sana kung iniiwasan niya ako na siya lang, eh sinasama niya si Nikki!
Napapikit ako sa naalala ko. "You're still awake? Matulog ka na," bulong niya. Gusto kong magmura!
"Sorry pala." Dapat lang. You deserve to be unanswered. I just glared at him. Hindi pa rin bumubukas ang ilaw eh pero nakatitig ako sa mga pulang mata niya. Aba't kahit pula yun eh ramdam ko ang lungkot. Mukhang weak siya ngayon. Imbis na irapan ko siya, naging malungkot din ang tingin ko sa kanya. Mabait na ba ako masyado?
"Sorry..." Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko eh. Nakakabanas na ewan. Yung bang gusto mo patawarin mo agad. Mahirap na madali.
"Umalis ka na," utos ko.
Pinigilan ko ang luha ko at nag-iwas ng tingin. "No. I will stay. Hindi kita nabantayan kanina... bumabawi lang ako," aniya. Dapat lang. Hindi pa rin ako umimik.
"Sorry na talaga." Ang init ng pakiramdam ko. Pero parang gusto kong balutin ko ang sarili ko sa lamig. Umuulan pa man din kaya malamig. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Nandito parin siya sa tabi ko kaya naman nagsimulang lumagapak ng tibok ang puso ko. "Si Thorne?" tanong ko habang nakapikit. Asan kaya siya? Maiba nga ang usapan.
BINABASA MO ANG
Forbid Thy Heart ✔
VampireSHORT STORY :) ANOTHER VAMPIRE STORY :) ------ She has several gustoes in life about making fun to her considered bizarre world. She will experience all odds in life. Giving her full efforts in somewhat hiding from her father will serve as a way to...