Chapter 2 Aesthetic

302 10 1
                                    


Chapter 2 Aesthetic

The Heroine

"Who's that chic?"

"Can we go in there?"

"We just want to see her."

I checked the clock, 5 AM. Oh geez nakatulog lang ako ng dalawang oras. Naririnig ko rin ang mga kalokohan ng mga boys at kung hindi ako nagkakamali eh kinukulit nila si pare.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya ipinikit ko ang mga mata ko. They switched on the lights, narinig ko. I embraced tightly the soft pillow.

"Ganda!" sabay sabay nilang puri. Hala! Lumakas ang pintig ng puso ko. Flattered or nervous?

"First time to see an angel in this house," sabi nung isa.

"She'll be staying here," sabi ni pare. Shit ang lalapit nila. Naramdaman ko pa ang pag-upo ng tatlong tao sa may gilid nitong malaking bed.

"What?! Who is she?! Your girlfriend?!" sabay ulit nilang gulat na tanong.

"Nope. We're just... friends I guess," sagot ni pare.

"Whoooa! Girlfriend mo eh! Aminin!" pilit nila.

"Shut that damn questions. Johan, go to the mall and buy her clothes especially undergarments. Dala mo ba Miata mo?"

"Yes but hey hey hey! One night stand? Love at first-"

"Ako dala ko BB ko! Sama ako para ako pumili ng panty at bra niya!" masayang sabi nung isa. O M G.

"Makikisabay ako, Shaji ah!"

"Tss... Just go. Punta na kayong tatlo. She's a rich kid. Baka maligo yan pagkagising. Baka tamad pa yan kase prinse prinsesa ang aura niya," sabi naman ni pare.

"Damn! I can hear her heartbeat..." sabi nung isa na nagpabilis pa ng pintig ng puso ko. "Her heartbeat for me!" dagdag niya. Natawa silang lahat. Iyon yata iyong Johan. Kaboses nong kanina eh.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "Pero honestly, kahit tulog ang ganda ah! Tapos damit mo pa ah?"

"Hey, open your eyes. We already know you're awake," utos ni pare. Syempre ako naman eh dinilat na ang mata ko. Ngumiti ako sa kanila isa isa yung para bang nahuli ka sa akto. Apat sila dito sa kwarto. Ang tatlo'y abot tenga ang ngiti tapos syempre nakangisi rin lang si pare. Bumangon na ako at lalo pang iyakap ang unan.

"Ohayou gozaimasu! Nagising ka ata namin!" bati nung malapit sa akin. Ano raw? "I'm Luke Johannes Covey!" sabi nito at naglahad pa ng kamay pero di ko tinanggap. Bakas ang dugong Filipino nito. Eh syempre goodlooking pa siya kase ang ganda nung ilong niya. Ang... gwapo niya!

Napabaling ako sa iba. Yung isa, Filipino rin lang. Maputi siya. "Ako nga! Ako naman si Pierce Soul Mendez," masayang pakilala nito sa sarili at kung anong lahad ng kamay at rejection ko kanina eh ganun din ngayon. But his eyes are adorable. Parang nang-aasar nga ang tingin niya eh.

"Argh! I'm Shaji Haku Matsuo, Ms. Gorgeous!" bati nung pang huli. Eh ganun din ang nangyari hindi ko tinanggap iyon pakikipagkamayan nila sa akin. Halatang may lahing Hapon ito. Masayahin ang mukha niya at mukha talagang friendly.

"Oh ikaw di pa kita kilala!" medyo husky kong sigaw kay pare. Morning voice.

"Siya ba? Hindi pa kayo magkakilala?" manghang tanong ni Johan.

"Xendo Davy Schyder!" masayang sigaw nila sa akin. Okay! Ang lakas naman eh magkakalapit naman kami!

Xendo Davy Schyder. What a nice name. Eehh!

Forbid Thy Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon