Nagising ako, umaga na pala. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.
Bumangon na ako at pumunta sa kusina.
"Goodmorning ma"
"Goodmorning nak. Kain ka na"
Umupo na ako at kumain na ng breakfast.
"Nasan nga pala si kuya ma?" Tanong ko nung napansin kong wala si kuya.
"Ah, lumuwas na kuya mo sa Mindoro." Sabi ni mama
Napa-ah nalang ako at kumain na ulit. Namiss ko luto ni mommy. Hahaha.
Pagkatapos ko kumain, pumunta na ako sa banyo para maligo. Ang init masyado eh.
After ko maligo at magbihis, bigla nalang sumigaw si mommy.
Napalabas ako ng kwarto at nakita ko siya sa may backdoor.
Nilapitan ko siya at nanlaki mata ko. Shems. NASUSUNOG ANG BACKYARD NAMIN O__O
Kinuha ko yung hose sa may gilid at pinilit patayin yung apoy pero mas lalong kumalat at lumaki yung apoy.
"Mommy! Tumawag na po kayo ng bumbero!" Sigaw ko kay mommy. Nagpapanic nadin ako eh.
Kumalat na yung sunog sa bahay, hanggang kusina, na-trap na ako sa kusina.
"Mommy!" Tawag ko.
Pero, wala.
"Mom-" umubo-ubo na ako. Sheems! HELP MEEE!
"Mommy..." Nanghihina na ako. Di ko na kaya. Hanggang sa, nawalan na ako ng malay.
-------
"Sige doc. Salamat."Dahan dahan ko iminulat ang mata ko. Puti. Puro puti.
Nasa ospital ba ako?!
"Ma.." Tawag ko.
"Gising ka na pala. Kamusta pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni mommy.
Ngumiti ako sakaniya.
"Ok lang ako ma."
Nakahinga naman si mommy ng maluwag.
"Ano nangyari ma?" Tanong ko.
Bumuntong hininga muna si mommy bago nagsalita.
"Nasunog ang bahay natin. Nawalan ka ng malay dahil natrap ka sa loob ng kusina."
Nakikinig lang ako kay mommy.
"Dinala ka sa ospital. Buti naman at ok ka na." Ngumiti si mommy. Ngumiti din ako.
"Kamusta na ang bahay mommy?" Tanong ko.
Biglang nawala ang ngiti ni mommy. Why?
Kumunot ang noo ko.
"Anak, wala na tayong bahay." Malungkot na sabi ni mommy.
Nanlaki ang mata ko. ANOOOOOOO?
"WHAT?" Gulat kong sigaw kay mommy.
Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin ako.
"Oo anak, nasunog na yung buong bahay. Pero, nailabas pa yung mga gamit na importante."
"Buti nalang at madaming kapitbahay ang tumulong sa akin. Yung kababata mong si Jimmy ang naglabas sayo mula sa kusina." Pagpapatuloy ni mommy.
Whut? Si Jimmy ang nagligtas sakin? I need to thank him.
"Yung mga damit natin, nakuha ko pa lahat. Tinulungan ako ng mga ate ni Jimmy at ng Tita Mia mo."
"Pati mga, gamit nyo ng kuya mo sa school nakuha ko din. Pati yung pinakaiingatan mong teddy bear."
Si Mj... Buti nalang.
"I don't know what to say." Naiiyak kong sabi.
Kakauwi ko lang from New York, tapos, ganito ang nangyari.
Saan na kami titira ngayon? Nakakainis!
"Ok lang yon anak. Wala na tayo magagawa eh." Malungkot na sabi ni mommy.
"Hindi ok ma!" Naiinis kong sabi.
Nakakainis talaga. Bakit nangyari to samin? San kami titira ngayon? Saaaaan?
"Minzy, ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni mommy.
"No ma! San tayo titira? We can't live kila tita Mia, dahil big family sila. Di na tayo kakasya. Di din naman sa mga tito at tita, dahil malayo sa school ko. And, big family din ang mga relatives natin. Wala naman tayong province. Bumalik nalang kaya akong New York? Isasama kita ma. May pera naman ako eh. Ano ma?" Mahaba kong sabi kay mommy. Na nauwi sa isang tanong.
Nakatingin lang sakin si mommy.
"Ma ano ba? Tititigan mo lang ako?" Kunot-noo kong tanong kay mommy.
Natawa si mommy. What's funny?
"Sorry. Hahaha." Di na nya matuloy sasabihin niya dahil tawa siya ng tawa.
EDI WOW.
Wala na nga kami matutuluyan, ang saya saya pa ni mommy. WOW LANG. -____-
Nung napansin ni mommy na, naiirita na ako sa pagtawa niya, she stopped laughing and smiled at me.
"Anak, may matutuluyan na tayo. I have this friend, super close kami. And, she offered me help. And, she said na doon na tayo sakanila tumira."
"Srsly ma?" Kunot-noo ko pading tanong.
Sinong friend yun? Lahat naman ng amiga/amigo ni mommy kilala ko eh. Sino dun sa mga yun?
"I'm serious. Idi-discharge ka na mamayang 5pm, then diretso na tayo kila Tita Kris mo. Pahinga ka na muna." Ngumiti si mommy at lumabas na ng room ko.
Tita Kris? Familiar yung name niya.
YOU ARE READING
Living with HIM
RandomAng tagal na panahon mo nanirahan sa ibang bansa. Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, ay hindi inaasahang nasunog ang inyong bahay. At no choice kayo kundi tumira sa bahay ng isang kaibigan ng mommy mo. Pero, ang kaibigan ng mommy mo ay ang mommy ng ex boy...