Naandito na kami sa entrance ng Magical Kingdom. Parang ayoko pumasok, pakiramdam ko kapag pumasok ako, masusunog ako.
Anong mayroon sa Magical Kingdom at ang OA ko magreact? Well, ito lang naman ang lugar kung saan kami madalas magpunta ni Jarred nung kami pa. Its like, our favorite place.
Para sa inyo siguro, hindi big deal yun, pero for me, it is a big deal. Madami na kaming memories dito, sweet, sad, funny, and crazy memories together. And kapag pumasok kami diyan, hindi maiiwasang mag-reminisce, or mag-flashback. Babalik yung happy memories, at ang masasakit na memories. And I don't like the idea of that.
Napatingin naman ako kila Sandy, France, Frank and Lance. Nakangisi silang lahat sa akin, and I hate it. They planned this, and I really hate it. Dahil ayoko na ma-issue ulit dahil lang kay Jarred. Once is enough.
"Let's go na guys!" Masayang sabi ni France. Nag-alangan naman akong sumama, same with Jarred.
"Uhh. Okay ka lang Love?" Tanong ni Yohan kay Jarred. Hinawakan naman ni Jarred ang kamay niya at ngumiti. Napaiwas nalang ako ng tingin.
"Uhm. Wag na lang tayo dito, looks like ayaw ni Marcus and Minzy." Nag-aalangang sabi ni Yohan. Napailing nalang ako.
"Ano ba! Wag nga kayong KJ. Pumasok na nga tayo." Inis na sabi ni Sandy, at hinila ako papasok. Pumasok nadin sila.
"Tara! Let's try the Gabi ng Lagim!" Excited na sabi ni Frank. Sheyt. Not the horror house.
Flashback~
Nagkayayaan ang barkada na mag-gala, at dito kami sa Magical Kingdom nag punta. Kaya lang, naghiwahiwalay kami dahil magkakaiba kami ng gusto puntahan at sakyan.
Nagpunta kami sa horror house dahil trip ni Red. At, takot ako sa multo. I know na hindi sila totoo, but nakakatakot naman sila. Grr. Pinagbibigyan ko lang si Red, mahal ko eh.
"Tara na, huwag ka na matakot." Pang-aalo niya sakin.
"Ehh kasi naman. Nakakatakot yung mga mukha nila." Natatakot kong sabi. Tumawa naman si Red at pinisil yung pisngi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/39293279-288-k786975.jpg)
YOU ARE READING
Living with HIM
RandomAng tagal na panahon mo nanirahan sa ibang bansa. Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, ay hindi inaasahang nasunog ang inyong bahay. At no choice kayo kundi tumira sa bahay ng isang kaibigan ng mommy mo. Pero, ang kaibigan ng mommy mo ay ang mommy ng ex boy...